Raz's POV
Bulong-bulungan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa gate ng aming school. Nakakalat sa kung saan ang mga estudyante at abalang-abala pa sa pakikipagdaldalan. Kung ano man iyon ay wala na akong pakialam. Kaya naman noong nagpatuloy na ako sa paglalakad at napansin nila ang aking presensya ay mas lalong lumakas ang mga bulong-bulungan nila.
"Si Razuluddin iyan, di ba?"
"Oo. Yung isa sa pinakagwapo sa Writer's Club."
"Shit, taga writers club din pala. Walang kwenta!"
"Nakakatakot ang kaganapan sa classroom nila."
"Kadiri."
"Marami na pala ang nawala sa kanila!"
"May mamamatay tao pala sa Writer's Club!"
"Nakakatakot naman silang lapitan."
"Oo nga. Baka mamatay pa tayo."
"Si Sugar? Patay na rin pala?"
"Yeah. At pati si Eliezer! Gustong-gusto ko pa naman yung libro niya."
"Natatakot na talaga ako sa kanila!"
"Magtatransfer na ako ng ibang school."
"I hate writers club! Bwesit. Mamamatay tao sila!"
Nakakabanas mang pakinggan, wala akong kayang gawin. Hindi ko kayang iwasan at magbingi-bingian na lang sa mga katotohanan. Kahapon ko pa sila naririnig na pinag-uusapan at pinagsasabihan ng masama ang silid namin. Gusto ko mang pag-untugin isa-isa ang mga ulo nila, pero kailangan kong magpigil. Ayoko ng lumaki pa ang isyu tungkol sa amin.
Biglang nagsihawi ang lahat ng mga students nang dumaan ako sa hallway. Halatang iniiwasan nila ako. Nakarinig ako ng tilian. Bahagya akong napangiwi ng mapagtantong nakatitig ang mga kababaihan sa akin at ngising-ngisi pa ang mga ito.
Kinikilig? Iwan ko rin. Ayoko sa mga abnormal!
Pagkapasok ko sa room ay nadatnan kong nag-iiyakan ang iba sa mga classmates ko. Particularly ang mga babae. Dali-dali kong ibinagsak ang aking bag sa aking upuan.
Damn it. May nawala na naman ba?
"Shit, AYOKO NA TALAGA!"
"MAGTATRANSFER NA TALAGA KAMI!"
"JUSKO POOOO!!"
"TULUNGAN NIYO PO KAMI!"
Nagsisigawan ang lahat sa buong silid. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot at kaba.
Mabilis kong nilapitan ang mga kaklase ko upang magtanong ngunit wala ni isa sa mga tinanong ko ang sumagot. Masyadong magulo ang classroom. Ngunit, labis kong ikinagulat ang aking nakita ng mapadako ang aking mga mata sa apat na sulok ng aming silid.
May iilang bakas ng duguang kamay ang bawat dingding ng classroom namin. Dumako ang tingin ko sa sahig. May mga patak ng dugo doon. Napamura ako ng makailang ulit. Sino na naman ba ang namatay?
"Shit. Anong nangyari, Izyle? Sino ang nawala?" tanong ko sa kanina pang nakatulalang si Izyle. Hindi niya ako sinagot. Damn. Kinakabahan ako sa nangyayari!
"Sagutin mo ako!" Fuck. Hindi ko na alam ang nangyayari dito!
Maluha-luhang nilingon ako ni Izyle. Halatang kabado ang kanyang mga mata. Natatakot ito. "Raz..."
"Tell me, sinong nawala? Please.." pakiusap ko.
Nagulat ako noong bigla siyang umiyak. Natigilan ako at niyakap ko siya nang mahigpit.
"May nawala na naman sa atin, Raz.. May namatay na naman sa atin!" hagulhol niya.
Naikuyom ko ang aking panga. Nanggigigil na ako. Tangina talaga ng lahat ng ito. "Sino? Paano?"
"Si Desyrie. Nadatnan naming nakahandusay ang duguan niyang katawan sa harap. Hindi pinutol ang kanyang ulo pero punong-puno ng laslas ang mukha niya. Punong-puno ng saksak ang kanyang katawan at dibdib. Tumagos ang kutsilyo sa likod niya. Nakakabahala, Raz! Wala sa atin ang may alam kung sino ang isusunod." Sabi niya.
Ikinuyom ko ang aking kamao. "Nasaan ang katawan ni Desyrie?"
"Kinuha ng mga pulis kanina."
"May ibinigay ba silang impormasyon sa atin?"
"Wala, Raz. Maski isa ay wala!"
"Tanginang mga pulis 'yan! Wala silang kwenta! Bullshit!" Nasambunot ko ang sarili kong buhok dala ng inis.
Taena. Naguguluhan na ako. Parang sasabog ang utak ko sa kaiisip ng mga pesteng pangyayaring ito.
Naagaw ng iilang hagulholan ng mga kaklase ko ang aking atensyon. Nakita kong umiiyak ang dalawang kaklase kong si Meamor at Charise. Hawak-hawak nila ang mga braso nila Jessa na halatang pinipigilan nila ang mga ito.
"Please, Jessa. Wag kayong umalis! Wag niyo kaming iwan dito!" umiiyak na sabi ni Charise.
"Gleia! Akala ko ba magkakaibigan tayo? Bakit ka sasama sa kanila? Bakit mo kami iiwan?" umiyak na rin si Meamor.
"Natatakot na kami. Ayaw pa naming mamatay!" sagot ni Gleia.
"Ayaw na namin dito, so bakit kami mananatili pa? Kung gusto niyong mamatay, then manatili kayo dito! Wag niyo kaming idamay!" sabi ni Arriane.
"Bakit kayo magtatransfer? Bakit niyo kami hahayaan lang dito? Akala ko ba, sama-sama tayong magpakatatag?" sigaw ni Meamor.
"Sa sitwasyon ngayon Meamor, alam kong wala na sa atin ang mas gugustuhin pang magpakatatag. Sunod-sunod na ang nangyayaring patayan! Sa huli ay mamamatay tayong lahat! Ayaw naming mangyari 'yun kaya lilipat na kami!" sagot ni Kris Anne.
"Please naman oh! Wag muna ngayon. May ilang nabawas na nga sa atin, sasali pa kayo? Utang na loob naman!" sabi ni Charise.
"Sorry pero, napag-isipan na namin 'to. Lilisanin na namin 'tong silid natin. Hindi na kami parte ng section WC! Lilipat na kami at hindi niyo na kami mapipigilan doon." sagot ni Charlie.
*Slaaaaaaaaaaappp*
Isang malakas na sampal ang sunod kong narinig. Natahimik ang lahat sa ginawa ni Meamor kay Charlie. Kaagaw-agaw ang kanilang eksena sa gitna. Fuck. Ano na namang nangyayari?
"Isa ka pa, Charlie! Boyfriend kita! Pero dahil lang sa nag-away tayo, magagawa mo na akong iwan? Ganyan ka ba ka selfish? O sadyang natatakot ka lang?" sigaw ni Meamor.
"Aalis na ako, Meamor. Wala ka ng karapatan na pigilan ako dahil matagal nang walang tayo. Hiwalay na tayo!"
Isang sampal ulit ni Meamor ang natanggap ni Charlie. "Oh sige, hayop ka, lumayas ka na!! Wala kang kwenta dito at ayaw ko ng makita 'yang mukha mong impakto! Pero sana lang talaga, Charlie... MAMATAY KA NA! HINDI NA KITA KAILANGAN PA SA BUHAY KO!!!"
Kaagad na tumakbo palabas si Meamor pagkatapos ng sigawang iyon. Umiiyak pa rin si Charise. Pinipigilan din ng iba ang pag-alis nina Gleia.
Napabuntong-hininga ako nang mabigat. Kung lilipat silang lima ay mababawasan na naman kami. Si Jessa, Kris Anne, Charlie, Gleia at Arriane. Fuck. Sa totoo lang, ansarap na nilang patayin!
Napag-usapan na naming walang aalis at walang bibitaw. Napag-usapan na naming magpakatatag kami sa lahat ng problemang aming kahaharapin pagkatapus ano ang nangyayari ngayon? Ganito ang gagawin nila? Basta-basta na lang silang lilisan?
Ansarap pasabugin ng mga bungo nila!
Lintek.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...