T'Sec'C 18: Foolness

341 26 0
                                    


Lovely's POV

Tahimik kaming lahat sa classroom. Walang sinuman sa amin ang may gustong bumuo ng kung ano mang kalukuhan. Kung may maingay man ay minimal lamang. Yung mga daldalan lang ng mga boys at ng iba pa ang maingay sa buong silid.

Lahat kami ay nagluluksa pa rin sa pangyayaring karumal-dumal. Hindi namin inaasahan na sa araw na ito ay wala na si Pauline... Ang bigat sa loob. Napalapit na rin sa akin si Pauline. Hindi katanggap-tanggap ang biglaang pagkawala ng presensya niya dito sa classroom.

Naayos na ang lahat ngayon. Nagsidatingan naman yung mga pulis on time. Nalinis na rin ang lahat. Ang hindi ko nga lang alam ay kung napag-alaman na ba ng mga estudyante sa school ang mga pangyayaring ito. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng takot.

Possible kayang nasa likod ko lang ang salarin? Nasa harapan? Sa gilid?

"Who the hell has the guts to give death to Pauline? Hindi ba siya nakokontentong iilan na ang napatay niya?" rinig kong sabi ni Khryzzia.

"Ang bilis ng mga pangyayari!"

"Natatakot na ako. Parang gusto ko ng lumipat ng school!"

"Ako rin!"

"Tatagan natin ang ating mga sarili guys! Dapat ay matatag tayo para sa lahat!" sabi ni Raz.

Nasubsob ko 'yung mukha ko sa armchair. Natatakot ako. Kinikilabutan na ako sa mga nangyayari. Wala na si Eliezer, Sugar, Myme, Arlyn, Trisha, Elgane at ngayon naman si Pauline. Sino na ang isusunod? Ni wala kaming kaalam-alam kung bakit ito mangyayari sa amin!

"Love..." biglang may tumapik sa balikat ko. Pag-angat ko ng tingin, si Angelo ang bumungad sa akin.

Hindi ko alam pero sa mga pagkakataong makikita ko sya, kusang nababawasan ang bigat na nararamdaman ko. Siguro, dahil alam kong karamay ko siya sa lahat.

And the way he called my nickname... it's sweet. Alam kong nickname ko lang 'yon pero iba ang naiisip ko kapag siya ang tumatawag.

"Ikaw pala..." ningitian ko siya.

Umupo siya sa tabi ko. "I guess you notice something about of what happen." sabi nya.

"I guess so." sagot ko. Palagi naman akong may napapansin. Alam kong hindi lang din ako.

Bumuntong-hininga siya. "Yung ulo ni Pauline, may nakaukit na namang letrang "L" sa noo niya." sabi nya.

Kinagat ko ang labi ko. "Alam ko. Kaya nga mas lalo akong nalilito ngayon..." sabi ko.

"Pero ang nakakapagtaka lang, bakit walang nakaukit na letra sa ulo ni Trisha nung nalason siya?" sabi niya.

Natigilan ako. Oo nga, wala akong napansin na may nakaukit na letra sa noo ni Trisha.

Bakit?

Pili lang ba ang lalagyan ng letra sa noo?

"Dahil nalason lang si Trisha. Hindi pinutol 'yung ulo niya..."

Napatingin agad kami sa nagsalita. Halos kilabutan ako nang makita kung sino iyon.

Si Ben J...

Nakakapanindig balahibo ang pagiging seryoso niya. Malamig at walang emosyon ang kanyang mga mata. Walang buhay. Parang patay.

Nakakatakot siyang tingnan.

"Bakit mo nasabi, Ben?" tanong ni Angelo.

Hindi siya sinagot si Ben bagkus ay tinitigan lang niya si Angelo nang malalim. Titig na may gustong ipahiwatig. Titig na sobrang makahulugan.

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon