T'Sec'C 39: Proves

295 28 8
                                    


Detective Jim's POV

Ibinaba ko ang aking cellphone matapos kong kausapin si Ms. Lovely Lopez sa telepono.

Sumandal ako sa backrest ng swivel chair at sinimsim ang panghuling kape sa aking tasa. Pinasadahan ko ng tingin ang iilang notes na inilista ko. Sa kamamadali ko ay hindi ko halos maintindihan ang aking sinusulat. Binasa ko muli iyon at bago ako nagkiskis ng posporo't sinunog ito.

Humalukipkip ako habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkakasunog ng papel sa trash can.

Bumuga ako ng hangin at muling ipinaling ang ulo nang naglaro sa aking isipin ang mga kaganapang noong nakaraan.

~•~

Kasalukyan akong naglilibot sa buong Watson University upang mag-imbestiga. Ayon sa nakalap na mga impormasyon ng aking pulis team ay masyado raw komplikadong hanapin ang suspek sa silid ng WC.

Paano kayang kumplikado? Isa lang sa silid ng WC ang mamamatay-tao.

Naging mausisa ako. Napadpad ako sa parking lot ng school kung saan dito natagpuan ang bangkay nina Mr. Bengle Ajoc at Ms. Ricci Claros ng Writers Club.

At sa di inaasahang pangyayari, napangisi ako nang makita ang isang pares ng sapatos na nasa sanga ng isang puno. Nasabit. Pabor sa sangang ito ang napakaraming dahon kaya kung hindi mo titingnan sa malapitan ay hindi mo makikita ang sapatos na ito.

Inakyat ko ito at sinuring mabuti. Inusisa. Mabilis na itinago ito sa aking bag.

Pagkatapos ng imbestigasyon ay lumabas na ako ng parking.

Nasulyapan ko siya na papasok din doon. Kalmado siyang naglakad papasok at ibinalewala ang aking presensya. Alam kong hindi niya ako napansin dahil masyadong malalim ang kanyang isip. Ikaw ba naman ang mapalpak, diba? Nababahala dahil hindi nag-iingat. Iniwan pa niyang ibedensya ang sapatos niya.

Wow. Ang kumplikado ngang hanapin.

Sumandal ako sa poste ng parking lot upang hintayin siyang makalabas. Kinakalikot ko ang cellphone ko habang naghihintay. Nang mapansin ko siyang papalabas ay nanatili akong nakatutok sa phone.

Huminto siya sa aking harap kaya't nag-angat ako ng tingin.

"Oh, hi to you." kalmado kong bati at binigyan niya ng tunay kong ngiti.

Napangisi ako nang mapansin ang palihim na pagtalim ng tingin niya. Alam kong may pakiramdam na siya na pinaghihinalaan ko siya.

"Anong ginagawa mo dito, Sir Jim? Ang aga-aga mo naman po rito sa parking lot?" painosente niyang tanong.

Magaling!

"Wala lang. May hinahanap lang ako. Eh ikaw? Bakit ang aga-aga mong nagpunta dito?" kaswal ko ring tanong.

"Wala lang. May hinahanap lang din ako."

Nilampasan niya ako.

"Sapatos ba?"

Natigilan siya sa aking sinabi. Nilingon niya ako kaya ningitian ko siya, nagpapatay-malisya. Nilampasan ko siya. Pero hindi pa man ako nakadalawang hakbang ay hinagilap niya agad ang braso ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"Yes?" Nanatili akong kalmado.

Naramdaman kong bumaon ang kuko niya sa braso ko.

"Anong nalalaman mo?" mariin niyang tanong, nandidilim ang titig.

Ngumisi ako. "Ano bang nalalaman ko? May dapat ba akong malaman?"

"Nasaan ang sapatos?" sabi niya.

Tumawa ako. I got it. I got you! Napakadali mong basahin. Napakadali mong hulaan. Bakit hindi magawa ito nang kahit sino?

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon