Izyle's POVNaalala ko pa ang nangyari kahapon... Kapapasok ko pa lang nun sa faculty room dahil sa mga ipinag-uutos sa akin ni Ma'am. Hindi kasi siya makakapasok. Kaya naman bilang isang dakilang class president ng Writers Club, ako ang hahalili sa mahal naming guro.
Tss.
Minsan nakakapagod din ang ganito.
Gusto ko na lang maging kapwa.
"List down your classmates who're roaming around, Izyle." sabi sa akin ni Ma'am.
Tumango lang ako. "Yes, Ma'am."
Naglakad na ako papalabas ng faculty pagkatapos kung kunin ang mga activities. Habang papalabas ako ng faculty room, nahigilap ng mga mata ko ang isang kapansin-pansing lalaki na kinakausap ng aming principal. Halatang pinapagalitan siya nito dahil nakabusangot ang mukha ni Sir Gil. Hindi ko na sana sila papansinin pero hindi ko maalis-alis ang tingin sa lalaki.
Napakalamig ng kanyang reaksyon sa bawat pagsaway sa kanya ni Sir. Yung tindig niyang sobrang nakapamilyar sa akin ang labis kong ikinagulat.
Para bang... Para bang nakita at nakilala ko na siya.
Nagulat ako sa aking naisip. Napailing ako, inaalis ang ala-alamg biglang naisip. May naalala ako sa kanya... Pero shit. Hindi! Impossible. Hindi siya 'yon. Alam kong hindi na siya babalik!
Lumapit pa ako sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko.
Tumingin muli ako sa kinaroroonan nila. Nahuli kong nakatingin sa akin si Sir Gil. Ngumiti siya sa akin na ikinagulat ko. Normal lang naman 'yung ngiti niya pero hindi ko alam kung bakit ako nagulat.
Napalingon sa akin ang lalaking pinapagalitan niya. At halos mangisay ang mga tuhod ko nang makilala ko kung sino iyon!
Shit! Shit!
Siya... Siya nga... Siya 'yun.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Anong ginagawa niya rito sa school? Anong dahilan ng pagbabalik niya? Bakit siya nandito? Bakit siya nagpapakita ngayon pagkatapos ng ilang taon?
Gusto kong kusutin ang mga mata ko, nagbabakasaling namamalikmata lang ako. Sana hindi ito totoo! Hindi siya pwedeng bumalik! Hindi siya pwedeng magpakita! Hinding-hindi pwede'yun!
Puta.
Tumakbo agad ako papalabas ng faculty room. Naninikip ang dibdib ko sa takot.
Hindi siya pwede dito! Hinding-hindi pwede! Anong dahilan niya para magpakita muli sa akin? Sa amin? Akala ko ba, tapos na?
Nanginginig pa rin ako nang makarating ako sa classroom. Hinahanap agad ng mga mata ko si Rose. Hindi ko siya nakita sa silid pero nadatnan kong nakipag-usap si Justine kay Beatxy. Kaya naman nang makaalis si Beatxy sa tabi niya ay nilapitan ko agad siya at kinausap. Sinabi ko sa kanya ang nakita ko...
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...