T'Sec'C 48: Birthday

210 16 0
                                    


Leah's POV

Kakapasok ko pa lang sa gate ng school ay mga bulong-bulungan na naman ng mga estudyante ang sumalubong sa akin.

Naitirik ko ang aking mga mata sa iritasyon. Na naman? Kailan pa ba sila magsasawa? Nakakayaman ba ng bulsa ang sobrang dada?

Panay ang pagtirik ng mga mata ko sa mga estudyanteng pinagtitinginan ako.

Nakita ko sina Izyle, Justine at Rose na papalabas ng cafeteria. Binati naman nila ako nang makitang sumabay ako sa kanila. Binati ko rin sila.

Pagdating namin sa classroom ay nadatnan naming nakagilid ang lahat ng mga upuan at presenteng nakaupo sa sahig ang mga kaklase namin. Seryosong-seryoso sila sa pakikinig kay Junel na may dalang kulay pulang Bible sa harap.

Mukhang nagbi-bible study sila...

"Salamat sa mga salita ng Diyos. Ngayon ay may pag-asa na kaming maayos natin itong lahat. " si Charity.

"AMEN!" they said in chorus.

Mukhang tapos na rin sila. Tss. Hindi man lang ako nakasali. At talaga? Si Junel ang namuno sa bible study? Halos hindi ako makapaniwala.

"Excuse me. Nandito na ba ang lahat?" sabat ni Izyle sa harap. Napatingin ang lahat sa kanya.

"Saan kayo galing? Why are you late?" maarteng tanong ni Webbie sabay irap.

"Sa caf lang. Wag na kayong tatayo. May pag-uusapan tayo." sabi ni Justine.

Naghanap na ako ng mauupuan. Doon ko lang nakitang kaunti na lang talaga kami. Nakakalungkot lang isipin.

"Ano bang pag-uusapan natin, Izyle?" panimulang tanong ni Jacob.

"Mm. Hindi naman gaanong kaimportante pero kailangan lahat ng cooperation ninyo." sagot ni Izyle.

Nasa harap siya kasama sina Junel, Dave, Justine, Rose, Izyle at Raz.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Krza.

"Birthday ni Izyle next week. Semestral break din natin iyon, sa pagkakatanda ko."

Napatingin kami sa gawi ng harapan nang sumagot si Junel. Maging si Izyle ay napatitig sa kanya.

"Ano naman kung birthday mo, Izyle?" tanong ko.

"Iniimbintahan ko kayong lahat next week. First day ng sembreak ang birthday ko. Dito ko sa school gaganapin ang simpleng handaan. Three days tayong manatili dito. Aayusin pa namin ang pwede nating matulugan pero hindi naman malaking problema iyon. All you need to do is to pack your things, kahit kaunti lang. And your presence. I just want to celebrate my birthday together with you. Kahit nakakalungkot na kaunti na lang tayo ay gusto ko pa ring ipagdiwang iyon kasama kayo. Ako na ang bahala sa lahat, since wala namang pasok sa semestral break ay tayo-tayo lang ang nandito sa school. Kakausapin ko rin si Ma'am Floressa at ang principal ukol dito. Kaya sana, sana nandoon kayo. Sana makakasipot kayo sa birthday ko. Iyong walang kulang. Imbitado kayong lahat. Iyon lang talaga ang hinihiling ko..." emosyonal niyang pakiusap sa amin.

Hinawakan naman siya nang maigi ni Raz, inalalayan.

"Hindi naman iyan matatangihan, Izyle! Ano ka ba? Kainan na iyan, sinong makakatanggi?" sabi ni Byra.

"Sana nga, By. Pumunta kayong lahat." sagot ni Dave.

"Teka lang teh, ha? Bakit kailangang dito dausin? Pwede namang isa sa resthouse ng mga kaklase natin?" giit ni Jessmar.

"Oo nga naman, Izyle. Magpapatawag ako sa tauhan sa resthouse namin kung sakaling doon tayo. Available naman ang resthouse namin." suhesyon ni Ejay.

Yaman 'pre, ah?

The Section's Code (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon