T'Sec'C 26: Bracelet

334 30 0
                                    

Leah's POV

"Wooooh! NAKAKAPAGOD!"

Sabay-sabay kaming nagsisigawan lahat as we get in to our classroom. Kagagaling pa lang namin sa nakakapagod na activity sa science.

Akalain mo nga naman? Pinaikot kami sa buong school para magbilang ng numbers of species? Sinong di mapapagod sa lagay na yan?

Halos lahat kami ay pawisan. Muntik pa nga naming maubos 'yung laman ng water despenser dala ng uhaw. Ang init! Huhu.

"Are you all tired?" tanong ni Ma'am na kapapasok lang sa room.

Sumang-ayon kaming lahat, syempre. Mukha ba kaming hindi pagod? Pinagpahinga muna kami ni Ma'am ng ilang minuto.

"Kung nakapagpahinga na kayo ay pwede niyo ng sagutan ang guide questions sa books niyo. Submit your papers anytime today." sabi ni Ma'am.

Tss. Activity na naman! Wala na bang ibang alam ang guro naming iyan kundi ang pagurin kami? Nakakasawa!

Padabog na binuksan ko na lang ang bag ko nang makalabas si Ma'am sa classroom. Bwesit. Daming pinapagawa! Siya na lang kaya ang mag-estudyante? Tss.

Noong aktong kukunin ko na ang libro sa aking bag, nagulantang ako sa isang bagay na nahulog sa floor. Mukhang nagmumula ang bagay na iyon sa loob ng bag ko.

Kumunot ang aking noo habang lumuluhod ako sa sahig at sinilip ang ilalim ng chair ko kung saan nahulog yung bagay.

Nanlumo ako sa aking kinaroroonan. Nanginginig ang aking mga tuhod. Para akong pinagtakluban ng napakaraming bato sa nakita...

Tangina.

"WAAAAAAAHHHHHH!" Napasigaw ako sa sobrang takot at sa sobrang kaba. Nagsilapitan naman agad 'yung mga kaklase ko at nakitingin na rin sa ilalim ng upuan.

Bumakas sa mga mata nila ang sobrang pagkagulat. Katulad ko ay napaatras din ang iba.

"Bracelet..." narinig kong sabi ni Charlie.

Isang bracelet... ang bagay na nahulog mula sa bag ko ay isang bracelet na napapalibutan ng tuyong dugo. NAPAKARAMING TUYONG DUGO!

Tumayo ako at mabilis na binuksan ang aking bag. Nabitawan ko agad iyon nang makita ang nasa loob...




Isang putol na palad.


Isang may laslas at putol na palad ng tao ang nasa bag ko. At alam kong doon nagmumula ang bracelet na iyon.


Naiyabyab ko ang aking bag dahil natangay na naman ako ng aking kuryosidad sa mga pangitain na baka may makikita pa ako sa ako sa bag.

At hindi nga ako nagkamali. May nakita pa nga ako sa loob na labis nang ikinaputok ng aking dibdib sa sobrang kaba.

Napaupo ako nang mapagtantong hindi na nakayanan ng aking mga binti ang tumayo. Oh my gas!


Hindi isang bagay ang nakita ko pero, ito ay mga bakas ng dugo. Lahat ng notebook ko ay may patak ng dugong sigurado akong nagmumula sa putol na kamay. At alam kong inilagay ito sa bag ko kanina pa lamang habang nasa activity kami. Nakakakaba!

NAKAKADIRI.

"Guys! Tingnan niyo ang mga bag niyo, bilis!" narinig kong utos ni Raz sa buong klase. Kumilos naman agad sila.

At kagaya ko ay napaupo rin sila matapos mabuksan ang kanilang bags. Nakita ko ang kanilang panlulumo. Napatulala rin yung iba. Marami ang napahagulhol sa sobrang takot.

"Si Bengle..."

"Si Ricci..."

"Puta! Pinagtatadtad na naman sila!"

"Ayoko na dito!"

"Natatakot na ako!"

Nagkakagulo at halos nagsi-iyakan na ang lahat. Naalala ko bigla ang taong nagmamay-ari ng bracelet na ito.

Dahil nakita ko ito sa kamay niya kahapon noong dismissal.

Junel...

Bakit nasa palad iyon ng namayapa naming kaklase gayong nakita ng dalawang mata ko na suot niya ang palamuting ito, kahapon?

At..

Paano napunta sa palad ng namayapa naming kaklase (kung sino man ang nagmamay-ari ang putol na palad) ang bracelet na pagmamay-ari ni Junel?

-

Honey's POV

"Sir, wala pa po ba kayong nakuhang impormasyon ukol sa mga nangyayari dito sa silid namin? Ilan na po ang sa mga kaklase ko ang nawala, bakit wala man lang kaming clues sa taong may pakana nito?" muntik ko ng masigawan ang pulis dahil sa inis.

Dumating nga sila on time pero hindi rin naman nila kami binibigyan ng impormasyon. Wala pa rin palang kwenta! Halos mabaliw na kami sa kaiisip ng mga nangyayari pero wala man lang ni isa sa amin ang may clue sa pwedeng may gawa. Lalo na 'tong mga pulis na ito! Nakakabanas!

"Sa ngayon ay nagmamasid pa lamang kami. Ang hinala namin ay nasa tabi-tabi lang ang salarin." sagot ng isang pulis.

Malamang! Alangan namang nasa malayo ang killer eh pinagpapaslang na nga ng ganun lang kadali ang mga kaklase ko!

Nakakainis. Ang bagal-bagal nila.

"Yun lang?" Napalingon ako sa nagsalita. Bumungad sa akin ang nakakunot na mukha ni Jessmar.

"Inunti-unti lamang namin ang pag-iimbestiga. Huwag kayong mag-alala dahil kapag may nakalap na kami ay idedetalye agad namin iyon sa inyo." sagot nito.

Umalis na 'yung pulis sa harapan namin. Dala-dala ng ibang taga ambulance at ng mga ibang pulis ang tadtad na katawan nina Ricci at Bengle.

Yung palad ni Bengle ang nasa bag ni Leah kasama 'yung bracelet. Yung ulo naman ni Ricci ang nasa sa bag ko.

Bigla ko tuloy naalala yung bracelet na iginuhit ni Dianne sa illustration kahapon. Hindi nga lang iyon magkapareha sa bracelet na nasa palad ni Bengle pero nakakatakot pa rin. Para bang alam na ni Dianne ang mangyayari sa dalawa. Tapus, pinuri pa siya ng mga ito kahapon.

Nakaukit din ang mga nakapagtatakang letra sa noo ng mga namayapa kong kaklase.

May nakaukit na letrang "O" sa noo ni Jossel. Letrang "E" naman ulit ang nasa noo ni Bengle at letrang "R" ang nasa noo ni Ricci.

Ano na naman bang ibig sabihin ng mga letrang iyan? Gulong-gulo na ako sa mga nagaganap!

"Ayos ka lang ba?"

Nawala ako mula sa pagkalutang ng aking isip nang may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko ang taong iyon at tumambad sa akin ang mukha ni Julius.

"Hindi, baks. Nagugulahan ako." tugon ko.

Nanginginig na umupo ako sa upuan ko. Tumabi naman siya sa akin. "Ako rin naman, baks. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Ano bang nagawa natin sa killer?" sabi niya.

Ilang beses akong napabuntong hininga. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng masulosyunan ang mga kaganapang ito pero hindi ko pa alam kung paano ko sisimulan.

Nakakainis! Napipikon na ako!

"Ayoko na talaga! Natatakot na ako!" Biglang nasigaw ang kaklase kong si Arriane sa kabilang side ng room.

"Jusko! Sino na ba ang isusunod?" narinig kong sabi ni Jessa.

"Nakakadiri, Jess! Nakakatakot!" Parang bulilit na umiiyak si Kris Anne sa mga braso ni Jessa. Siya ang pinakamatatakutin sa aming lahat.

"Ayoko ng makita pa ang mga duguang katawan ng iba pa nating kaklase!" wika din ni Deisyrie.

Halatang takot na takot sila at naiintindihan ko iyon. Sino ba naman ang hindi diba?

Pero, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nila isinigaw ang mga katagang labis na ikinagulat ko.


"AYAW NA NAMIN!








MAGTA-TRANSFER NA KAMI!"

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon