T'Sec'C 51: Code

178 16 2
                                    


Khryzzia's POV


4 words. 21 letters.

Seek. Play the code. Find me.

Anong ibig sabihin nito?

Saglit akong natigilan ng may naalala. Aligaga kong nilingon si Lovely at mahina siyang kinausap.

"Love..." bulong ko.

"Khryzzia..."

Lumapit pa ako sa kanya. "Dala mo ba 'yung pocket notebook mo kung saan mo isinulat ang mga letra?"

Gulat siyang napatitig sa akin.

"Oo. Sandali." Inabot niya sa akin ang notebook niya na nasa kanyang shoulder bag.

Binuklat ko ang notebook niya at tiningnan ang mga letrang naisulat niya doon.

E, T, H, A, G, L, O, E, F, R, O, A, R, C, S, I...

"Anong letra ang nakakaukit sa noo nila Jacob kagabi?" tanong ko.

"E. S. C." sagot niya.

Binilang ko ang lahat ng mga letra. 19 letters ito at 1 word lang dahil hindi pa naman buo.

May connect ba ito sa nakasulat sa billboard?

"Sigurado ka bang ito lang lahat?"

"Wala akong kinaligtaan, Khryzzia."

Napatalon ako nang biglang nagsigawan ang lahat. Nakatingin silang lahat sa billboard.

Nanginig ang buong katawan ko sa nakita. Nakaflash na doon ang mga letrang tinitingnan ko lang ngayon sa notebook ni Lovely! Parehong-pareho ang arrangement!

May konek nga ang mga letrang ito sa mga clues na nakaflash sa billboard!

Pero 21 letters ang clues. 19 letters lang ang nakuha namin ni Love.

Anong ibig sabihin nito?

"Ano ba 'yan! Nagpu-puzzle ba tayo rito?"

"Hindi ko maintindihan!"

"Ayoko na. Nakakakilabot na! Uuwi na ako!" hiyawan ng mga kaklase ko.

Napakasama na ng kutob ko rito.

"Sa tingin ko'y kailangan nating sagutin ang mga magulong letrang iyan. Nagsisimula na siya..." usal ko sa lahat.

Napatingin sila sa akin.

"Kung ganoon, anong ibig sabihin ng mga letra, Khryzzia? Maghuhulaan ba tayo rito? Nagsasayang lang tayo ng oras! Pinagloloko lang tayo ng animal na may gawa nito! Tinatawanan lang tayo nun ngayon! Pinagmumukha lang niya tayong tanga." sigaw ni Dave.

"Bakit? Hindi pa ba siya natatangahan sa atin sa lagay na ito? Mga letra pa lang ang clues niya pero nagrereklamo na tayo?" sabi ko.

Walang nakapagsalita.

"Hindi pa ba tayo nagmumukha tanga ngayon na naghihintay lang tayo rito at hindi kumikilos samantalang nagsisimula na siya? Wala tayong nagawa sa mga kaklase nating walang awang pinagpapaslang, pati na naman dito wala pa rin? Wala pa rin tayong kayang gawin? Pinaglalaruan tayo ng kriminal na iyon, bakit hindi natin siya sabayan? Bakit hindi rin tayo maglaro at nang malaman natin kung sino ba ang tanga at nagtatanga-tangahan." hindi na mapigilang usal ko.

Naasar ako! Nagsasayang na kami ng oras.

"Tama na 'yan, Khryzzia. Please. Pagpasensyahan mo na talaga si Dave." pigil sa akin ni Grace.

Hindi ako nagsalita. Ganoon din si Dave na iritadong nakatitig na sa billboard, ayaw akong tingnan. Bumuntong-hininga ako.

"Guys!" Napatingin kaming lahat kay Webbie nang bigla siyang sumigaw. Iyon ang bumasag sa namutawing sagutan. "May guess ako!"

"Ano?" tanong ni Leah.

"May hula kako ako." Tumingin si Webbie sa billboard. "May 'death' na word diyan sa mga letra, hindi ba? Kasi maraming pinatay. Kaunti na lang at mare-resolba na natin ito!"

Hindi pa man kami nakapagsalita ay bigla ng namatay ang mga ilaw. Naghiyawan sa takot ang lahat.

Hindi ako makakilos. Nanatili ako sa kinatatayuan, walang nakikita pero nakikiramdam.

Hindi pa ako nakaka-adjust sa dilim ay nabuhay muli ang mga ilaw. Pero...

"AAAAAAAAAAAAAAH!!"

Namutla kami sa malakas na tili ni Leah. Nagulat kaming lahat nang makitang umiiyak siya habang nakaturo sa nakabulagtang katawan ni Webbie!

Nangantal ang mga labi ko. Namatay lang ang ilaw pagkatapos niyang manghula, nakabulagta na siya agad. Fuck! What the hell is going on?

*TEEEEEEEET! TEEEEEEEET!*

What the hell?!!!

Namimilog ang mga mata ko nang tingnan ulit ang billboard.

Holy crap!

TIMEEEEEEEEEEER!

Anong ibig sabihin nito?!

"Yung billboard..." turo ni Dianne.

Shit! Iba na naman ang nakasulat!

Sacrifices is the only salvation.

Anong ibig nitong sabihin? Fuck!

"Damn it!"

Nagmura si Dave. Saglit akong napatingin sa kanya pero bumalik din agad ang titig sa billboard. Nangatog ang mga tuhod ko sa panibagong sulat.

The clock is near... He is running...

Abot-abot ang tahip ng kaba sa dibdib ko. Hindi na ako makapag-isip. Hindi na gumagana ang lahat sa akin.

Napapikit ako nang mariin at piniga nang sobra ang utak. Saka ako dali-daling nagmulat ng mga mata nang biglang may napagtanto.

Ayaw kong isipin. Ayokong gawing konklusyon ang mga naiisip ko. Ayoko.

Pero hindi rin ako pwedeng magkamali. Dahil mawawalan ng saysay ang timer kung mali itong naisip ko.

Hindi kaya...










Yung time na nakaindicate ay ang given time para masagutan namin ang scramble letters?

And it's only five fucking minutes.

Fuck it!

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon