T'Sec'C 50: 4 words. 21 letters

200 13 0
                                    


Ana's POV

Itinanggi lahat ni Sir Gil ang mga paratang ng iilang kaklase namin patungkol sa nangyari kagabi kinaumagahan.

Wala raw talaga siyang alam kung paano nangyari ang ganung karumal-dumal na kaganapan. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iisipin. Pinaglalaruan talaga kami ng kung sinumang salarin ng lahat.

flashback

"Hindi ko pinatawag sina Byra para kausapin! Wala akong ipinatawag ni isa sa inyo, dahil kung meron man ay sana'y hindi ko na kayo binisita pa kagabi para pagsabihang walang lalabas sa inyo, hindi ba?" mariing katuwiran ni Sir Gil sa amin.

Natahimik kaming lahat. Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko. Pwede siyang magsinungaling. Pwedeng magkunwari. Pero puwede ring totoo ang sinasabi niya ngayon.

"Tatlong tao po ang namatay sa iisang gabi lamang. Hindi po iyon basta-basta na binabalewala, Sir. Kayo ang pinuntahan ng tatlo kagabi." pagbasag ni Raz sa katahimikan.

Humugot ng malalim na hininga si Sir Gil.

"Naiintindihan ko naman. Alam kong hindi ito dapat ito binabalewala. Paano nila nasabing ako ang nagpapunta sa inyo?" tanong ni Sir Gil.

"Ang sabi po nila sa amin, pinatawag niyo raw po kami lahat. Kaso nagpresenta silang sila na ang aalis dahil ayaw na nilang makadisturbo sa Bible study na ginanap ni Junel." sagot ni Angelo.

"Hindi ko sila pinatawag. Kung magpapatawag man ako, si Izyle ang ire-request ko. Sino ang huli nilang kasama bago sila nawala?"

"Iyon na po ang huli naming pag-uusap kagabi. Kami po nina Lovely. Tapos si Julius po. Sinamahan niya po sila papunta dito pero tinaboy din daw siya nina Byra pagkatapos maihatid. Sabay na rin po kami ni Julius papuntang classroom pagkatapos." sagot ni Khryzzia sa tanong ni Sir.

Nalipat ang paningin ni Sir Gil kay Julius na iwas ang tingin sa principal. Muling bumuntong-hininga si Sir.

"Nangyari na ang lahat. Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay mag-ingat. Ako na ang bahalang maglinis dito. Sa ngayon ay manatili muna kayo sa dorm ng SPS dahil inaayos pa ang mga kalat sa classroom ninyo. Maaari na kayong magpahinga."

Nagsilabasan na rin kami sa opisina niya pagkatapos nun.

end of flashback

Inamin nina Lovely na nagpaalam sina Byra sa kanila bago ito pinagtatadtad. Pinagalitan sila saglit ni Izyle pero wala namang nanisi pa. Alam naming lahat na impossible ring masalba namin ang buhay ng tatlo, kung sakali mang nalaman namin. At isa pa, kaunti lang kami. Kahit hindi sabihin, kung binigyan talaga sila ng pansin, malalaman agad na wala sila sa bible study.

Hindi sila pinagtutuonan ng pansin nino man sa amin. Iyon ang dahilan kaya nangyari iyon.

~•~

Tanghali na nang maayos namin ang lahat. Kinuha na rin ng mga pulis ang mga bangkay nung tatlo.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon