T'Sec'C 49: Boxes

212 13 0
                                    


Lovely's POV

"Kumpleto na ba ang lahat? Wala bang hindi sumipot? Wala bang nawala?" sunod-sunod ang naging tanong ni Prime sa amin.

Kasalukuyan kaming nasa field dahil napagkasunduan naming maglaro ng maglaro habang nagpapalipas oras. Parte rin yata ito sa mga pakana ni Izyle ngayong birthday niya.

"Kumpleto na ang lahat, Prime. Salamat naman talaga." sabi ni Izyle.

"Okay, sige na. Ano pang ginagawa natin? Maglaro na tayo!"

Nagsipagkalat kami sa field. Kinantahan namin si Izyle ng kantang happy birthday bago nagsimula ang laro. Kami lang mga tagaWC ang nandito dahil nga semestral break. Nananatili naman sa kanyang office si Sir Gil. Maya't maya kaming minomonitor.

Makulimlim ang langit. Ilang oras na lang yata at bubuhos na rin ang ulan.

Nagsisigawan kami nang sinuggest nina Julius at Jessmar ang larong pak ganern. Bumuhos na rin ang inaasahang ulan kaya sinuggest din ng ilang mga boys na ang magkamali ay lalangoy sa putik. Ang mananalo naman ay tatanggap ng regalong galing kay Izyle kaya mas lalong ginanahan ang lahat.

Hindi kami sumilong noong lumakas pa lalo ang ulan. Bagkus ay nagpatuloy kami sa paglalaro at pagtatawanan.

Hapon na nang maisipan naming magpahinga na muna. Nagsitungo kami sa locker area para makapagpalit.

"Gather tayo sa classroom ngayong gabi. Magbi-bible study ulit tayo." anunsyo ni Junel habang nasa locker area kami.

Pagkatapos naming magbihis ay nagsitungo ang lahat sa classroom. Naiwan muna kami sa locker area kasama sina Angelo, Khryzzia at Jessmar dahil hindi pa kami tapos sa pag-aayos.

"Love, pakisabi kay Junel na susunod lang kami. Pinapatawag kasi tayo ni Sir Gil sa office. Sinuggest na lang namin kami na lang muna nina Jacob at Krza ang pupunta." salubong sa amin ni Byra habang nag-aayos kami. Kasama niya sina Krza at Jacob.

"Ha? Bakit hindi na lang tayo sama-samang pumunta doon?" tanong ni Angelo na bitbit na ang bag ko.

"Nagsimula na kasi sila sa bible study. Baka makadisturbo pa. Gusto ngang sumama ni Julius pero hindi na namin sinama. Ipagpaalam niyo na lang kami. Sandali lang naman siguro 'to." sagot ni Krza.

"Sigurado kayo? Pwede namin kayong samahan." sabi ni Jessmar.

"Okay lang kung kami na lang. Sige na, aalis na muna kami! Bumalik na kayo sa classroom at baka mahuli kayo ng sobra." sabi ni Jacob.

"Ingat kayo, ah? Balik kayo agad!"

Nagpatuloy na ulit kami sa pag-aayos hanggang sa matapos. Natagalan pa kami bago nagdesisyong bumalik.

Nakasalubong namin ang hyper na si Julius on the way to the classroom. Nakipagdaldalan agad siya kay Jessmar nang sumabay siya sa amin.

"Hoy. Akala ko ba nagsimula na ang bible study sa classroom? Bakit nasa labas ka pa rin?" tanong ko sa kanya.

Nilingon naman niya ako. "Sinamahan ko sina Byra sa Principal Office. Tapos itinapon na nila ako dahil hindi na daw nila ako kailangan! Tingnan mo, ang sasama ng mga ugali?"

Tumawa kami sa sagot niya.

Pagdating sa classroom ay nangangalahati na sa paninermon si Junel. Umupo kami sa likod at nakinig na lang sa kanya.

"We live in a day when few people really care much about knowing the truth. Ignorant of the fundamental principles of the word of God, they have no clue as to what scripture actually says about anything..."

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon