T'Sec'C 58: Reasons (Part 2 of 2)

276 14 1
                                    

Lovely's POV

Napayuko ako. Nag-iinit ang mga mata sa mga nagbabantang luha.

Pakiramdam ko wala siyang naging kasangga buong buhay niya. Lahat ng mga sakripisyo niya, walang nakakakita. Lahat ng pagdurusa at masasakit na pinagdadaanan niya, ikinikimkim niya sa sarili dahil walang gustong makinig. Walang may pakialam sa kanya. Hanggang sa umabot na siya sa punto ng buhay niya na gusto niya ring maramdaman ng iba ang nararanasan niya. Kaya niya nagagawa ang krimen na ito.

Makatarungan dahil may dahilan siya? Hindi. Maling-mali pa rin. His serial killing couldn't be justified just because he wants everyone to suffer the same as him.

Baliw lamang ang makakagawa nito at hindi normal na tao.

"Oo. Ako ang mamamatay tao. Ako ang taong nasa likod ng misteryong ito. Anong magagawa ko kung ang sigawan at pagmamakaawa ng mga taong pinapatay ko ang tanging nakakaramdam sa akin ng kaginhawaan? Anong magagawa ko kung ang paghihirap nila ang lunas sa galit kong ito?"

Pumikit ako at umiling. Hindi ko siya masikmura. Inaalala ko pa lang ang lahat ng ginawa niya, hindi ko na siya magawang ituring na tao.

"Alam ng demonyong iyon na ako ang gumagawa ng lahat ng ito pero may ginawa ba siya? Pinigilan ba niya? Hindi! Kasi kung demonyo ako at walang awa, mas lalo na siya! Wala siyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam sa ginagawa ko maliban sa pangingialam ng mga libro. Wala siyang pakialam sa atin lahat, Lovely! Makasarili ang demonyong iyon. Kayang-kaya niyang pahupain ang kaguluhan at manipulahin ang lahat, mapanatili lamang ang dignidad ng mga inaalagan niya. Hindi na niya ako kailangan pigilan pa dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para sa pansarili niyang interest!"

Nagbara ang lalamunan ko.

"Pinapatay niya ako nang tahimik at paunti-unti. Pagpatay na mas masakit pa sa pagpatay na ginagawa ko, dahil durog na durog ako at wasak na wasak ang aking pagkatao."

Unti-unti kong naramdaman ang pagbuhos ng mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa lahat ng narinig.

Tama ngang kahit gaano kasaya at kapalangiti ang isang tao sa paningin mo, laging may dilim sa likod. Laging may nakakubli. Laging may hinanakit.

Alam kong wala ng mas mahalaga pa sa buhay ng taong walang awa niyang pinagpapaslang. Naniniwala pa rin akong dapat siyang parusahan. Pero sa pagkakataong ito, gusto kong hayaan ang sariling mag-simpatya sa kanya.

"Iyong mga kaklase nating pinutulan ko ng ulo, espesyal silang lahat sa akin."

Nanghihinang ibinalik ko ang tingin sa kanya.

"Espesyal dahil sila ang may malaking kasalanan. Si Sugar? Biktima niya ako sa pang-aapi. Si Pauline? Kailangan ko siyang patahimikin kundi ay mabibisto ako. Yung iba, pare-parehong epal at walang silbi. Sina Eliezer, Rupert, Cyril at Paul? Kailangan nilang mamatay. Bakit? Habang-buhay na lang ba silang magpapakasaya samantalang ako na naging dahilan kaya nila nasungkit ang pinakainaasam-asam ay mananatiling ganito?" usal pa niya.

Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. Pero pumatay pa rin siya at walang kapatawarang kasalanan iyon.

Habang pinagmamasdan ko ang reaksyon niya ay doon ko lalong nakita kung gaano siya naghirap ng ilang taon. Kung saan galing ang galit niya. Kung gaano kasakit sa kanya ang lahat ng ito pero wala siyang magawa dahil doon lamang siya nakahanap ng kaginhawaan.

Hindi siya normal. I finally realized it. At masakit isiping kaya siya nagkakaganito dahil lang sa walang pakialam sa kaniya. Walang atensiyon. Puro sakit at pang-aapi ang nakuha niya imbis na pagmamahal. He was deprived of many many things at this young.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon