T'Sec'C 53: Section's Code

185 14 1
                                    


Lovely's POV

"KHRYZZIA, NASAAN KA?!"

"PLEASE HUWAG MONG GAWIN 'TO, KHRYZZIA! PLEASE! PLEASE!"

Nangangaligid ang mga luha ko. Ilang minuto na ang nagdaan pero hindi pa rin bumubukas ang mga ilaw. Ang nakakakilabot na tugtog ay mas lalong lumakas. Habang tumatagal ay nangangapa na ako sa kung saan.

Bakit mo 'to kailangan gawin, Khryzzia?

Bumukas ang mga ilaw. Unti-unting nag-adjust ang mga mata ko hanggang sa naging malinaw ang paligid, gayundin ang kahindik-hindik na pangyayari.

Napaluha ako.

Kung alam ko lang na ito ang bubungad sa amin ay sana, hindi ko na sana hiniling pa na magkailaw.

Si Khryzzia... May tabas na ang ulo niya.

Bumuhos pa lalo ang mga luha ko nang makitang payapa siyang nakapikit, tila walang pagsisisi sa ginawa.

Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko. Napaluhod ako nang tuluyang manghina ang mga tuhod.

Nagsakripisyo nga siya. Khryzzia...

"One minute."

Tumayo ako at inayos ang sarili. Pinahid ko ang mga luha at matapang na kinalma ang sarili.

I will make the sacrifice worth it, Khryzzia. Bibigyan ko ng saysay ang ginawa mo.

"It's letter F. Isa na lang..." si Izyle na ang tinutukoy ay ang letra sa noo ni Khryzzia.

"Hindi kaya may salitang "ROAR" diyan sa mga magugulong letra?" panghuhula ni Beatxy.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Naglapat ang mga labi ko sa inis. Tangina! Sinabi ng huwag manghula! Mababalewala ang lahat ng ito kung tatanga-tanga!

Napamura ako nang muling mamatay ang mga ilaw. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Hindi kami pwedeng basta-bastang manghula dahil katumbas ng maling salitang babanggitin namin ang aming mga buhay!

Dumoble ang lakas ng kabog sa dibdib ko nang muli ay bumukas ang ilaw at nakahandusay na si Beatxy.

"BEATXXXXXXXXXY!"

Napapikit ako nang mariin. Fuck!

"Utang na loob! Wag kayong basta-bastang magbibigay ng sagot at basta-bastang manghuhula dahil kapag mali ang binibigkas ninyong sagot, ganito ang mangyayari! Mamamatay tayo! Pakiusap, hanggang maaari ay mag-ingat tayong lahat!" nainis ko ng sigaw.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Justine habang pinapahiran ang luha niya sa kanyang pisngi. Nagkalat sa mukha niya ang dugong nakuha niya sa pagyakap kay Beatxy.

"TANGINAAAAAAAAAA!" sigaw niya ng ubod lakas. Galit na galit. "GUSTO KO NG MATAPOS ITO! MAGSASAKRIPISYO AKO! WALA NG SAYSAY PA ANG LAHAT! GUSTO KONG ISAKRIPISYO ANG BUHAY KO!" sigaw pa niya.

Pumikit ako at muling bumuhos ang mga luha.

"Pero pakiusap. Kung sino ka mang mamamatay tao ka, itabi mo ang katawan ko kay Beatxy." ang huling wika niya bago muling namatay ang mga ilaw.

Muling umalingawngaw ang nakakakilabot na tugtog. Tinalasan ko ang pandinig para marinig at maramdaman si Justine pero nalulunod sa tugtog ang boses ng bawat isa.

Bumukas muli ang mga ilaw.

Bumagsak lalo ang mga luha ko nang makita ang mahabang tabas sa leeg ni Justine, bangkay ng katabi sa katawan ni Beatxy. Magkahawak silang dalawa.

In her forehead is letter I.

"JAAAAAAAAAI!" napahagulhol sina Izyle at Rose habang hawak-hawak ang kamay ni Justine.

Nag-iwas ako ng tingin at suminghap. Hindi ko masikmura ang napakaraming bangkay na nasaksihan.

"Twenty seconds." si Angelo na mabilis na nilapitan ako.

Nanginginig na bumagsak ang tingin ko sa hawak kong notebook.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang salitang nakasulat doon. Bigla ay nabuhayan ako ng pag-asa.

Hindi ako pwedeng magkamali! Sulat kamay ito ni Khryzzia!

Oh god, Khryzzia! Salamat sa lahat...

Suminghap ako at nagsalita. "The galore."

Napalingon silang lahat sa akin. Tumulo ang luha ko at si Khryzzia agad ang unang naisip.

"May salitang 'The galore' sa mga misteryosong letra." patuloy ko.

Natahimik ang lahat. Hinihintay ang mangyayari. Hinintay ang pagbulagta ko. Pero iyon ang dalawang salitang isinulat ni Khryzzia sa notebook ko at may tiwala ako.

Ngumiti ako nang mapait. Salamat, Khryzzia... Mamimiss kita.

"Akala ko ba walang manghuhula, Lovely?" galit na bungad sa akin ni Izyle.

Tinitigan ko lamang siya saka ko inangat ang notebook na hawak ko.

* * *

Izyle's POV

"Akala ko ba walang manghuhula, Lovely?"

Tumitig lamang si Lovely sa akin saka niya inangat ang hawak niyang notebook.

"Si Khryzzia ang nagsulat. May tiwala ako."

Hindi ako nakapagsalita. Nanlulumong umiling na lang ako at hinintay na mamatay ang mga ilaw.

Ngunit...










K. A. T. A. H. I. M. I. K. A. N

Katahimikan ang namayani. Ibig sabihin ay tama ang dalawang salita na isinagot ni Love.

Nakahinga kami nang maluwang.

Pero ang akala kong panghabang buhay na na kaginhawaang iyon ay pagkakamali.

Dahil hindi pa tapos ang oras. May limang segundo pa pero kulang na kulang sa mga hindi pa namin nasagutan. Dalawang salita pa lang ang nasabi.

Ano na ang gagawin namin? Ano na ang susunod na mangyayari?

Nangatog ang mga tuhod ko. Aligaga ang mga mata, aksidente akong napalingon sa may gilid ko.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Nandilim ang paningin ko. Nababalutan ako ng sobrang takot at sobrang pangingilabot.

Dahil...















Nakita ko siya.

Nahuli ko siyang palihim na nagpipindot ng remote at tila laruang pinaglalaruan ito.

Lahat ay nakasasalay sa remote niya.

Hindi na ako makahinga sa kaba.

Siya... Siya nga ang mamamatay-tao! Siya lang at wala ng iba ang mastermind ng larong ito!

Nanindig ang balahibo ko nang bigla siyang lumingon sa akin.

Ngumisi siya. Mapangahas na ngisi.

Ngising nababaliw. Ngising nababalutan nang maitim na aura.

Nagbara ang lalamunan ko at mahihimatay na yata sa takot. Hindi ako makahinga.

Kaya pala kanina ko pa siya namamataang tahimik. Kaya pala nasusulyapan ko siyang kalmado lang kanina at kunyaring nakikisigaw sa tensyon.

Dahil siya pala... Siya pala ang puno't dulo ng lahat!

Bumuhos ang mga luha ko.

Hindi siya tao. Baliw siya.

Demonyo siya.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon