T'Sec'C 14: Blame

360 24 1
                                    

Angelo's POV

"IKAW! HAYOP KA! IKAW ANG MAY KASALANAN NITO! IKAW 'YUNG HULING KASAMA NINA MYME, DIBA?! DI BA GRACE?!" galit na sigaw ni Jessa, isa sa mga kaklase naming labis na nagdadalamhati dahil sa pagkawala nina Elgane, Myme at Arlyn. Magkaibigan sila ni Myme kaya ganyan nila kung sisihin si Grace.

"Oo. Magkasama kami pero iniwan ko lang sila doon pagkatapos kong magpacking ng mga gamit! Wala akong alam sa nangyayari!" pagdedepensa ni Grace.

Halos lahat ng mga kaklase ko ay sinisisi sya. Hindi ko rin naman sila masisisi. Kung ako rin ang nasa sitwasyon nila, marahil ay tatangayin din ako ng emosyon at sisisihin ko rin si Grace pero alam ko rin naman na malabong gawin nya 'yun.

Isa lang naman kasi ang may pakana ng lahat. Walang iba kundi ang demonyo sa aming paligid na nagpapanggap lamang na anghel!

"AT ISA PA, KASALI KA SA MGA NAGPACKING NUNG MGA BOX AT SA INYONG APAT AY IKAW LANG ANG NAKALIGTAS! 'WAG KA NG MAGPROTESTA GRACE! HULING-HULI KA NA SA AKTO! IKAW ANG NAGLAGAY NG MGA TADTAD NILANG KATAWAN DOON, DI BA?!" sigaw ni Kris Anne.

"WALA AKONG ALAM! ALAM KONG MAGANDA AKO PERO HUWAG NYO NAMAN AKONG SISIHIN!" sigaw ni Grace.

Nagulat ako.

Abnormal.

Pinagbibintangan na nga't lahat, maganda pa rin ang tingin nya sa sarili.

"Please guys, wag tayong magsisihan dito! Walang mangyayari kung puro tayo away!" away ni Julius sa kanila.

Kanina lang medyo naibsan ang kaguluhan dito sa hall dahil nagsidatingan naman ang mga pulis on time. Yung mga bata naman ay pinakalma muna ng ilang sa mga kaklase ko doon sa park pati na rin ang iba pang gurong kaagapay namin. Kailangan muna nilang lumiban upang maibsan kahit papaano ang kanilang takot at para mawalan na rin sa isipan ng mga ito ang nangyari.

Nilingon ko si Lovely na nakatulala lamang sa may bleacher. Bakas sa mukha nito ang kaguluhan na tumatakbo sa kanyang utak.

"Natatakot ka ba?" tanong ko at tinabihan ko sya. Naagaw ko naman ang kanyang attensyon dahil napalingon siya sa akin.

"Sobra." sagot niya. Sandali syang natahimik bago muling nagsalita. "Bakit ba nangyayari ang mga bagay na ito sa atin? Wala akong makitang dahilan para gawin ng kung sino man ang mga ito!" sabi niya.

Tinapik ko siya sa kanyang balikat. Nararamdaman ko na natatakot sya. Kung pwede lang sanang mailipat sa akin ang lahat ng takot na nararamdaman nya, di ako nagdadalawang isip na tanggapin iyon. Ayoko syang makitang nag-aalala.

"Wala ka bang napapansin, Angelo?"tanong nya.

"Napapansin na ano?"

Nagkagat-labi siya bago sumagot. Damn! "Tinadtad at pinagpuputol lahat ng killer ang mga katawan ng mga kaklase natin." sabi niya.

"Napansin ko 'yun." sagot ko.

"Hindi mo ba napapansin ang mga munting letrang nakaukit sa noo ng mga putol nilang ulo?"

Natahimik ako. Napapansin ko rin 'yun. Pero hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya.

"Unang nawala si Eliezer. Ngayon nga lang natin nalaman na patay na sya. Letrang "E" ang nakaukit sa kanyang noo. Sumunod si Sugar "H". Ngayon naman ay sina Arlyn. Letrang "T" yung nasa noo niya, letrang "A" ang kay Elgane at letrang "G" naman ang kay Myme. Sa tingin mo ba, dapat nating balewalain na lang ang mga bagay na iyon?" sabi niya.

Napatitig ako sa kanya at napangiti. Kaya nga siguro ako humahanga sa babaeng ito. Ang bilis makakalap ng mga kakaibang bagay.

"May punto ka, pero sa tingin mo ba talaga, totoong tao ang killer? Di ba siya, taong nagmumulto?!" sabi ko.

Napahawak siya sa kanyang sintido. Halatang gusto niyang matawa pero nagpipigil lang. Ang cute nya.

"Naniniwala ka na isang nagmumultong tao ang may gawa noon sa kanila?" sabi nya.

"Hindi ah."

Natawa siya. Damn it.

"Sabihin mo na lang. Di ko naman ipagkakalat." nakangisi pa niyang sabi.

"Seryoso 'yun. Wag mo na nga lang banggitin!" Tsk.

Ngumiti siya. Pilit na ngiti. Sumeryoso uli ang mukha niya. "Natatakot ako, Angelo. Baka sooner or later, ako na naman ang tatadtarin. Ako na naman ang mamamatay. Ayaw ko pa. Ang dami ko pang pangarap. Ayaw ko pang mawala." magsimula na naman siyang maiyak.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya, kahit anong mangyari.

Napatayo kaming dalawa nang biglang dumating si Sir Gil. Ang principal ng school namin.

"Gather around! Section WC!" sabi nya. Bumaba kami sa bleacher at pinalibutan si Sir. Seryosong-seryoso ang mukha nya. "Listen carefully." sabi niya.

Tahimik kaming lahat. Halatang natakot sa aurang bumabalot sa aming punong-guro. "Wag niyong ipagsasabi nino man ang nangyaring murder sa klase nyo lalong-lalo na sa labas ng campus. Mas makakaiwas tayo sa gulo kapag susunod kayo."

"Pero Sir, paano po kami matutulungan ng iba kung wala kaming pagsasabihan? Paano nila malalaman na nanganganib kami?" sunod-sunod na tanong ni Trisha.

"Bantay-sarado kayo ng mga pulis na inatasan kong ilihim ang mga ito. Basta't ipangako niyo na kahit anong mangyari, wala kayong pagsasabihan..."

"Pero hindi naman po tama 'yan, Sir." protesta ni Ana. Siniko naman siya ni Ejay.

"Bakit mo nasabing hindi tama ito? Ginawa ko ang lahat para maprotektahan kayo, maprotektahan ang school natin. Sa tingin nyo ba, kapag nalamn ng taga-ibang school ang nangyari ay titingalain pa nila kayo? Hahangaan?! Lalapitan? Kayo ang napakamatalinong students dito sa school at ayaw kong magbago ang tingin sa inyo ng mga tao dahil lang sa nangyari.." paliwanag niya.

Maaasahan kaya namin siya? Inaamin ko na may punto ang lahat ng sinasabi nya pero sapat ba ito na dahilan para sundin namin sya? Ayaw din naming mapahamak.

"Sir, magtatanong lang po ako. May idea po ba kayo kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito?" tanong ni Lovely. Alam kong masyado siyang nangagamba sa mga nangyayari. Di ko siya masisisi.

Hindi sumagot si Sir.

Napasinghap ang iilan. Pinagmasdan ko nang maigi ang aming principal. Pinagmasdan ko ang direksyon at bawat galaw ng mga mata niya.

Hindi ko alam pero...

Isa lang ang nakita ko sa mga mata ni Sir at nakatitig siya.



Nakatitig siya kay...







Izyle.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon