T'Sec'C 60: End (Part 2 of 2)

290 16 0
                                    


This is the last part of the story. Thank you so much for reading The Section's Code! I hope you enjoy reading!

-----------------------------

Lovely's POV

"Hi, Julius. Namiss kita..."

Suminghot ako at ngumiti. Ngumiti dahil deserve niyang makita iyon kahit dito.

"Siguro nga ay tama lang na natapos na ang lahat para matigil na rin ang lahat ng sakit na nararanasan mo."

Hinaplos ko ang lapida niya at pumikit. Nang dumilat ay nangingilid na ang mga luha ko.

"The Galore of Sacrifices..." naisambit ko. "Iyan ang kabuuan ng mga letra, hindi ba?"

Hinayaan ko ang sariling lumuha sa harap ng puntod niya.

"Nasasaktan rin ako, Julius. Nasasaktan din ako nang marinig ang lahat ng iyon sa'yo. Ayaw kitang sisisihin pero mananatiling mabigat na kasalanan ang pagpatay, Julius. But now, I'll indulge myself on you. I'll give this moment to you. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat. But then I always know you chose what you live. You chose your road. Wala kang dapat sisihin kundi ang pagkakataon at bakit hinayaan nitong mangyari sa'yo lahat ito sa'yo. Are you somehow blaming yourself? You shouldn't be. Your feelings is valid. It's not your fault that you turn out that way. I'm so sorry for everything..."

Suminghap ako at sa huling pagkakataon, niyakap ko siya. Hinayaan ko ang sariling umiyak at tahimik naman akong pinagmamasdan ng mga kasama ko. Hinagod ni Ana ang aking likod at ilang sandali kaming nanatiling ganoon.

"Gusto niyo bang magkwento ako?"

Natigilan at nagulat kaming lahat sa nagsalita.

"Ate Lealin..."

Malungkot na ngumiti sa amin si Ate L. Nakasuot siya ng kulay itim na blouse at black jeans. Nakasabit sa braso niya ang kanyang na bag. Ang itim niyang glasses ang nagsisilbing pangtakip para hindi siya makilala. Napakasimple ng kanyang suot ngunit napakaelegante niyang tingnan.

"Hi," bati niya. "Maupo tayo..."

Niyaya niya kaming maupo ng pabilog sa grass. Tinitigan ko siya hanggang sa mapansin ko ang hawak-hawak niyang libro.

Dahan-dahan niya iyong inilapag sa lupa. Umawang ang bibig ko nang mabasa ang title niyon.

The Galore of Sacrifices...

Kaya pala pamilyar, Julius. Kaya pala parang nakita ko na ito sa kung saan. Bakit ito ang gusto mong malaman namin? Anong mayroon sa librong ito ng Ate L mo?

Ngumiti nang tipid si Ate L nang makita ang mga reaksyon namin.

"The Galore of Sacrifices..." tahimik siyang nagsimula. "Isa iyan sa mga librong akala ng karamihan ay ako ang gumawa. Pero ang totoo, hindi. Naging anino lang ako. Naging anino lang ako sa tunay na lumikha ng libro. Naging anino lang ako ni Julius..."

Gulat na gulat kaming napatitig kay Ate L. Walang nakapagsalita sa gulat. Kinagat niya ang labi niya at nagtagal ang tingin sa aklat.

"Bata pa lang si Julius nang mapunta siya sa puder namin. Nawala ang galit ko sa muling pambababae ni Papa dahil sa kanya. Masayahing bata si Julius. Makulit siya ay masarap kasama. Magmula nung mapunta siya sa bahay namin ay hindi na lingid sa kaalaman ko ang kasarian niya. Nakakaaliw siyang pagmasdan. Natutuwa akong pagmasdan siyang nag-iisip sa kawalan at kapag nakuntento ay saka siya magsusulat."

Payapa siyang nagpatuloy.

"Naalala ko pa nung minsan ay gabi na siyang nakauwi mula sa paaralan dahil nagpunta daw siya sa bar. Bata pa siya noon. Bawal pa siya roon. Napagalitan siya nang sobra ng Mama niya. Nang kausapin ko siya at tinanong kung bakit siya pumunta doon, isa lang ang isinagot niya..."

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon