Lovely's POVAfter few weeks...
"Ano ka ba? Ako na sabi ang magtatali!" malakas na sigaw ko.
"Ako na! Hindi ka naman marunong! Makukunot mo lang!" sagot nitong lintek na kaaway ko.
"Ako ang nagsabi na magtatali. Bakit ka ba nakiki-epal?"
"So what?! Ako naman ang mas magandang magtali!"
"Gumanda lang naman ang tali mo dahil sa mga hairclip! Ang cheap pa ng mga hairclips!" inis usal ko.
"Anong cheap? Mas cheap pa pagkatao mo kaysa sa mga hairpins ko!"
"Infairness naman sa'yo na kahit punong-puno na ng hairclip ang buhok na tinatali mo, hindi pa rin gumaganda!"
Hulaan niyo kung sinong kaaway ko.
"Di ba talaga kayo titigil dalawa diyan?" nakataas-kilay na sigaw sa amin ni Ana, nakahawak na buhok dahil kanina pa namin pinag-aagawan ni Jessmar.
Itinuro ko si Jessmar. "Badtrip kasi 'tong baklang 'to! Sabi ko sa'yo ako ang matatali ng buhok mo, diba? Bakit siya nakikitali?"
"Sister, you know naman, diba? Maganda is me so maganda rin ako magtalo. Dapat ako ang pinapatali mo sa buhok mo at hindi siya. Hindi naman marunong magtali ang isang 'yan!" si Jessmar.
Hinigit ko agad ang braso ni Ana at kumapit ako doon.
"Marunong ako! Halika na nga, Ana! Doon na lang tayo sa labas."
Pero lintek nga namang mahaba ang braso ng baklang 'to at nahigit pa ulit si Ana.
Grr. Nakakainis!
"Let me make you very pretty, sis. Swear, hindi ka magsisisi!" nakangiting aniya.
"No! Over siyang magtali ng buhok! Gusto mo ng simple, diba? Pagagandahin lalo kita!"
"Sa sobrang simple ay parang hindi ka tinalian, Ana. Come on, gurl. Ako na. Kaya natin 'yan!"
"Ano ba? Namumuro ka na sa aking bakla ka ah?" nameywang ako sa kanya.
"Ako na. Ako na ang magtatali sa buhok ko at baka magpatayan pa kayong dalawa!" sigaw ni Ana at kaagad na pumanhik sa kanyang kwarto.
Nilingon ko agad si Jessmar at sinamaan siya ng tingin. Inirapan lang niya ako. Tss. Bakit ba kami nag-aaway dalawa?
"Ready na ba kayo?"
Napalingon ako sa bumaba. Ngumiti ako nang makita si Angelo.
"Nasaan si Ana?Magsisimula na ang mesa." sabi pa ng kabababa lang din na si Ejay. Aligaga pa itong nag-aayos ng polo't relo niya.
"Nagtatali pa ng buhok."
Kumunot naman ang noo niya. "Bakit? Hindi ba kayo ang nagtali kanina?"
"Intrimitida kasi ang isa diyan, e!" pagpaparinig sa akin ni Jessmar.
"Ikaw kaya 'yon! Ako ang nakauna, nag-eepal ka pa!"
Natawa si Angelo at nilapitan ako. Hinagod niya ako ng tingin at inayos ang buhok sa likod ng aking tenga.
"Ganda naman. Pakiss." biro niya. Tumawa ako.
Tiningnan kami ni Jessmar nang may pandidiri sa mga mata. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan naman niya agad ako.
Nang makababa si Ana mula sa kwarto ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa simbahan. Habang nakikinig sa sermon ng pari ay hindi ko na naman maiwasang isipin ang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...