T'Sec'C 10: Eviction

410 29 1
                                    

Lovely's POV

"Wala na kayong dapat na ipag-alala pa. Ipinapahanap na yung babaeng nagtitinda ng champorado."sabi ni Ma'am Floressa sa amin.

Pinainom niya kaming lahat ng mainit na tubig. Pampainit daw sa aming kalamnan. Medyo nakakatulong naman ito kahit papaano sa bumaliktad na sikmura namin kanina.

"Ayan! Ang titigas kasi ng mga ulo nyo! Sino bang nag-utos sa inyo na kumain ng champorado?" tanong ni ma'am.

"Eh kasi, Ma'am. Nalinlang nya kami dun sa mga akala naming toppings ng champorado. Hindi naman namin alam na yun na pala yung toppings. Ang galing kasi nyang mang-encourage ng tao." paliwanag ni Rose.

"At sa lahat-lahat pa ng mga nalinlang nya, bakit kayo pa? Nasaan na ba napunta ang mga tinitingalang utak ng writers club?" sabi ni Ma'am. Ayan! Nagiging war freak na naman po ang pinakamamahal naming guro.

"Bwesit kasi yung babaeng iyon Ma'am eh!" protesta ni Pauline na nasa tabi ko lang.

Hinimas ko ang likod niya dahil pakiramdam ko ay napunta na sa kanyang utak ang kumukulo niyang dugo. Kulang na lang yata ay ang sugurin niya ang manang na iyon!

"Akala ko ba matatalino kayo? Bakit kayo nalinlang ng isang tinderang lamang? Imagine, halos nalinlang kayong lahat. Isang malaking kahangalan iyon! Baka hindi nyo yun alam?" singhal ni Ma'am.

Natahimik kaming lahat. Nakiramdam. Nagiging terror na naman si Maam ngayon!

"Alam nyo yung mas nakakahiya? Sa dinami-dami ng sections dito sa school, kayo pa na tinitingala ng mga iilang tao dito sa paaralan ang nalinlang! Naging tanga na pala kayo? Akala ko ba, matatalino ang nabibilang sa Writers Club? Bakit ganun ang nangyari?"

Walang nagsalita sa amin. Siguro ay tumama at tumagos sa buto namin ang bawat katagang binibitawan ni Ma'am. Pero anong malay naming pati sa pagkain ay lilinlangin kami ng ganoon, diba? Kahit na sino naman, basta pagkain, hindi na mag-iisip ng kung ano. Basta gusto, bibilhin na agad para makain.

Kagaya lang din naman kami ng iba.

"Hindi sa tindera ang problema. Kayo ang may problema kasi nagpalinlang kayo. Don't you see that?" sabi nya ulit.

Walang umimik ni isa sa amin. Nakakatakot kapag nagseseryoso si ma'am. Wala kaming kawala! "Sino ba ang hindi nakakain?"

Marami-rami ang nagtaas kamay. Nakahinga naman ako nang maluwang dahil doon. Mabuti naman at hindi kaming lahat ang nakakain.

"Okay, enough for that. I just want to tell you na mukhang may isa o dalawang tao ang iaalis sa section na ito."

Nanlaki ang mga namin sa sinabi ni Ma'am. Seryoso ang kanyang mukha. At patunay iyon na hindi siya nagbibiro.

"Pero, Ma'am. Ngayon lang po kayo nagdesisyon ng ganyan sa apat na taong napabilang kami dito sa Writers Club." sabi ni Webbie. Tiningnan lang sya ng seryoso ni Maam.

"Wala na akong magagawa pa dun. Iyon ang napagkasunduan naming mga teachers at maging ang principal ng school na ito ang syang nagprotesta mismo sa ganung kasunduan." sabi ni Maam.

"Sino naman po ang sa tingin nyo'y ma-eevict kumbaga sa section na ito, Ma'am?" tanong ni Myme.

Napatingin ang lahat kay Julius at Jessmar. Inaaasahan na namin yan dahil silang dalawa ang nasa last ranking.

"Si Julius at Jessmar."

Nagulat ang lahat at nakaramdam ng awa. Hindi pwedeng maalis sa section na ito sina Julius at Jessmar! Malaking kawalan sa section na ito ang pag-alis nila.

"Ma'am, baka po pwede pang magbago ang isip nyo! Ayoko pong umalis dito!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Julius. Nakakaawa talaga siya.

"Marami kasi kayo dito sa Writers Club. Kailangan na may iaalis kami sa inyo para ilipat sa ibang section since kakaunti lang sila doon." Sabi ni ma'am.

"Pero, Ma'am. Gagawin po namin ang lahat sa susunod na writing schedule. Pagagandahin na po namin ang mga books namin, Maam. Please po, wag nyo po kaming ialis dito!" umiiyak na pakiusap ni Jessmar.

Tumango-tango ang lahat. Yung iba ay mangiyak-ngiyak na rin. Nangangaligid na rin ang mga luha ko. Ayokong mawalay sa amin ang dalawa! Isa sila sa nagbibigay-buhay sa silid na ito.

"I'm sorry. Iyon na kasi ang napagkasunduan."sabi ni ma'am

"Kelan ba sila aalis?" iritadong tanong ni Ben. Napalingon kaming lahat sa kanya.

Bakit ba sa tono ng pananalita niya, gusto na niyang maalis sina Julius at Jessmar sa silid na ito?

"Mag-e-schedule pa kami."sagot ni Maam.

Tuluyan nang napaiyak 'yung dalawa matapos lisanin ni Ma'am ang classroom. Marami kaming yumakap sa kanila. Ganito kaming lahat. Nagdadamayan. Ayaw naming may mawalay sa amin ni isa dito sa aming silid. Masyado ng malapit ang loob namin sa isa't-isa.

"Gagawan ko 'to ng paraan. Huwag kayong mag-alala."

Nagulat kami sa nagsalita.


Si Dianne...

Blangko lamang ang kanyang ekspresyon kaya hindi ko mabasa ang possibleng naglalaro sa isipan nya. Pero halata ng kung sino man ang pag-aalalang bumakas sa kanyang mukha.

Tumikhim ako. Ayan na naman ang nakakakilabot niyang itsura..

Anong paraan naman kaya ang gagawin niya para hindi maalis sina Julius dito?

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon