T'Sec'C 16: Train To Busan

354 26 1
                                    


Grace's POV

Kulitan. Tawanan. At kwentuhan.. Balik normal na ulit kaming lahat. Matiwasay na ulit ang buong classroom namin.

Nanghingi na rin ng paumanhin ang mga kaklase kong sinisi ang lahat sa akin. Napatawad ko na sila. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi roon. Kahit maganda ako'y hindi naman ibig sabihin, hindi na ako kaduda-duda.

Hindi rin naman ako guilty sa mga ipinaparatang nila sa akin. Dahil alam kong wala akong kasalanan sa nangyayari.

*Flashback.*

"Marami na ba ang na-pack? Kung kaunti pa ay pakibilisan niyo na muna. Magsisimula na kasi 'yung program." sabi ko kila Elgane, Myme at Arlyn na nagbabalot ng mga boxes.

Hawak-hawak ko naman ang isang note pad kung saan nakalista ang mga expenses namin sa programang ito.

"Kaunti na lang ang hindi. Nagmamadali ka ba?" tanong sa akin ni Elgane.

"Oo eh. Kailangan kong magpasa ng list of additional expenses ngayon." sagot ko.

"Sige. Mauna ka na muna. Kami na ang bahalang mag-ayos dito." sagot ni Arlyn.

"Okay lang ba sa inyo?"

"Oo naman." sagot ni Myme.

Napabuntong hininga ako at ngumiti.

"Okay, sige. Mauna na muna ako sa inyo, ah. Ipapatawag ko na lang 'yung ibang boys para tulungan kayo dito." sabi ko.

"Sige, Grace."

Umalis na ako sa basement. Habang papalabas ako ay may naaaninag akong imahe ng isang tao sa aking likuran. Nang lingunin ko ito'y lumalayo na ito mula sa kinaroroonan ko pero nakita kong papasok na sa basement kung saan kami nagpacking.

Sandali akong napahinto at naisip. Sa huli'y ikinibit-balikat ko 'yon. Kailangan ko ng bumalik sa hall.

Bago ako tuluyang tumungo sa hall ay dumaan muna ako sa katabing restroom para mapadalhan ng mensahe ang mga boys na tumulong at para na rin makapag-ayos. Bawal mahaggard ang mukha kong maganda.

Pagkalabas ko sa restroom, nakasalubong ko ang ilang boys na buhat-buhat ang iilang boxes. Ngumiti sila sa akin na ginantihan ko naman. Aktong aalis na sana ako nang biglang magsalita si Raz.

"Nasaan nga pala sina Elgane, Grace? Anong nilagay nila dito sa boxes at mukhang napakarami ng mga laman nito. Ang bigat kasi." sabi nya.

"Iniwan ko sila doon na nag-aayos. Hindi niyo naabutan?"

"Hindi, e."

"Ganoon ba? Baka nandoon na sa hall." sagot ko. Nagkibit-balikat lang sila.

"Baka nga."

Pagkatapos ng usapan namin ay nauna na akong maglakad papuntang hall dahil aabutin pa yata ako ng gabi kung sasabay pa ako sa kanila.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon