T'Sec'C 38: Karamay

256 17 3
                                    


Lovely's POV

Napatakip agad ako ng mukha nang makita ko ang nag-iisang taong tinuturo ni Charity.

Gusto ko ng maiyak. Bakit pati si Julius, naging ganito rin? Anong nangyari sa kanya? Sinong may gawa nyan sa kanya?

"Julia..." nanginig ang boses ni Jessmar.

Paika-ika at dahang-dahan lumapit sa amin si Julius. Namutla ako nang hindi pa man ito tuluyang makalapit ay bumagsak na ito sa lupa.

Nataranta kaming lahat. Lalo na ngayong nakita naming andaming pasa ni Julius sa katawan. Ang laki laki din ng kulay itim na bumabalot sa kanyang dalawang mata. Para siyang pinagtutulungang bugbugin. Nanikip ang dibdib ko habang binubuhat siya ng mga kaklase.

"Kami na ang magdadala sa kanya sa clinic." pagpe-presenta ni Dave at Rupert.

"Sasama ako!" sabi ko.

Ikinagulat ko ang pagtaas ng kamay ni Dianne. "Ako rin!"

"Kailangan kong samahan si twin sister ko!" wika ni Jessmar.

"Sasama rin ako!" sabi ni Khryzzia.

"Sige, sumama kayo!" Bumaling si Dave kay Izyle. "Ikaw na muna ang bahala dito, Izyle. Babalik ako agad."

Dinala na agad namin si Julius sa clinic. Pagdating namin doon, iniwan na rin kami nina Rupert at Dave. Nanatili kami sa labas ng ilang oras dahil ginagamot pa si Julius. Lumabas ang nurse para sabihing pwede na naming dalawin si Julius.

Pagkapasok namin, nakita naming hirap at maputlang nakahiga si Julius sa bed. Gising na ito pero naghihina pa rin.

Gusto ko ng maiyak sa sitwasyon niya. Nakakaawa. Anong nangyari? Bakit ganito? Kahapon lang ay okay na okay siya.

"Ayos ka lang ba, sis? Saan ba 'yung masakit? Sa puson mo? Anong gusto mong kainin? Tubig? Tell me everything you want, sis. Hindi ko matanggap. Sobrang sira na talaga ang beautiful fess mo. Huhu." si Jessmar.

Balisang ngumiti si Julius. "Okay lang ako, sis. E, make over mo ako after nito, ah? Nasira na peslak ko. Hindi na ako maganda."

"Ano bang nangyari sa'yo, Julius? Okay ka na ba?" tanong ni Dianne, nag-aalala.

"Okay lang ako, nag-abala pa kayo."

"Anong nangyari? Sabihin mo sa amin." Hinawakan ko 'yung kamay niya. "Makikinig kami.."

Right on the cue, hindi ko inaasahan ang pagbuhos ng mga luha. Umiiyak siya..Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito kabigat. Ang bigat bigat pakinggan ng kanyang hagulhol. Sobrang sakit na siguro ng lahat.

"Binugbog ako ni Papa kagabi dahil matagal akong nakauwi..." panimula niya na ikinalaki ng mga mata namin lahat.

Ikwenento niya sa amin ang lahat ng nangyari sa kanya. After hearing all of it, mas pinuno ng awa ang puso ko. Mas lalong kinukurot ang aking dibdib. Hindi ko alam na sa kabila pala ng mga ngiti niyang sagad, may nakakubli sakit at pagdurusa. Alam kong nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon.

Niyakap ko siya agad. Yumakap din sila sa amin. Gusto kong maramdaman niyang hindi pa siya nawawalan. Nandito pa kami para sa kanya.

Sa ganitong wala ng kasiguraduhan ang lahat at sa ganitong hirap ng magtiwala ang lahat sa amin, ngayon ko gustong iparamdam sa kanyang may karamay siya. Na lahat ng nararamdaman niya, mararamdaman din namin. Maiintindihan namin. Kaagapay niya kami.

"Ang sama naman ng Papa mo! Ang babaw ng dahilan niya para mangbugbog! Sampahin natin siya ng kaso, Julius! Hindi makatarungan ito!" si Khryzzia.

"Huwag, please. Takot na takot ako sa kanya. Mas lalo akong mapapahamak kapag may nakikialam pa. Please, huwag na."

Nagulat ako nang makitang sumugod si Dianne kay Julius at niyakap niya ito. Humagulhol siya sa dibdib nito. Nanikip lalo ang didbib ko.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Dianne has a warm heart. Maybe, she's treasuring us now. It seems like she always have care to each of us kahit napakamisteryoso niya noon. Mali nga siguro ang naging tingin ko sa kanya. Isang malaking pagkakamali ang ginawa kong paghihinala sa kanya. At hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko ito.

"Sorry Julius. Sorry. Nandito lang ako. Nandito lang kami." paulit-ulit na sambit ni Dianne.

Hinaplos ni Julius ang buhok nito. "Ayos lang ako, Dianne. Ano ka ba, bakit ka umiiyak ngayon? Mama ba kita?"

Umiyak lang lalo si Dianne.

"Hindi ko pa naman susubukang magpakamatay kahit muntik ko ng gawin kaya tama na nga! Huwag ka ng umiyak! Nahihiya na ako, iniiyakan ako ng isang Dianne Cale!"

Nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihing muntik na siyang magpakamatay?

"Hoy Julia! Anong muntik 'yang sinasabi mo?" si Jessmar na bahagya pa siyang sinapak.

"Wala."

"Julius, hindi solusyon iyon, okay? Manalig ka at iyon lang ang paraan. Isipin mo 'yung iba na halos nagpapakamatay na sa pagdarasal para mabigyan pa ng mahabang buhay tapos ikaw, aaksayahin mo lang? Nandito pa kami para sa iyo. May natira pa sayo. Karamay mo kami sa laban ito, Julius." sabi ni Khryzzia.

"Salamat... Maraming salamat sa inyo."

Niyakap namin ulit siya. Pagkatapos noon ay lumabas muna ako para sagutin ang tumatawag sa phone ko.

Kaagad akong napatalon sa tuwa nang bumungad sa aking screen ang isang taong kanina ko pang hinihintay na tumawag ngayon.

"Detective Jim!"

Napatawa ako dahil naisigaw ko pa ang pangalan niya. Nakakahiya tuloy.

"Love, alam ko na. Kilala ko na kung sino siya..."

Nanginig ang katawan ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas mabahala lalao sa balitang iyon. Nalalapit na ang katapusan.

"T-Talaga po? Paano niyo po nalaman, Detective?" Nabasag ang boses ko.

"May nakuha akong mga leads mula sa pagkamatay ni Ms. Khyla. Iyon lang ang pagkakataong hinintay ko para malaman ang lahat. At tama ako.. Siya nga...Siya nga ang mamamatay tao."

Parang may bumara sa lalamunan ko. Sino? Sino ang taong iyon? Gusto kong malaman kung sino siya!

"S-Sino po?"

"I will tell you the whole details tomorrow. I'll tell you the place and the address. Doon na tayo mag-usap."

"Sigurado po ba kayong siya na 'yong mamamatay-tao, Sir? Naisip ko lang na hindi basta-basta ito. Mas lalong hindi tayo puwedeng basta-basta na lang din nagtuturo."

"Siguradong-sigurado ako, Love. Basta, meet me na lang bukas, okay? Hihintayin ko kayo."

Tumango ako. "Okay po. Salamat po, Sir."

Pinutol na ni Sir Jim ang tawag.

Wala sa sariling napangiti ako. Hindi ko alam kung ano ang mas yayanig gayong alam na ni Sir at malalaman na rin namin ang salarin ng lahat. Kapayaan nga ba ang mamumuo? O isang matinding delubyo pa rin?

Hindi ko alam. Basta kung ano man sa dalawa ang mayayanig, kakapit pa rin ako sa dulo. Hinding-hindi ako bibitaw.

Si Detective Jim talaga ang pag-asa namin para matapos na ang lahat ng ito. Gusto ko ng malaman ang lahat. Gusto ko ng hilain ang oras.

Nalalapit na rin ang pagtatapos.

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon