T'Sec'C 4: Text Message

591 38 1
                                    

Lovely's POV

"Guys! May announcement ako!"

Napatigil naman ang lahat mula sa kadadaldal nung sumigaw si Izyle. Ang class mayor namin.

"Listen carefully, okay?!" Hindi na kami nagsalita at nanahimik na lang. Nakinig na lamang kami sa kanya.

"Sabi ni Ma'am, galing daw talaga sa Science Lab 'yung patay na pusa. Kinatay daw yun ng mga veterinarian trainees para sa pagsasanay nila. At dahil sa nangyari, bukas na raw natin itutuloy yung activity." sabi ni Izyle.

We sigh in relief. Akala ko talaga may something na sa patay na pusa na 'yun. Nakakatakot talaga kasi ang pagkakatay sa kanya.. Para bang may sinisimbolo...

"Pero may good announcement ako."sabi nya ulit. Nakinig na lang ulit kami sa kanyang sasabihin.

"Lahat daw ng mga taga-writers club ay iniimbitahan sa outreach program for the less fortunate children outside the school. Ipapafacilitate natin ang program na 'yun probably next week," sabi nya.

"At kukunin ko ang mga numbers niyo para incase na magkaproblema, we can call you right ahead." dagdag pa ni Izyle.

Dinistribute nya agad ang isang paper kung saan namin isusulat ang aming mga numbers..

Napabuntong-hininga na lamang ako at napaisip.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako. Yung tanong na nakasulat sa board kanina ay nakasulat pa rin ngayon. Pero paano? Kitang-kita ko na binubura na 'yun ng ilan sa mga classmates ko. Bakit at sino naman kaya uli ang nagsulat nun? May kelangan ba kaming asahan sa nakasulat?

Hindi man lang yun napansin ng mga kaklase ko.

"Love, hindi ba't binura na ang sulat na iyan kanina? Sino na naman ba ulit ang nagsulat nyan dyan? Baka mapagalitan pa tayo ni Ma'am nyan eh!" tanong sa akin ni Pauline, isa sa close friend ko.

"Iwan ko rin. Nakakapagtaka nga, e. Para kasing hindi nabago 'yung penmanship." Sagot ko.

Ibinaling ko ang aking tingin sa chalkboard at muling binasa ang nakasulat.

"What is in the middle of the sea that found in success?"

May ibig sabihin kaya ang tanong na 'yun?

---

Eliezer's POV

Recess time na. Nakatambay ako ngayon sa canteen kasama ang mga katropa kong sina Beatxy, Angelo, Charlie, Ejay at Ben J.

Mas pinili namin na dito muna magstay. Nakakairita ang mga daldalan ng mga babae sa loob ng room! Para namang ngayon lang sila nakakakita ng patay na hayop. Tsk.

"Mga brad, naniniwala ba kayo sa sinabi ni Izyle na kinatay lang ng mga veterinarian trainees ang patay na pusa sa Science Lab kanina?" Out of the blue na tanong ni Beatxy.

Kumunot ang noo naming apat sa tanong niya.

"Oo naman. Bakit? May iba pa bang dahilan, Beatxy?" tanong ni Angelo.

Matagal bago nakasagot si Beatxy. "Kung opinion ko lang naman ang pagbabasehan, mukhang hindi totoo yung sinasabi ni Izyle. Look bro's, nasa likuran ako nun kanina at hindi ako pwedeng magkamali. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang nangyari. Sa kisame galing yung patay na pusa kaya paanong kinatay 'yon? Doon kinatay? Doon itinapon?"

Naibuga ko nang di oras ang iniinom kong juice sa sinabi nya. Gago 'tong lalaking 'to ah.. Saan ka naman makakakita ng patay na pusa na nagmumula sa kisame?Ano 'yun? Kinatay sa itaas tapos hinulog? Para ano? Takutin kami? Kabaduyang laro 'yan! Tsk.

"Hindi sa kisame galing yon. Nasobrahan na yata yang imagination mo, Beatxy."sagot ni Charlie.

"Oo nga.. Bakit hindi na lang ikaw ang pumalit sa akin sa rank 1? Mukhang mas malawak pa imagination mo sa akin, e." sagot ko sa sinabayan ko ng kaunting tawa.

Rank1 ako sa overall Ranking ng Writer's Club. Alam kong marami ang nagtaka pero wala na silang choice.. I already won the crown.

"Nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko yun imahinasyon lang."protesta ni Beatxy.

"Pinaghihinalaan mo ba si Izyle, tungkol dito, Beatxy?" sabi ni Ben.

Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, Ben, pero alam kong may mali talaga sa nangyari. Para bang, may ibig ipahiwatig ang pagkatay ng pusang iyon..."

Nagulat kami nang halos mapasigaw si Ben. "Tanga ka ba o nagpatanga-tangahan? Walang mali sa nangyari! Malinaw ang lumabas na impormasyon sa atin!" pagkasabi nya nun ay bigla na lang syang tumayo at naglakad papalayo sa amin.

Nagkatinginan kaming apat na naiwan. Yumuko si Beatxy at bakas sa kanyang mga mata na hindi talaga siya kumbinsido sa sinabi ni Izyle. Na panindigan niya pa rin ang walang kwenta niyang imahinasyon.

Napailing na lang ako. Ang weird talaga ng lalaking ito. Tsk.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang nagbeep ang phone ko.

Tumambad sa screen ng cellphone ko ang isang mensahe.

1 text message received

From: 09*********

The game starts from you. Are you ready?

Napatigil ako sa nabasa at kaagad na kumunot ang aking noo. Sino na naman ba 'tong magulong tao na 'to?

Binura ko agad ang text nya. Ang weird lang ng mga tao ngayon. Tsss.

---

Izyle's POV

"Guys!" Tawag ko sa kanila. Nasa labas pa yung ibang classmates ko since recess time pa naman. Pero, wala na akong balak na tawagin pa sila. Nakakatamad na! "May sasabihin ako!"

Napalingon silang lahat sa akin..

"Pupunta raw dito ang ilang staff ng PrintStar and Co. para imeet ang Rank 1-15. Pag-uusapan daw ang signing of books natin since tapus na ang publication kagaya ng dating gawi. We will be starting at exactly 3pm. Expected na rin siguro gagabihin tayo." sabi ko. Napayehhey naman yung iba pero yung iba naman, poker lang.

Napangisi ako.

I'm sure this will gonna be so fun tonight.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon