T'Sec'C 55: Killer

275 13 2
                                    


Jessmar's POV

Namatay ang lahat ng mga ilaw. Nanginig ang mga tuhod ko nang marinig ang masasakit na sigaw ng mga kaklase ko.

Nanginginig ang aking labi. Humakbang ako paatras sa takot. Atras ako ng atras hanggang sa hindi ko na namalayang tuluyan na akong nakalayo sa lugar kung saan kami naroroon.

Madilim ang buong paligid. Naririnig ko pa rin ang impit at sakit na sigaw ng mga kaklase ko kahit nasa malayo na ako. Tumakbo ako papalayo.

Kailangan ay may gawin ako! Kung ako na man lang ang maiiwan sa lahat ng mga kaklase ko, at least may magagawa man lang ako!

Hingal na hingal ako nang makarating sa principal office at nagulantang sa narinig na putukan. Hindi ako pwedeng magkamali. Baril iyon at siguradong-sigurado ako doon!

Namilog ang mga mata ko nang makita ang bukas na pintuan nito ng opisina!

Pumasok ako sa loob at halos mahimatay nang makita ang walang buhay na si Junel at si Sir Gil.

Nanginig ang buong katawan ko. Napaatras ako, nanginginig ang mga tuhod at mga kamay. Natakpan ko ang aking bibig at mabilis na tumakbo papalayo sa opisina.

Naluluha ako sa takot. Pakiramdam ko ay katapusan ko na rin! Pakiramdam ko ay wala na akong mahihingian ng tulong!

Tumakbo ako pabalik sa pasilyong dinaanan ko kanina at napasigaw nang bigla ay may humarang sa daan ko.

Nanatili ang tingin ko sa kanyang paa. Sino itong taong humaharang sa akin? Siya ba ang mamamatay-tao?

Nagtayuan ang mga balahibo ko. Unti-unti kong inangat ang aking tingin at doon lang ginapangan ng sobrang kilabot nang makita ang kanyang mukha!

"Jessmar..." binanggit niya ang pangalan ko sa isang malamig at kakila-kilabot na paraan.

Gusto ko na lang mahimatay sa kinaroroonan ko.
















"Dianne..." ang aking nasambit.

Ngumisi siya. Mapangahas. Nakakakilabot. Pero kaagad din siyang nagseryoso.

Fuck.

* * *

Lovely's POV

"Puntahan natin ang library!" suhesyon ni Ana nang tuluyan kaming makalayo kina Angelo.

Umakto siyang tatakbo pero hinila ko siya.

"Hindi na natin pwedeng sayangin ang oras! Kailangan na nating puntahan si Sir Gil at nang makahingi tayo ng tulong!" sabi ko.

"Kailangan natin suyurin ang buong school! Baka nandoon lang ang mga nawawala nating kaklase at naghahanap ng pwedeng ipangsagot doon sa mga magugulong letra!"

Umiling ako. "Kailangan natin humingi ng tulong ngayon. Hindi natin kaya ito lahat."

"Nandoon lang naman sa lungga niya si Sir Gil! Hindi siya aalis doon at sigurado ako! Mas maiging matunton din natin ang ating mga nawawalang kaklase upang sama-sama tayong pumunta sa opisina ni Sir Gil!"

"Pero—"

"Halika na!"

Wala na akong magawa nang hilain niya ako papuntang library. Pero hindi pa man kami nakaabot sa doon ay kamuntik na kaming madapa nang may kung anong bagay na natapakan. Nahinto ako sa pagtakbo at tumingin sa lupa.

Namutla ako sa nakita. Awtomatikong namasa ang aking mga mata at natakpan ko ang aking bibig.

"Fuck..." napamura rin si Ana.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon