T'Sec'C 30: Letters

292 26 3
                                    


Khryzzia's POV

Nandito kaming lahat ngayon sa computer laboratory dahil mula sa araw na ito hanggang sa katapusan ng buwan ay writing schedule na namin for our new books.

It's been 3 days noong sunod-sunod ang nangyaring patayan sa amin. Nakakabahala pero sinusubukan naming huwag isipin. Hindi na namin maibalik pa sa dati ang lahat.

"Wala ba ni isang parent ng namayapa nating classmate ang pumunta dito para iconfirm ang nangyari sa kanilang mga anak?" narinig kong sabi ni Rose na nasa katabing cubicle ko lang ng ComLab.

"Iyon na nga ang labis na ikinataka ko. Wala man lang ni isang magulang ang pumunta dito para magwala o kung ano pa." sagot ni Beatxy.

"Baka naman hindi nila alam?" tanong ni Justine.

"Impossible iyon. Pinatay ang kanilang mga anak tapos pinagtatadtad pa. Hindi naman pwedeng hindi nila iyon malaman. Nakakabahala kaya iyon!" sagot ni Ejay.

"Karamihan kasi sa parents ng mga classmates natin ay abala sa ibang bansa dahil sa work. Kaya marahil ay may parents din na walang kaalam-alam sa mga nangyayari." sabi ni Khyla.

"Kung ako nga siguro ang mga magulang ng mga namatay nating classmates, mag-e eskandalo ako dito!" wika ni Charity.

Isa rin iyan sa mga ipinagtataka ko. Wala ni isang magulang ang sumugod sa amin. Pero naisip ko rin na mas mabuti na siguro iyon para hindi na magiging ganun ka komplikado pa ang lahat.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan."

Sabay-sabay kaming lahat na nagkukwentuhan sa lalaking nagsalita..

"Ben..." maikling sambit ni Meamor.

"Pinagbantaan sila o may nagharang sa impormasyon. Alin man diyan, mabuti na ring hindi malaman nino man ang nangyari." sabi niya at dali-daling tumalikod sa amin.

Napatunganga kami. Sumabog ang napakaramingkatanungan sa aking isipan. Possible nga kaya? Pero bakit pati mga magulang namin ay pinapakialaman at pinagbabantaan din ng killer?

Paano din nasabi ni Ben ang mga bagay na iyon? Possible nga bang... may alam siya?

"Reminder guys that you can start writing anytime basta ba't within 1 month ay makatapos na kayo ng inyong libro. I will leave you here for a while. May aasikasuhin pa ako." Sabi ni Ma'am Theresa, isa sa mga incharge ng computer lab. Social Science teacher din namin siya.

Umupo na lamang ako sa aking personal chair.

"Shit!"

Kaagad na naagaw ang aking atensyon sa isang malutong na murang nagmumula sa aking tabi. Nakita ko si Love na nakasubsob ang mukha sa monitor ng computer. Palya at pagod.

Tinapik ko ang kanyang balikat. "Oy! Okay ka lang ba? "May problema ka ba?"

Nasapo niya ang kanyang noo. "Meron."

"Ano?"

"'Wag na... isipin mo pang nababaliw na ako." sagot niya at bahagyang umiling.

"Lovely naman, para namang hindi mo ako kilala! Ano ba kasi iyon? Baka makatulong ako." pagpupumilit ko.

Bigla siyang may nilukot na papel. Kinuha ko agad iyon sa kamay niya nang akma niya itong ihahagis sa basurahan. Nagulat siya sa ginawa ko. Binasa ko agad ang nakasulat doon.

Ikinalaki ng mga mata ko. Panandalian akong napatunganga. Kung hindi pa niya inagaw sa kamay ko ang papel ay hindi pa ako babalik sa aking ulirat.

"Arrgh! Matalino ka sana pero ang kulit mo naman. Sinabi ko na kasi sayong huwag mo nang tingnan eh! Tss!" iritado niyang sambit.

Nilingon ko siya at hinarap ng may mapupungay na mga mata. "Napansin mo rin pala iyon?" Tanong ko.

Akala ko ay ako lang ang napansin! Siya rin pala! May karamay na ako!

"Ang alin?"

"Yung mga letra..."

Bahagya siyang natigilan at bumuntong-hininga. "Oo. Matagal ko ng napapansin iyon, Khryzzia.."

"Akala ko, ako lang ang nakapansin, Love. Akala ko, wala ni isa sa kaklase natin ang nakapansin sa mga letrang nasa noo ng mga namayapa nating classmates. Napansin mo rin pala! Ghad, ano nga ulit 'yung nabuo mong letra sa papel?" tanong ko.

Muli niyang tiningnan ang kanyang papel saka humarap sa akin. "E, T, H. A, G, L, O, E, F, R." sagot niya.

"Pangalan kaya 'yan ng killer?" tanong ko.

"I don't know, Khryzzia."

"Marahil ay nakita din 'yan ng mga kaklase natin. Napapansin na iyan. Ayaw lang nilang isipin dahil lalo nilang ikakabaliw. Pero kung lahat tayo hindi iisipin ito, hindi matitigil ang lahat. Mauubos tayong walang kalaban-laban." sagot ko.

Hindi siya nakaimik. Bumuntong-hininga ako at tinapik siya.

Mabilis na lumipas ang oras. Lunch break na at nagsitungo muna kami sa classroom para mag-ayos.

Nagkwentuhan pa kami habang patungo sa silid. And as we open the entrance door of our classroom ay halos lahat kami ay nasilaw sa isang pangyayaring bumungad sa amin.

"Ano 'to? Bakit ang daming patak ng dugo?!"

"Fuck! Nakakadiri!"

"Kanino na naman bang dugo ito?"

"Sino ang nawala?"

Puro mga sigawan namin ang umaalingaw-ngaw sa buong silid. Pinagmamasdan namin ang direksyon ng mga patak ng dugong nakatuldok sa floor.

Nasa banyo ng aming silid nagtatapos ang dugo sa sahig. Ibig sabihin, maaaring nasa loob ng C.R ang nagmamay-ari ng dugong ito.

Ngunit, sino ang taong nasa banyo?

"Ako na ang magbubukas." pagvo-volunteer ng kaklase kong si Jacob nang aktong hahawakan ko na 'yung door knob ng C.R.

Tumango ako at gumilid upang mabigyan siya ng espasyo. Abot-abot ang kaba sa aking dibdib at nasisiguro kong may masamang nangyari talaga.

Dahang-dahan pinihit ni Jacob ang door knob. Lahat kami ay walang ginawa kundi ang pagmasdan siya. Hindi na na muna niya ito tuluyang binuksan. Pinasadahan niya muna kami ng tingin bago tuluyang itinulak ang pinto.

Napasinghap kaming lahat sa bumungad sa amin. Parang napapaso ang aking mata sa nakita.

Shit! Bakit siya nasa loob ng banyo?

"Dianne?" sambit ko.

Bigla akong kinilabutan nang makitang punong-puno ng preskong dugo ang katawan niya. Sa kanyang mga kamay, hita at may talsik pa ng dugo sa kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo diyan, Dianne? Anong nangyari sa'yo?" narinig kong tanong ni Khyla.

Hindi siya umimik. Hanggang sa nagulantang na lamang kami nung bigla siyang tumayo at tumakbo ng mabilis papalabas ng room. Pumapatak 'yung dugo sa floor na nasa katawan niya. Hindi ko matukoy kung may sugat ba siya o ano pero...





May nakita akong isang bagay na hawak-hawak niya. Hindi nga lang ako sigurado kung ano ito kasi nga maraming dugo ang kamay niya.

Pero... Nakita ko...

Nakita kong kumikintab ang bagay na iyon...

At bakit, Dianne? Bakit ka duguan? Bakit nasa loob ka ng banyo? Ano 'yong hawak-hawak mo?

"OH MY GHAD!"

Nalipat ang atensyon naming lahat sa loob ng banyo nung biglang sumigaw si Ana. Nakatingin siya sa likod ng C.R door at napatakip sa kanyang mukha.

Napasilip din kami doon.

Bahagya akong napapikit pagkatapos kung makita ang nandoon. Kinagat ko ang aking labi at kahit gaano ko pa ipagdiinan ang mga ngipin ko doon ay hindi pa rin maibsan ang abot-abot na kaba sa aking dibdib.

Bigla kong naalala ang paglabas ni Dianne mula sa banyong ito.

Siya ba ang may gawa ng lahat nito at ang taong kailangan naming paratangan sa lahat?

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon