T'Sec'C 36: Abused

313 21 2
                                    


Julius's POV

"Dito na lang kami, bakla! Ingat ka sa daan, ah!" pagpapaalam ni Grace  nang makarating kami sa street kung saan ay maghihiwalay na kami.

Ngumiti ako sa kanila. "Babosh, mga bb gurls!"

"Ingat, ah? Baka may gagahasa sa'yo diyan! Dilikado na't baka mapasahan pa ng virus 'yung gumahasa!" biro ni Leah.

"Ah, parang hindi rin virus, ah? Mukha ka pang marumi sa akin!" sigaw ko pabalik.

"Lokarita kang bakla ka! Seryoso, mag-ingat ka! Gabi na sa daan! Ikaw lang ang mahihiwalay ng daan sa amin!" usal naman ni Khyla.

Natawa ako. "Ingat rin kayo mga, tae! Baka makasalubong niyo ang ulo ni Sugar, ah?" biro ko.

Ang ganda ko, e, ano?

Sinugod agad ako ni Grace. "Siraulo kang bakla ka! Iyang bibig mo! Nananakot pa! Bahala ka diyan! Basta, aalis na kami!"

"Bye, Julia!" sabi nilang tatlo habang kinakawayan ako. Kinawayan ko rin sila na parang pang-Miss Universe.

"Bye! Ingat kayo, ah..." humina ang boses ko.

Nang makalayo sila ay naglakad na ako mag-isa sa daan. Sa totoo lang ayoko pang umuwi sa bahay. Hindi pa man ako namatay ay impyerno na ang uuwian ko. Kung may matutuluyan lang sana akong iba, hindi na ako magtitiis pa sa bahay namin.

Kabado ako habang nilalapag ko ang bag ko sa sofa pagkarating sa bahay. Nakita ko si Papa na nagbabasa ng magazine. When I was about to bow down to him, bigla niyang itinampal sa mukha ko ang magazine na hawak niya. Ang sakit sa mukha.

"Bakit ngayon ka lang? Gawain ba ng isang feeling babae ang umuwi ng gabi?" sabi niya.

Nanlilisik ang kanyang mga mata kaya't alam kong napakadelikado niya ngayon. Galit na galit siya sa akin.

"Hindi naman po ako masyadong ginabi, Pa. Mag aalas syete pa lang po."

Napaurong ako nang pakawalan niya sa aking mukha kanyang kamao. Muntik na akong matumba. Sobrang sakit niyon. Pakiramdam ko nandilim agad ang paningin ko.

"Sinasagot-sagot mo na ako?! Ganyan na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo?" sigaw niya.

"Sorry pa. Naglakad lang po kasi ako pauwi dahil nakisabay po ako sa mga kaibigan ko—"

"Sa madaling salita, lumalandi ka na namang potang-ina ka! Ang daming trabaho dito sa bahay!"

Sinapak niya ako sa pisngi dahilan ng pagtalsik ko sa sahig. Gusto kong maiyak pero hangga't kaya kong pigilan ang luha ko, pipigilan ko. Magtitiis ako.

"Sumabay lang po ako sa kanila pa. Hindi po talaga ako lumalandi."

"Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na hindi ka pwedeng umuwi ng gabi?! Nakalimutan mo na bang bobo ka?! Na ikaw ang pinakabobo sa section nyo?! Nakalimutan mo na bang iyon ang pinakaayaw ko sa lahat?! Wala akong anak na bobo! Sus, Julius! Kung natuloy 'yung eviction niyo, tatalon ako sa tuwa kapag nailipat ka sa lower section! Di ka nararapat sa section ng Writers Club! Nakakahiya ka roon! Nakakahiya ka!" sabi niya.

Matagal ko ng alam 'yun, Papa.

"Imbis na gumagala-gala ka sa gabi, bakit hindi ka magpakabaliw sa pag-aaral? Tangina mong bakla ka! Naiirita ako sa pagmumukha mo! Ang sarap mong patayin!" Sinapak niya ulit ako.

Kumawala ang luha sa aking mata. Naintindihan ko kung ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa bobo. Ayaw niya sa buong pagkatao ko. Pero, sana 'wag namang ganito. Nahihirapan na nga akong i-ahon ang sarili ko. Nahihirapan na akong patunayan ang lahat. Dinudurog ang puso ko sa mga sumbat niya.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon