T'Sec'C 45: Surprise (Part 2 of 2)

242 17 2
                                    

Lovely's POV

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala. Naninikip ang dibdib ko sa katotohanang ang lakas ng loob kong sumugod ng mag-isa dito tapos ito lang pala ang sasalubong sa akin.

Isang nakakawindang na pagsalubong.

At oo, nasurprisa niya ako. Hindi lang ako basta nasurpresa, halos mamatay pa ako sa kaba!

How can this thing happened? What are his reasons? Fuck... Niloloko lang ba niya ako all this time?

Sobrang nasurpresa ako. Walang katumbas na surpresa! Wala pa bang mas thrill nito? Hindi ko inaasahang ito ang katotohanang bubungad sa akin!

Nag-uunahang lumabas ang mga luha ko sa aking mga mata. Masyado akong nasasaktan. Itong lalaking nasa harap ko ang salarin ng lahat.

Ang lalaking inaamin kong unti-unti ko ng nagugustuhan...

"Oh? Bakit ka umiiyak?" nakangiti niyang tanong.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko. Naninikip ang aking dibdib sa kapipilit kong huwag maging emosyonal sa harapan niya. Natatakot akong magsalita. Hindi ko kayang tanggapin ang lahat. Hindi ko na talaga ito kakayanin.

Nanginginig na sinalubong ko ang kanyang titig.

"I-Ikaw ba? Ikaw... " Mabigat na pinakawalan ko ang aking hininga. "I-Ikaw ba ang puno't dulo nitong lahat?" utal kong tanong.

Humalakhak siya. Nakapikit ako nang mariin. Sa hindi malamang dahilan ay may kung anong namumuong galit sa dibdib ko. May nakakatawa ba? Talaga, Angelo?

"Damn! Lovely naman? Ganyan ka ba kamanhid para hindi maramdaman ang mga kilos ng taong nakapaligid sayo?" sabi niya.

Nanuot ang labis na inis at galit sa loob ko.

"Pinagkakatiwalaan ko kasi sila, Angelo. I trust all of you. But I guess, I'm really numb and dumb, huh? Hindi ko nahulaan kailanman ito. Hindi kita nahulaan agad."

Bigla siyang natigilan na ikinagulat ko. Nakita kong matiim siyang nakatitig sa akin, awang ang bibig, at hindi makapaniwala.

Bakit siya pa ang hindi makapaniwala ngayon?

"O bakit? Hindi ba't dapat kang maging masaya dahil nandito na ako't may mapapatay ka na ulit?" prangka kong tanong.

Ikinagulat ko ang pag-iwas niya ng tingin. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling tumitig sa akin.

"Hindi ko aakalaing sasabihin mo iyan. Hindi ko aakalaing paghihinalaan mo ako. That's not what I mean, Lovely. Pero oo nga naman at may dahilan kang paghinalaan ako ngayon dahil sa ginawa ko. Pinatulog kita at itinali rito... Hindi ko naisip. Mas masakit pa lang nanggaling mismo sa'yo ang paratang. "

Naitikom ko ang bibig ko, nagngingitngit ang ngipin. Anong pakulo na naman niya ito? Nagpapa-feeling victim siya?

"Ano bang pinagsasabi mo? Gawin mo na ang gusto mong gawin."

Hindi siya nagsalita. Nanatiling tikom ang kanyang bibig at sandaling tinitigan ako bago nag-iwas ng tingin. Mapait ang ngiti niya sa akin.

Nagulat na lamang ako nang sa isang kisap-mata ay ipinitik niya ang kanyang daliri.

Biglang nagliwanag ang paligid. Kumunot ang noo ko bago ko naramdaman ang unti-unting pagkahulog ng aking panga.

Napakaraming nakapaligid na maliliit na bombilya sa buong sulok. May maliliit at kulay pulang bulbs sa distansyang hindi kalayuan sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hugis puso ito. Bawat halaman na na-trim ng maayos ay napalibutan ng iba't ibang klaseng kulay ng series lights.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon