T'Sec'C 3: The Question

617 36 5
                                    

Lovely's POV

Kakapasok ko pa lang sa gate ng school namin, binabati na ako ng mga mag-aaral na nakakasalubong ko. Pinupuri at pinag-uusapan nila ang naisulat kong istorya. Ningitian ko sila at kinausap na din. Nakakagaan sa loob.

Pagdating ko sa classroom, konti pa lang ang nandoon pero maingay pa rin. Nagdaldalan lang ang iba, ang iba naman ay naglilinis.

Napatingin ako sa chalkboard dahil assign kami doon ng mga groupmates ko sa cleaners. Nagtaka ako nang makita ko ang nakasulat doon. Kaya nama'y nagtataka kong tinanong ang aking mga kaklase.

"Guys! Sino ang nagsulat niyan?" tanong ko sabay turo sa board.

"Iwan namin. Pagkapasok namin kanina dito, nandyan na 'yan!" sagot sa akin ni Grace.

Inilagay ko ang bag ko sa chair at muling binasa ang nakasulat sa board.

"What is in the middle of the sea that found in success?"

Di ako masyadong pamilyar sa question pero mukhang simple lang naman ang sagot.

Maya-maya pa'y dumami na kami sa classroom. Bawat kaklase ko na tumingin sa board ay nagtataka rin sa nakasulat pero hindi naman nila pinagtuonan iyon ng pansin.

Siguro nga ay wala lang iyon... Wala nga ba talaga?

"Oh my ghad! Nandito na si Ma'am!"

"Umupo na tayo!"

Sandaling nagkagulo ang mga kaklase ko. Nandito na pala si Ms. Floressa. Ang terror adviser namin na syang nakakapagpatahimik lamang sa ingay ng silid namin.

"Anong na namang ikinaingay ninyo?" nakataas kilay niyang salubong sa amin.

Halos lahat kami ay natahimik.

"Nothing Ma'am." sa amin lahat ay si Webbie lang ang naglakas loob na sumagot kay Ma'am.

Nagtaas ulit ng kilay si Ma'am habang seryosong naglakad sa harapan upang maharap kami.

"If that so, then I want you to proceed now to Science Lab. May gagawin tayong activity doon. And before that, erase the writings on the board. Nakakairitang tingnan!"

Lumabas na si Ma'am after nun. Binura naman ng ilan sa mga kaklase ko ang nakasulat sa board bago namin nilisan ang room.

Pagdating namin sa Science Lab, wala pa si Ma'am doon hudyat nang muling pag-iingay at pagkukulitan ng mga classmates ko.

Nasaan na kaya si Ma'am? Baka naman nahuli lang.

Napatigil kaming lahat nang may marinig kaming isang malakas na kalampag na nagmumula sa likuran.

Sabay-sabay kaming napatingin doon..

At halos muntik na akong mapabalikwas sa nakita...

Isang patay.








Isang patay na pusa ang kaagad na bumungad sa amin.

Nakakalat ang mga dugo nito sa floor. Hiwalay din ang ulo ng pusa sa katawan nito. Tirik din ang mga mata.

Nakakakilabot ang itsura niya..

"Takte, saan nanggaling ang patay na 'yan?" sigaw ng kaklase kong si Kris Anne.

"Nakakakilabot!"

"Yuck. Kadiri!"

Nagkagulo na kaming lahat. May ilang nasusuka at hindi makatingin sa pusa pero dahil mga barumbado ang boys, ang iilan sa kanila ay nagawa pang mag selfie sa pusang patay.

Nakaramdam naman kami ng kaluwagan nang makitang pumasok si Ma'am Floressa. Nagulat din siya sa nangyari kaya pinalabas na niya muna kami doon at pinabalik sa classroom. Magpapatawag na lang daw siya ng mga janitors at guards para maglinis at para matingnan kung bakit may patay na pusa doon.

Pagbalik namin sa room, pinag-uusapan na agad nila ang nangyari sa Science Lab. Lahat sila ay pawang nagtataka at kinikilabutan. Sino ba naman kasi ang hindi?

Sa labis na pag-iisip ay aksidente akong napasulyap sa harapan.

Halos tumimbawang ako sa gulat nang makita ko ang nandoon.







Yung chalkboard.. Nandoon pa rin 'yung mga salitang nakasulat kanina!

Pero, hindi pwede.

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa ng mga kaklase ko kanina.









Binura na iyon, hindi ba?

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon