Justine's POV(Babae po pala si Justine. Jaijai po ang nickname niya. Isa siya sa kaibigan ni Izyle)
"Pass your papers in front before I will comeback here! Understood?" inis na sabi sa amin ni Ma'am Christine, ang teacher namin sa Math.
Bad mood siya sa amin ngayon kaya siya naiinis. Hindi pa ba siya nasanay sa amin? Maingay na kami magmula pa nung nasa sinapupunan kami ng aming mga ina. Wala ng bago pa doon.
"Wag niyong painitin ang ulo ko, section WC! Kung ayaw niyong ibagsak ko kayong lahat, wag kayong maingay!" paninigaw niya sa amin at mabilis niyang nilisan ang aming room.
Tahimik kaming lahat habang tinitingnan si Ma'am na papalabas ng silid. Ilang sandali pa'y bigla na namang nag-iingay ang mga classmates ko pagkalabas niya. Umiling-iling ako. Hindi talaga bago.
"Anong answer sa number 3?"
"Tangina niyo, pakopya kami dito oy!"
"Hep! Hep! Unahin niyo ang magandang babae dito!" nangingibabaw na naman ang boses ni Grace.
"Oy! Oy! Ano 'yan, ha? Ang daya niyo! Ipasa niyo na rin 'yan dito sa likod!" sigawan ng iba habang pinag-aagawan nila ang papel ni Dave sa math.
Ngayon lang din naman kami ganito. Hindi kasi namin naiintindihan ang mga itinuturo ni Ma'am Christine kasi nga bad mood siya sa amin. Kaya naman umaasa kaming lahat sa papel ni Dave.
"JAIII!!!!"
Muntik na akong mapabalikwas sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ng kung sino mang tumawag sa akin. Pag-angat ko ng tingin, si John Beatxy ang bumungad sa akin.
"Oh bakit?" tanong ko.
Tumabi siya sa right side ko at inabot niya sa akin ang papel niya sa math. "Kumopya ka." nakangiti nyang sabi.
"Hindi, okay na. Nasagutan ko na rin naman." Ngumiti din ako.
God.
Ito na naman itong pakiramdam na parang sasabog ang puso ko sa kaba kapag ningingitian niya ako.
Crush na crush ko si Beatxy noon. Crush din niya ako. Mag mutual pa nga kami actually. Pero nangyari ang isang bagay at nagbago ang lahat. Nawala ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya noong nalaman kong may ka affair siya sa iba. May nililigawan siya noon sa senior high na ngayo'y iniwan din siya dahil lumipad na rin ito paibang bansa. Doon ko napagtanto na infatuation lamang ang lahat. Masyado pa siguro kaming immature noon. Pero ngayon, okay na rin naman sa akin ang lahat.
Okay na rin kami. Wala na sila noong kaaffair niya. Right now, I guess depending to the natural flow.
"Sigurado ka?" tanong niya.
"Oo. Okay lang talaga."
Natahimik siya ng ilang sandali at kapansin-pansin ang pagiiba ng kanyang reaksyon. Malungkot ito. Napabuntong hininga na lamang ako.
Dalawang linggo.
Dalawang linggo na ang nagdaan magmula nung nangyari ang isang karumal-dumal na patayan kina Eliezer to Pauline. Inaamin ko, sobrang nakakamiss sila. Pito na ang nawala sa amin. I'm so glad nga noong hindi natuloy 'yung eviction nila Jessmar at Julius sa section na ito. At least hindi ulit kami nabawasan.
So lucky dahil lahat kami ay sinubukang magpakatatag ngayon. Sa dalawang linggo na nakalipas, nanumbalik muli ang katiwasayan sa aming silid. Wala nang galitan at sisihan dahil ang nangyari ay pawang nangyari na. Hindi na namin maibalik pa ang nakaraan.
Siguro nga ay masasabi ng ilan na ang bilis naming maka-adjust sa nangyari. Pero anong magagawa namin? Hindi naman pwedeng magmukmok lang kami habang buhay nang dahil lang doon. Sabi nga nila, tuloy lang ang buhay.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...