T'Sec'C 52: Sacrifices

186 13 0
                                    


Khryzzia's POV

Muli na naman kaming nagulat nang mag-iba ulit ang nakaflash sa billboard.

Iyong mga magugulong letra na ulit ang nandoon!

Nanginginig ang labi ko habang sinusulyapan ko ang timer na nasa gilid, hindi nawala sa billboard.

4:01

4:00

3:59

3:58

Damn it!

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga kaklase kong hindi maipinta na ang mukha habang nakatingin sa billboard.

"Makinig kayo." Tinawag ko ang kanilang atensyon. "Pakiusap, mag-ingat kayo. Kailangan nating mabuo ang mga letrang iyan sa loob lamang ng limang minuto. Kailangan nating mag-isip nang mabuti."

Pinilit kong manatiling kalmado kahit sa loob-loob ko ay nahuhurumentado na sa kaba ang buong sistema ko. Kasi hindi ako sigurado. Hindi ako siguradong mareresolba namin ito.

"Hindi kaya..." biglang nagsalita si Andrea, nag-iisip ng pwedeng isagot. Habang nakatingin kami sa kanya ay mas lalong nagwala ang dibdib ko.

Hindi talaga maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko ay may mangyayari.

"Ano, Drea?" nanginginig na sabi ni Rose.

"Hindi kaya may salitang 'section' sa mga letrang iyan?!" dagliang sagot ni Andrea.

*BLACK-OUT!*

Muling nagsitilian ang lahat nang muli ay namatay ang mga ilaw. Sobrang dilim. Sobrang ingay. Nakakabaliw.

Nang muling bumukas ang mga ilaw ay nanginig kaming lahat sa nakita.

Duguan na nakahandusay na sa sahig si Andrea.

What the fuck is happening?!

Napasigaw ang lahat at napaiyak matapos makita ang bangkay niya. Kinuyom ko ang nanlalamig at nanginginig na kamay.

Bakit, Andrea? Bakit kayo namatay ni Webbie pagkatapos manghula? Anong laro ang gustong gawin ng kriminal?

"Alam ko na!" Nagtaas pa ng kamay si Grace habang nanatili pa rin ang tingin sa billboard. "Sa tingin ko..."

Damn! Damn! Masama ang pakiramdam kapag may nanghuhula!

Pipigilan ko na sana sa pagsasalita si Grace pero naunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Sa tingin ko ay may salitang 'float' sa scramble!"

Namatay na naman ang mga ilaw. Namumutla ako nang sobra. Alam kong hindi maganda ang bubungad sa amin pagkatapos nito.

Anong dapat kong gawin? Ano ang dapat naming gawin?

Bumukas ang ilaw. Lahat kami ay nagpanic ulit nang isang bangkay muli ang bumungad sa amin.

Ang bangkay ni Grace.

Unti-unting bumagsak ang mga luha ko. Nanghihina na ako. Nawawalan na ako ng pag-asa sa lahat.

"GRACEEEEEEEE!"

Ilang beses na napasigaw at napamura si Dave habang niyayakap ang bangkay ni Grace.

Walang ibang maririnig na ingay maliban sa kanyang mapapait na hikbi, mura at sigaw. Nanginginig at napahagulhol sa takot ang lahat.

"TANGINA MO! MAGPAKITA KANG HAYOP KA! HUWAG KANG DUWAG!" galit na isinigaw iyon ni Dave.

Sinulyapan ko ang bangkay ni Grace. Grace...

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon