T'Sec'C 35: Principal

283 22 4
                                    


Lovely's POV

"Ano?! Kakausapin niyo si Sir Gil?" gulat na pambungad ni Khryzzia sa akin.

Kinurot ko ang tagiliran niya at sinamaan siya ng tingin. Ang lakas ng boses ng babaeng ito!

"Hinaan mo nga 'yang boses mo. Maraming madidistorbo." sabi ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong computer lab kung saan kami naroroon para sa aming writing schedule. Napabuntong-hininga ako nang makitang wala namang napatingin. Hindi pwedeng malaman ito ng lahat.

"Seryoso? Bakit niyo naman naisipang kausapin si Sir Gil? Kayong dalawa lang ni Angelo? Sigurado ka ba dyan?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kaya ko nga sinabi sa'yo, diba? Gusto kong samahan mo kami."

"Sigurado akong hindi kayo haharapin noon. Masyado iyong abala sa trabaho, Lovely."

Huminga ako nang malalim. "Wala namang masamang subukan, Khryzzia."

"Oo naman. Pero bakit ba nasali bigla rito si Sir Gil? Principal natin 'yun! Anong kinalaman niya sa kaganapan sa silid natin?"

"Iyon ang sabi ni Detective Jim sa akin kahapon. Baka daw may masabi siya sa nangyayari. Tatanungin nating mabuti."

Bumuntong-hininga siya. "Hay, naku! Sige. Sasama ako sa inyo. Mamaya ba?"

Tumango ako. "Oo. Salamat."

Kaunting tulak na lang talaga. Masusulosyunan din namin lahat ito.

---

Mabilis na lumipas ang oras. Quarter to two na nung maisipan namin nina Khryzzia at Angelo na lumabas muna sa computer laboratory para puntahan si Sir Gil.

"Saan kayo pupunta?"

Napahinto kami sa paglalakad nang may makasalubong namin si Raz sa hallway.

"May pupuntahan lang kami, Raz." si Khryzzia ang sumagot.

"Saan naman?"

"Sa principal office." sagot ni Angelo.

"Bakit kayo pupunta doon?"

"Ano bang pakialam mo kung pupunta kami doon?" simple ngunit may halong panghahamon ang boses ni Angelo.

Sinuko ko agad siya. Bakit siya sumagot kay Raz?

"May pakialam ako dahil handa akong tumulong. Sasamahan ko kayo." sabi ni Raz.

Nagkatinginan kami ni Khryzzia. Handa nga ba talaga siyang tumulong? Handa nga ba siyang maging kaagapay namin sa pagtatapos ng nasimulan naming ito?

"Walang problema. Sumama ka sa amin." sabi ko.

Ngumiti sa akin si Raz. "Salamat, Love."

"Tss." Naunang naglakad si Angelo sa amin.

Sumunod kami at habang naglalakad, siniko ako ni Khryzzia. "Anong nangyari dun?"

"Nino?"

"Ni Angelo? Bakit naunang naglakad at hindi sumabay sa'yo?"

"Hindi ko alam. Bakit? May problema ba?"

Inirapan ako ni Khryzzia. Ilang sandali pa ay nasa harap na kami ng office ni Sir Wilson Gil. Tiningala ko ang opisina. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayong nandito na kami para pumasok. Tama ba itong ginagawa namin?

"Sigurado ba kayong kakausapin natin si Sir Gil?" tanong ni Raz.

"Oo. Kaya kung hindi mo kaya, umalis ka na." maangas na sabi ni Angelo. Anong meron sa dalawang ito?

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon