T'Sec'C 57: Reasons (Part 1 of 2)

266 13 0
                                    


Lovely's POV

"Anong klaseng tao ka? Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ito. Hindi ka tao, Julius!"

Hindi ko na napigilan ang pag-usbong ng matinding galit ko. Ang buong akala ko ay isa rin siyang inosente at biktimang kagaya namin. Tapos maglalaman kong... siya lang pala ang puno't dulo ng kaguluhang ito?

Ang galing niyang magpanggap. Hindi man lang sumagi sa isip ko kahit isang beses na possibleng siya. Ang dami naming ginawa niyang tanga.

"Hindi mo kasi naiintindihan kaya ang lakas ng loob mong magsalita! Isa ka pang hangal! Wala kang alam sa lahat kaya manahimik ka kung ayaw mong magkatapusan tayong lahat dito!" sigaw niya.

Pinagmasdan ko siya, masama at matalim ang tingin. Pinapainit niya iyong hawak niyang napakalaking soldering rod. Ilang sandali pa ay nakita ko ng umuusok na sa init ang matulis na dulo niyon.

Ano ngayon ang gagawin niya? Papatayin na niya kami? Puwes, lalaban ako. Hindi niya kami pwedeng patayin nang hindi siya nagdurusa! Kung mamamatay kami ay dapat na mamamatay din siya!

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito." nagtagis ang bagang ko.

Bahagya niya akong nilingon. Seryoso. Kalaunan, humalakhak. At nakakarindi ang halakhak niyang iyon.

"Pinagbayaran ko na. Ngayon, kayo naman ang magbabayad." sabi niya.

"Ano namang kasalanan namin sayo? Wala kaming pagbabayaran. Ano bang naging utang namin para singilin mo kami ng ganyan?" matapang na naiusal ni Ana.

Ngumisi nang mapangahas si Julius. Isang ngising nakakakilabot. Isang ngising makahulugan. Pagkatapos ay humalakhak siya. Nababaliw na siya talaga.

"Bakit hindi isipin?" may diin niyang tanong. "Mga bobo!"

"Bakit? Matalino ka ba?" Nagulat ulit ako sa matapang at prangkang tanong ni Ana. "Baliw lang ang masisikmurang gawin ito. Baliw ka. Baliw!"

Malakas na sinampal siya ni Julius. Tumabingi ang pisngi niya sa lakas ng pagkakasampal. Nanatili siyang kalmado kahit narinig ko ang ilang beses na paglunok.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Julius.

"Ang lakas ng loob mong sagutin ako ng ganyan! Pero sige!" Tumayo si Julius at inayos ang nagusot na damit, nanggigigil. "Habang pinapainit ko pa ang soldering rod na itatarak ko sa mga makakapal niyong mukha, magkukuwento ako."

Walang nagsalita sa amin. Nanatiling nakayuko si Ana. Walang kakurap-kurap na tiningnan ko naman ang bawat reaksyon sa mukha ni Julius.

"Alam niyo ba kung bakit ko isa-isang pinapatay ang mga kaklase natin?" tanong niya. "Kasi mga taksil sila. Mga hangal! Mga uto-uto! Nagpauto sila nang ganoon lamang kadali sa napakagaling kong ama!"

Pinigilan ko ang hininga ko, hindi na nagsalita at hinayaan lang siya.

"Ama ko ang principal ng school na 'to. Stepfather ko si Sir Gil." panimula niya.

Napasinghap ako.

Ama niya si Sir Gil? Si Sir Gil ang binanggit niya sa amin na ama niyang sinasaktan siya? Pero paano nangyari iyon? Ni hindi ko sila napansing nagpapansinan or nagkakausap. Hindi nga rin sila magkapareho ng apelyido. Pinagloloko ba niya kami?

"Wala kayong maintindihan diba?" sabi niya.

"Sabihin mo na lang lahat."

Humalakhak siya. "Oo naman, huwag kang atat!"

"Gumaganti ka ba, Julius? Kaya mo ba kami inisa-isang pinapatay dahil ikaw palagi ang pinakahuli sa rank?" tanong ko nang mapagtantong possibleng iyon ang dahilan.

Nagtagis ang bagang niya at walang sabi-sabing sinampal ako. Hinawakan niya ang panga ko ng sobrang higpit.

"Iyong pagiging rank 1 ni Eliezer noong last ranking, ang pagiging rank 1 din ni Rupert ngayon na quarter, ang pagiging rank 2 at Rank 3 ni Cyril at Paul, iyong mga librong nagawa "daw" nila... ay pawang mga kalukuhan lamang!"

Nanggigil na piniga niya ang panga ko.

"HINDI SILA ANG MAY GAWA NG MGA LIBRONG DAHIL KAGAYA NGA NG SINABI KO, KALUKUHAN LANG ANG LAHAT!" sigaw niya.

Marahas na binitawan niya ang mukha ko. May dinukot siyang baril sa kanyang bag. Napalunok. Ngumisi siya at nilingon ako.

"Ang mga libro nina Eliezer, Rupert, Cyril, at Paul ay hindi sa kanila. Lahat ng iyon ay pawang mga gawa ko!"

Nanlaki ang mga mata ko.

Fuck! Anong gawa niya? Nasa panghuling rank siya palagi kaya paano nangyaring sa kanya iyon?!

"Bakit gulat na gulat ka? Hindi ka makapaniwala? Kasi panghuli ko lagi sa rank at bobo ako, hindi ba?"

Hindi ako nagsalita.

"Anong magagawa ko kung kailangan kong maging ganoon dahil sunod-sunuran ako? Ayaw sa akin ni Papa. Kinamumihian niya ako nang sukdulan. Ayaw niya sa mga lahi ko dahil salot sa lipunan. Pinapatay niya ako nang paunti-unti, kung hindi patay ang turing sa akin. Kinamumuhian niya ako kaya lahat ng mga kaya kong gawin ay binabalewala niya!"

Napayuko ako. Naghahalo sa loob ko ang galit at ang kagustuhang umintindi. Biktima siya ng kanyang ama. Gayunpaman, hindi magiging rason iyon para pumatay siya ng napakaraming tao.

"Nagsakripisyo ako. Lahat ng mga nagawa kong libro ay sa iba niya ipinapasa. Ibang tao ang pinapalabas niyang tagasulat dahil nga ayaw niya sa akin at gusto niya akong maging miserable! Dahil gusto niyang wala akong maabot! Dahil gusto niyang nagdurusa ako habang buhay! At isinakripisyo ko lahat ng iyon!"

Tumayo siya. Dinampot niya ang isang basahan at isa-isang pinunasan ang mga kutsilyo aa mesa.

"Naiintindihan niyo ba? Kung hindi ako naging sunod-sunuran niya, hindi ba't ako sana ngayon sa pinakauna sa rango? Hindi ba't ako ang pinakamatalino kung hindi niya dinaya ang lahat? Tinanggap ko ang lahat ng diskriminasyon na nararanasan ko mula sa kamay niya. Tinanggap ko ang pagpapalabas niya na pinakabobo ako sa section natin! Tinanggap ko dahil kung may ikinatakot man ako sa mundong ito, siya 'yon. Hawak-hawak niya ang buhay ko. Ni hindi ko siya magawang patayin dahil takot na takot ako sa kanya!"

Suminghap ulit ako, ngayon ay nangingilid na ang luha sa mga mata. Hindi ko inalis ang titig ko sa mukha niyang iisa lang ang reaksyon... hinanakit.

"Stepsister ko rin si Dianne..." usal niya at nanlaki ang mga mata ko!

Narinig kong napasinghap din si Ana sa narinig. Paano niya naging kapatid si Dianne?

"Pinatay ni Sir Gil ang mama ni Dianne nang mapangasawa niya ang ito. Stepfather namin ni Dianne ang animal na iyon at nanatili kami sa puder niya dahil kagaya ni Dianne ay namatay din ang Mama ko sa sakit. Nagkakasundo kaming dalawa na manatili kahit ganoon ang istado namin."

Nagpatuloy siya.

"Hindi namin kadugo ang demonyong iyon. Naging magkapatid lang kaming dalawa dahil ang Mama ko ay naging kabit din ni Sir Gil. Pareho lang sa Mama ni Dianne. Kapatid ang turingan namin sa isa't-isa sa kabila ng hindi pantay-pantay na pagtrato. Ang tunay na anak ni Sir Gil na si Ate L ay itinuturing din naming kapatid."

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napasinghap.

Step-sister niya si Ate Lealin at ganoon din si Dianne. Kaya ba parang mamamatay na sa kaiiyak si Dianne noong naisugod namin si Julius sa clinic noon?

"Mahal na mahal ni Papa si Ate Lealin dahil si Ate lang ang totoong galing sa kanya. Sa amin tatlo, ako ang labis na kinamuhian niya. Ako lang ang ayaw na ayaw niya sa aming magkapatid. Ako lang ang gusto niyang makita na nagdurusa dahil ayaw na ayaw niya sa akin! Dahil naniniwala siyang baliw ako at kahihiyan lamang sa pamilya!"

Nanatili akong tahimik. Ayokong magsalita. Gusto kong marinig ang lahat ng mga saloobin niya. Gusto kong ibuhos niya ang lahat ng galit na nararamdaman niya!

Isang singhot ang narinig ko kay Ana at alam kong umiiyak siya. Nanikip ang dibdib ko. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko sa pagkakataong iyon.

Pero isa lang ang gusto kong sabihin sa lahat ng ito.

I'm so sorry that you have to experience all of that, Julius...

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon