Lovely's POV"E, T, H, A, G, L, A, O, E, F, R, O, A,"
Kanina pa ako nababaliw sa kaiisip kung ano nga ba ang meron sa mga letrang iyan.
Letrang 'A' ang nasa noo ni Khyla noong nakaraang buwan. Sa kabutihang palad ay siya pa naman ang namatay sa aming mga kaklase nitong nakaraan.
Magdadalawang buwan na nga pala magmula noong nawala si Sir Jim. Halos lahat kami, sobrang nagdadalamhati sa kanyang pagkamatay. Umasa kami sa kanya pero maging pati siya ay iniwan din kami.
Akala namin, unti-unti na naming magagawan ng hakbang ang lahat hanggang sa matapos namin ito pero napagtanto kung hindi pa pala. Dahil kung tutuosin, hindi pa kami nagsisimula. Tama nga talaga sila, ang sakit umasa.
Kailan pa ba ulit namin maranasan ang katahimikan?
"Lovely! Alam mo na ba ang balita?" bungad sa akin nina Cyril at Charise na nagpatalon-talon pa sa harap ko.
Nandito kami ngayon sa exclusive bookstore. Kasalukuyan kaming may book signing event ngayon pero ito na yata ang panghuling book signing namin. Hindi pa sinabi sa amin ang panibagong overall ranking this writing schedule kaya hindi pa kami nagsimula sa signing. Pero nainterview na naman na kaming mga nakuha sa Top15 noong book publication at masaya ako dahil napabilang ako sa interview. Ibig sabihin, nasa ranking pa rin ako. Hindi pa nga lang sinabi talaga ang specific rank namin.
Nandito rin ang lahat ng mga classmates ko dahil may bisita kaming darating. Gusto kasi kaming imeet lahat ng isang sikat na manunulat. Hindi nga lang sinabi sa amin kung sino ang sikat na manunulat na iyon.
"Ang ano?" tanong ko sa kanila.
Inirapan nila ako. "Duh! Hindi mo alam? Pupunta raw dito ang isang sikat na manunulat para din sa book signing niya. Siya na raw mismo ang magsasabi sa ranking natin." sabi ni Cyril.
Hindi ko alam na yung bisita pala namin ang mag-aanounce sa ranking namin at dito rin pala siya magbobook signing sa kanyang libro. Ang alam ko lang ay bibisitahin kami nito.
"Talaga? Siya ang magsasabi?" Namilog ang mga mata ko.
"Yes te! Excited na talaga akong mameet siya." excited na sabi ni Charise.
Maya-maya pa'y biglang nagsigawan at nagkagulo sa labas ng bookstore. Nagkukumpulan ang napakaraming tao sa labas at naghihiyawan. Kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto nito at ang pagluwal ng isang napakagandang dalaga.
At gusto ko na yatang mahimatay nang makita ko ito. Oh shit! Kilala ko siya!
"Ate Lealin!"
"Oh my god! Ang ganda-ganda niyo po pala sa personal, Ate!"
"Pasign po kami, Ate!"
"Papicture po!"
Nagkagulo na ang mga classmates ko at pati na rin yung mga tao sa labas.
Nalaglag ang panga ko. Shit. I can't believe it! Hindi ako makapaniwalang nakikita ko na siya sa personal.
Si Ate L, o mas kilalang Ate Lealin ay ang bisita namin ngayon! One of the great Writer in the country.
Anak siya ng principal namin, si Sir Wilson Gil. Ang natatanging babae na naging inspiration ko sa pagsusulat!
She's famous because of her—oh so nice and unique style of books. Idol na idol ko siya noon pa man dahil maliban sa tinatangkilik ng halos lahat ang kanyang mga libro ay sobrang nakakaiyak pa mga ito. Just by reading her books, the comfort is very real. Kahit sakit. Kahit punong-puno ng problema. Lahat kasi ng libro niya ay all about sacrifices. Hindi mo maiwasang magbuhos ng luha kung binabasa mo ito. I can feel many emotions at iyon ang nagpasikat sa kanya.
Ngumiti ako. Ang ganda-ganda niya sa personal!
"Hello, section WC! I am very glad to finally see your handsome and pretty faces right now. I'm Lealin Mari Gil and I will be the one to announce your section's ranking. It's a big honor to be here in front of you. Are you ready?" nakangiti niyang sabi sa amin.
Napakaganda talaga! Nakakahawa ang simpleng pagngiti niya!
"Ate L..." narinig kong bulong ni Julius na nasa tabi ko lang pala. Para siyang nasasabik na yakapin ito.
"Let me say this, sino ang nagsulat ng librong 'The Anonymous'?" tanong ni Ate sa aming lahat.
Nagtaas ng kamay si Rupert na ikinalaki ng mga mata naming lahat. What the hell!
"Yes. The rank 1! DONN RUPERT MEDIDAS! Congratulations!" sabi ni Ate.
Lumapit si Rupert at magiliw niyang kinuha ang kanyang librong 'The Anonymous'.
Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Maski ako ay hindi nakapagsalita sa nangyari.
Okay, nakita kong kasama namin sa book publishing si Rupert pero hindi ko inakalang nasa Rank 1 siya! Seriously? Paano niya nakuha ng ganun kadali ang Top1 gayong minsan na siyang naging pabaya? Pero sino nga ba ako para manghusga? Lahat naman ay kayang-kaya maging Top 1.
"Sino ang may akda ng librong 'The Evidence'?" muling tanong ni Ate.
Muli na naman kaming nagulat ng magtaas ng kamay si Cyril. Masama bang sabihin na hindi ako makapaniwala? Isa siya sa pinakatamad magsulat sa amin. Nahuhuli pa minsan sa submission. Seryoso? Bumawi talaga siya?
"Yes. Congratulations to our Rank 2, CYRIL TAGLINAO!"
Nanaig ang bulong-bulungan sa paligid. May ibang hindi makapaniwala ngunit may iba namang pinupuri siya.
"The Author of this book entitled 'Power Sense' will be the Rank 3. And guess who?" muling tanong ni Ate.
Tumayo si Paul, ang pangalawa sa pinakabasagulero sa aming classroom. Una kasi si Eliezer. Kinuha niya ang pocket book at ngumiti sa amin.
"Congratulations, JOHN PAUL BALDOZA! You are the Rank 3!"
Napanganga ang halos lahat sa amin. Actually, ako rin. I'm expecting na si Khryzzia ang first or second pero nag-iba nang sobra ang rank ngayon! Paano nila naabot ang pinakainaasam-asam namin na ranks gayong wala naman sila noong previous rank? Masyado ba kaming abala na hindi namin napansin ang ginagawa nilang pagsisikap?
Grabe! They improved! Hindi ko aakalaing masyadong naboost ang kaya nila sa pagsusulat!
"Job well done, guys!" bati ko sa tatlo.
Ngumiti sa amin si Ate L na muntik ng ikatunaw ng puso ko. Shit! Ang ganda niya talaga. Walang kupas!
"And here are the left ranks..."
Sinabi ni Ate L ang natitirang ranks. Rank 4 si Khryzzia, sunod si Izyle, tapos ako, si Junel at tapos si Ana. Rank 11 si Dianne. Wala ang dalawang bakla.
Pagkatapos noon ay nakipagshake hands kami sa kanya. Halos mangisay na nga talaga ako sa saya at gustong-gusto ko na siyang yakapin.
Sabay-sabay na kaming nag-sign sa mga taong matiyagang pumipila sa labas. Sobrang nakakatuwa kasi pinupuri kami ng mga taong tumatangkilik at patuloy na tumatangkilik sa mga libro namin.
Sayang nga lang, ito na yata ang panghuling book signing namin.
Yung rank namin sa publication ng libro ay ang magsisilbi ring rank namin sa honor list this grading period. Binase ang rank sa mga huling huhusga ng mga libro namin which is ang publisher ng aming school.
Pagkatapos ng book signing namin ay nagstay muna kami kasama si Ate Lealin na walang sawa kaming pinapabaunan ng mga payo tungkol sa pagsusulat. Nakakapagpabook sign din ako sa kanya at sobrang saya sa pakiramdam! Collection ko rin kasi ang kanyang mga libro at lahat ng libro niya ay meron ako. Ang bait-bait pa niya sa amin. Nakakainlove talaga si Miss L!
Gabi na noong nakauwi kami pero sulit naman dahil mas naging napalapit sa amin si Ate L!
The great writer of all season. She's the best!
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystère / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...