T'Sec'C 6: Rest In Peace

437 32 0
                                    

Eliezer's POV


"Nagmamadali ka rin ba, Dianne?"tanong ko sa kanina pang tahimik na si Dianne.

"Hindi."sagot nya.

"Kung ganon, Bakit ka sumabay sa akin?" tanong ko uli.

Bigla niya akong nilingon. Hindi ko maipaliwanag ang mukha niya. Malamig. Seryoso. Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa kanya.

Fvck. Bakit ko nga ba ito nararamdaman?!

"May kelangan lang kasi akong tapusin, Eliezer. Gusto mong malaman?" sagot nya na mas lalong ikinatindig ng mga balahibo ko. Para bang nag-iba ang ihip ng hangin noong banggitin nya ang aking pangalan.

Anong tatapusin nya?

Hindi na ulit ako nagsalita pa at naglakad na lang. Pakiramdam ko kasi ay napipe na ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kay Dianne. Ano bang meron sa kanya?

"Ah... Pang-ilan ka pala sa ranking?" tanong ko nang di tumitingin sa kanya. Hindi ko sya kayang lingunin pero hindi ko rin maatim na manahimik na lang.

Nagtaka naman ako nang walang sumagot.

"Dianne?"

Wala pa rin. Para naman akong tanga sa kadadaldal dito eh!

Nilingon ko sya sa gilid ko.

"Pang-ilan ka sa rank---"

Magic! Wala na pala siya sa tabi ko. Kaya pala walang sumasagot! Ang bilis namang mawala nun!

Naglakad na lang ulit ako. Kaunti na lamang ang nakabukas na ilaw sa buong campus since gabi na rin naman. Kaya, nanaig pa rin ang kadiliman sa daan papuntang parking lot. Mas lalo lang ulit tuloy akong nakaramdam ng kakaiba.

Pagdating ko sa parking lot, hinanap ko agad ang kotse ko nang biglang....



"Hi."

"Oh shit!"

Napamura ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ng isang tao sa gilid ko.

Si Dianne! Tangina!

"Puta. Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko sa kanya.

Nakakagago ang biglaang pagsulpot nya!

"May tanong ako sa iyo, Eliezer." sabi nya na ikinakabog ng aking dibdib. Nakakakilabot pakinggan ang boses nya kapag binabanggit nya ang pangalan ko.

Napatingin ako sa hawak nya. Saka ko lang napansing may dala dala syang marker at...

Plywood??

"A-Ano yun?" tanong ko.

Matagal bago sya nakasagot kaya kinabahan na naman ako. May kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag kung ano.

"Kelan ang birthday mo?" tanong nya.

Napatigil ako at ilang sandali pa ay nagbuga ako ng hangin. Akala ko naman kung ano na!

"April 13, 19**. Bakit?" kalmado kong tanong.

Hindi nya ako sinagot. Nagsulat lamang sya sa plywood na hawak-hawak nya.

"Bakit mo naman naitanong, Dianne?" pag-uulit ko. Bigla niya akong nilingon na may nakakapangilabot na mukha.


"Oras mo na." Pagkasabi nya nun ay naglakad na sya papalayo sa akin.

Napatunganga ako. Anong oras ko na ang pinagsasabi nya?

Tangina. Wala na bang ika-we-weird ang babaeng 'yon?

Pumasok na lamang ako sa kotse at pinaharurot iyon papalabas ng school. Sobrang dilim sa daan nung nagmamaneho ako. Kaunti lamang ang nakabukas na ilaw sa paligid. Anong oras na ba?

10:08pm na pala.

*beep*

Nagulantang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone sa tabi. Sinubukan kong abutin pero hindi ko maabot. Pinilit kong abutin muli ito pero bigla akong napapreno nang may naaninag sa daan. Puta!

Padabog at iritado na lumabas ako ng kotse para silipin ang taong mukhang nasagasaan ko. Nakahinga naman ako ng maluwang nang makitang wala akong nasagasaan. Namamalikmata lang ba ako?

Pumihit muli ako upang kunin ang aking cellphone. Binasa ko yung text message.

From: 09**********

The game will be started. Get Ready.

Halos maihampas ko na sa kotse ko ang aking phone nang mabasa ang mensahe. Teka...'Yun yung parehong numero kanina ah! Pero paano iyon naulit? Walang ibang nakakaalam sa bagong numero ko dahil magpalit ako ng sim.

Wait...

Maliban na lang kay Izyle na hinihingi ang mga numbers namin kanina. Shit!

Hindi kaya pinagloloko ako nitong si Izyle?

Fuck. Hindi siya nakakatuwa!

Muli akong pumihit para makasakay sa sasakyan nang bigla akong napatalon sa isang nilalang na sumulpot sa harapan ko.

Isang tao na nakaputi ang bumungad sa akin. Nakayuko lang ito habang nakatapat sa panga nya ang flashlight nyang dala. Dahil dito ay hindi ko sya masyadong namukhaan.

Muli na naman akong napatalon nang makita ang kanyang hawak...








Yung plywood.



May nakasulat na doon sa plywood! Shit! Mukhang hindi na tama ang mga nangyayari!

Kinikilabutan kong binasa ang misteryosong sulat doon.





R.I.P

Name: Eliezer Ortega
Date of Birth: April 13, 19**
Date of Death: January **, 2017

Rest in peace..


Kumalabog nang sobrang lakas ang aking dibdib. Nagwawala ang sistema ko sa loob dahil sa sobrang pangingilabot. Ngayon ang araw na iyon. Para syang lapida ko!

Ano ang ibig sabihin nito?

"Oras mo na." Nanlaki ang mga mata ko.

Yung boses nya.... Kilalang-kilala ko ang boses na iyon.

Bigla syang may inilabas na isang malaking tubo. Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng sobrang sakit sa aking ulo. Pinaghahampas nya ako nang paulit-ulit gamit yung malaking tubo na hawak nya. Wala akong magawa dahil sobrang nanghihina ako.

Nanigas ako.... Hindi ako makagalaw.. Namanhid ang buo kong katawan.

Ang sakit! Sobrang sakit. Di ko na ito kakayanin!

Bago pa man ako nawalan nang malay ay isang bagay na lamang ang huli kong nakita.



May isa pang bagay ang nakasulat sa likod ng plywood na iyon...


What is in the middle of the sea that found in success?

Letter 'E' ang sagot sa tanong na iyon.

Ang unang letra ng pangalan ko.


Then, everything's went black.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon