Ejay's POV"Kanina pa kayo rito, pre?" Tumabi si Junel sa akin. Hindi ko inaasahan ang biglaan nilang pagdating.
Mabuti na lang talaga at hindi nila naabutan ang mga sandaling umamin sa amin si Dianne. Hindi na masyadong gugulo kapag ganoon.
Mahirap pa ring paniwalaan na may namamagitan kina Ben at Dianne. Nakakagulat at talagang wala kang masabi. Alam ko naman na kayang panagutan ni Ben si Dianne. Pero totoong masyado pa silang bata sa ganoon. Seryosong bagay ang pagkakaanak. Kahit pa nalaglag iyon.
"Oo. Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko.
"Nakita ko kasi kayo dito na nag-uusap. Nagkataon lang din na nagkasabay kami nina Izyle papunta rito. Naiintrega rin yata sila sa biglaang pagpapakita ni Dianne." sabi niya.
Tumango ako at napalingon sa gawi nina Izyle. Nagkukulitan sina Justine, Grace at Rose kay Dianne. Kinukumusta rin nila ito. Pero si Izyle, napansin ko siyang pasimpleng iniirapan si Junel. Magkaaway din ba sila?
"Mukhang malalim ang pinag-uusapan niyo dito, ah." puna ni Junel.
"Oo. Personal na problema ni Dianne."
Tumango siya. "Iyon ba ang dahilan kaya ilang araw siyang wala sa klase?"
"Oo."
Nag-usap lang kami saglit. Maingay kami sa table dala na rin sa ingay nina Justine, Rose at Grace. Isama pa ang dalawang feeling dalaga na si Jessmar at Julius. Para kaming balik dati sa lahat.
"Excuse me..."
Natigil kami sa pag-iingay at pagkukulitan nang may narinig kaming tumikhim sa likod. Napabaling agad kami roon.
"Detective Jim!" sabay-sabay naming nasambit.
Ngumiti siya ngunit napansin ko ang pagpasada niya ng tingin sa bawat isa sa amin na tila ba may nakita siyang kakaiba sa pangkat. Mukha siyang nagdududa...
Umupo siya sa tabi ni Dianne.
"Kumusta?" pangungumusta niya sa amin.
"Ayos lang po, Sir. Namiss ka namin. Namiss ka ng magandang katulad ko." sabi ni Julius.
"Ikaw lang ba ang maganda? Ako rin kaya!" sabi pa ni Jessmar.
Ngumiti ng tipid si Sir. Pansin na pansin ko ang pinong pagkakagalaw nito na parang nag-iingat.
"Bakit nga pala kayo naparito, Detective?" tanong ni Ana na nasa tabi ko.
"I'm here to give you some important information and update..."
"Talaga po? Anong information po ba 'yan, Sir?" sabi ni Love.
Muling ngumiti si Sir bago sumagot. "Kaunting information lang naman. I found and investigated some evidences pero dahil hindi pa naman ako ganoon kasigurado ay hindi ko na muna sasabihin. Pero kaunting tulak na lang, malalaman ko na talaga."
"Sabihin niyo agad sa amin kapag sigurado na kayo, Sir. Kailangan na kailangan po namin ang tulong niyo..." sabi ni Khryzzia.
"Don't worry, sasabihin ko agad."
"May kinalaman po ba 'yan sa killer, Sir?" tanong ni Grace.
Napansin ko ang paninitig ni Sir kay Grace. "Yes."
"Salamat po, Sir. Sana po ay malaman na agad namin ang lahat ng nasa investigation niyo. Gusto na po naming matapos ito." sabi ni Justine.
Ningitian ulit siya ni Sir. Pagkatapos ay pinasadahan niya muli kami ng tingin. Sinusuri. Binabantayan. Isa-isa. At para bang may pinagdududahan siya sa amin dito na nasa harapan niya. May problema ba? May nakita ba siyang mali?
"Sir, may problema po ba?" tanong ni Rose na mukhang kagaya ko ay nakapansin rin sa mga mata ni Sir.
Umiling lamang si Sir. "Nothing, I just saw an unfamiliar faces here."
"Yes, detective. Si Dianne nga pala. Siya 'yung kaklase naming nawala noong mga nakaraang araw dahil sa personal niyang problema." sagot ni Khryzzia.
Tumango si Sir. "Oh, I see..."
Nagsulat si Sir sa note niya. Gayunman ay nagpasulyap-sulyap siya sa amin at muli na naman inaabala ang sarili sa notes.
Parang may kakaiba sa mga tingin at ikinikilos ni Sir. At alam kong hindi ito normal. Nakakabahala ang kanyang presenya.
May pinagdududahan ba siya sa amin?
O...
Isa sa amin na naririto sa cafeteria ang pinaghihinalaang killer ni Sir Jimuel?
* * *
Angelo's POV
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin si Sir dahil magiging abala pa raw siya sa station. Ni hindi ko tuloy naitanong kung ano ang sadya niya sa amin. Sayang. Sandali lang namin siyang nakausap.
Maingay pa rin sa table namin. Nagkukulitan pa rin sila at inaamin kong sobrang nakakaumay ang mga boses. Hinayaan ko na lang. Ganito naman sila palagi. Likas na sa kanila ang ganyan at wala na akong magagawa doon. Tss.
Nilingon ko si Love na naka-kagat sa kanyang labi. Nahuli ko siyang may kinakalikot sa phone niya.
"Okay ka lang ba?"
Napamura siya sa gulat. Napatawa agad ako sa kanyang reaksyon. "Ano ka ba?!"
"Bakit? Hindi naman kita ginugulat, ah. Sadyang napakamagulatin mo lang."
Umiling siya at hindi na umimik. Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang ba talaga?"
Nilingon niya ako at tumango. "Okay lang."
"May problema ba?" tanong ko, hindi naniniwala.
Napatitig siya sa akin at ilang sandali'y napayuko agad. Naramdaman na yata niyang hindi niya ako maloloko.
"Tell me what's wrong. Anong bumabagabag sa'yo?" tanong ko.
Muli siyang nagkagat-labi. Inangat niya ang cellphone niya at dahang-dahan itong inabot sa akin. Nagtataka ko siyang tinitigan. Anong meron?
Hindi na ako nakapaghintay pa. Tinanggap ko ang cellphone niya at tiningnan iyon.
Bumungad sa akin ang isang text message na hindi ko inaasahang mababasa ko ngayon.
From: Detective Jim.
Kausapin niyo si Sir Gil. May pakiramdam akong may alam siya sa nangyayari sa silid ninyo. Pasensya na at hindi ko sinabi sa inyo ng personal. Iyon sana ang sadya ko kanina. Hindi ko lang inaasahan na nandyan pala siya't kasama niyo.
Let's see some other time. God Bless!
Napatunganga ako sa screen ng cellphone.. Hindi ako makapagsalita. Parang tinakasan ako ng boses ko. Anong ibig sabihin ni Sir? Anong hindi niya inaasahan? May ideya na ba siya sa mga nagaganap? May motibo na sa killer? Sa taong puno't dulo ng lahat?
Kompirmado na ba ang kanyang hinala?
Nilingon ko si Love na nakatunganga at malalim na nag-iisip sa gilid. Lumapit ako sa kanya at bumuntong-hininga sa kanyang tainga. Naagaw ko agad ang kanyang atensyon.
"Kakausapin natin siya bukas, Love. Kakausapin natin si Sir Gil."

BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...