T'Sec'C 8: Pagkatuwaan

449 29 0
                                    

Ana's POV

"Akin na!"

Kakapasok ko pa lang sa classroom mula sa canteen ay bumungad na sa akin ang mga classmates kong nagkakagulo. Halatang nagkakatuwaan sila at may hawak-hawak silang malalaking bato. Dumiretso ako sa upuan ko at pinagmasdan lang sila sa kaweirduhang ginagawa nila.

Hawak-hawak ni Sugar, leader ng MCG, (Miraculous Cute Girls. Nabanggit ito sa Chapter 1) ang bag ni Jessmar. Tapus may dalang malalaking bato yung iba pa nyang kasama. Ano bang ginagawa nila?

"Buksan mo na nga 'yung bag! I'm so yucky na dito sa dirty stone na 'to." pag-iinarte ni Trisha, ang pinakamaarte sa pangkat nila.

"Oh ito na! Ang arte! Ilagay niyo na ang mga bato sa loob!" utos ni Sugar.

Dali-dali naman nilang inilagay ang mga batong kanilang hawak-hawak sa loob ng bag ni Jessmar, isa sa sa mga kaklase kong bakla din pero hindi kasing likot ni Julius. Nakisabay na rin si Izyle maging yung iba pa. Yung iba naman ay tahimik lang na pinapanood ang mga ginagawa nila kagaya ko.

Tss. Lakas ng trip nila ngayon.

"Hi. Sali ka sa amin!"

Muntik na akong mapabalikwas sa inuupuan ko sa nagsalita. Pag-angat ko ng tingin. Si Ejay lang pala. Inabutan nya agad ako ng maliit na bato.

"Hindi na. Ayokong sumali." sagot ko.

"Pagkatuwaan lang naman 'to. Hindi naman magagalit si Jessmar kasi hindi naman marunong magalit yun." sagot nya. Alam ko naman yun. Tinatamad lang talaga akong sumali!

"Ayoko talaga."

"Sige na. Ngayon lang 'to!"

Bakit ba ang kulit?

"Salamat na lang."

Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila patayo. Nakaramdam agad ako ng isang kuryenteng di ko maipaliwanag kung ano. Paksyet! Ano bang ibig sabihin nito?

"Ngayon lang 'to, promise." sabi nya. Kumalabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang mapansing napakalapit ng mukha nya sa akin. Nanigas ako bigla. Syet! Ano bang nangyayari sa akin?

Tinulak ko agad sya papalayo sa akin. Muntik na akong mawalan ng hininga!

"AYOKO SABI EH!" sigaw ko. Hindi ko alam pero naiinis ako sa mga inaasta nya. Ayoko ng ganun! Ayoko syang paasahin. Ayokong bigyan niya ng kahulugan ang pagkikipag-usap ko sa kanya!

"Sorry." Nagbaba siya ng tingin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ako. Shit. Nakokonsensya tuloy ako!

Tinalikuran niya ako at bumalik na sya sa inuupuan nya. I took a deep sighed again. Sige na nga! Wala naman sigurong masamang subukan. Total, pagkatuwaan lang naman 'to.

Lumapit ako sa kinaroroonan nina Sugar. Kinuha ko 'yung bag ni Jessmar. Kahit sobrang bigat na nito dahil halos puro bato na ang laman, nagawa ko pa rin namang itali ng mahigpit ang straps ng bag sa mismong upuan nya. Yun lang ang magagawa ko. Nakipag-apir sa akin ang MCG pero di ko na sila pinansin pa dahil sandaling nagkagulo ang buong room.

"Nandyan na si Jessmar!"

"Wag kayong magpahalata!"

"Keep calm and stay pretty, guys!"

Balik sa normal ang lahat nung pumasok si Jessmar. Napansin kong nagulat sya matapos buksan ang bag niya. Nang hilain nya ito ay hindi nya iyon makuha dahil tinali ko yung straps ng bag niya. Hinarap niya agad kami.

"Guys, kayo ang may gawa nito no?" tanong niya agad. Maganda ang pagkataong meron si Jessmar. Alam nya ang mga bagay na seryoso at pagkatuwaan lang. Sa mga ngiti nya ngayon, alam nyang pinagkakatuwaan lang namin siya.

"Hindi ah." sagot nila.

"Ahh. Ganun ba?"

Bigla siyang lumabas ng room saglit na ikinatigil namin. Saan kaya sya paroroon? Bumalik sya sa classroom na may bitbit. Hindi namin matukoy kung ano ito kaya nung ipinakita nya ito sa amin ay sabay kami na nagsisigawan.

Shit!

"Kokak."

"WAAAAAAAHHHHHH!"

Nagsitakbuhan kami sa kung saan nang ihagis nya sa amin ang tatlong palaka na dala nya. May ibang nakatungtong sa desk dala ng takot pero may ibang normal lang na nagtatawanan. Fuck.

"Palakaaaaaaa!"

Napatalon ako sa sobrang gulat. Pakiramdam ko, hindi ko na makontrol ang sarili ko. Ayoko sa palaka!

Sa pagkataranta ko, hindi ko napansin na napatalon na pala ako sa direksyon ni Ejay. Good thing dahil nasalo nya naman ako kaya napilitan syang buhatin na lamang ako. Napasubsob ako sa dibdib nya.

Shit! Shit! Shit!

"Di naman halatang masyado kang hindi takot sa palaka no?" sabi nya. Shit! Alam kong nakangiti na naman sya ngayon!

"May palaka pa ba?" tanong ko.

"Wala na."

Napatingin agad ako sa kanya. At hindi nga ako nagkamali, sobrang lapad ng mga ngiti nya. Kumabog uli ng sobrang lakas ang dibdib ko. Damn! Tumalon ako ng malakas mula sa mga braso nya. Inayos ko agad ang sarili ko.

"Salamat sa pagsalo."

"Palagi naman kitang sasaluin. I won't let you fall for anyone except me." sabi nya.

Tumalikod agad ako. Umiinit na naman ang aking mukha. Ugh!

Bago pa man ako tuluyang makalakad ay muli na naman syang nagsalita.

"Thanks for the happiness, Ana." sabi nya.

Makahulugan. Iyon lang ang masasabi ko. Umalis na agad ako at nilisan ng room. Pinaypayan ko agad ang mukha ko pagkalabas ko doon.

Shit! Ang init-init ng mukha ko.

Ano bang nangyayari sa akin?

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon