Lovely's POV
"We were glad to meet you fellow writers! Thankyou for participating for this book publishing meeting and for submitting your individual manuscript to our company. We're glad to work those. Mamadaliin agad namin ang publication ng mga libro nyo as soon as possible para mas mapadali rin ang book signing ng iba pang isasalibro. Kakakausapin na lang namin ang aming sales department tungkol sa magiging selling rates ng mga books nyo. We will inform you na lang after." sabi sa amin ng isa sa mga publication staff. Magiliw na ningitian namin sila at kinamayan.
"Thankyou din po, Sir. We were very honored to spend time with you too." bati ni Khyla, classmate ko.
"Thankyou very much, Sir." bati ng iba ko pang classmates.
Maya-maya pa'y nagsilabasan na ang mga staffs ng PrintStar and Co. Naiwan kaming mga nasa Rank15 para ayusin muna ang library.
Ginabi kami sa meeting kasi marami kaming pinag-uusapan at kelangan i-fix. Nakakapagod man pero maganda naman ang kinalabasan ng pagtitipon. Ang ganda sa pakiramdam!
Napatingin ako sa watch ko. 8:56pm na pala. Kanina pa kami dito sa library. Mga 3pm yata until now. Tumingin ako sa itaas ng shelves. Kinuha ko ang isang book doon nang mapansin kong may humawak din sa libro na yun. Tiningnan ko agad ang taong humawak sa book.
Si Ana. Ulit!
"Ako ang nauna! Akin na!" sabi nya sabay hila nung book. Napakunot ang noo ko.
"Ako ang unang nakahawak! Wag kang mang-agaw!"
Hindi rin ako nagpatalo, hinila ko rin yung book.
"Mukha mo! Akin na sabi!"
"Ako nga ang unang nakakuha! Ang kapal naman ng mukha mo!"
"Wow. Ayos ka ah! Ako ang unang nakakita!"
"Ako ang unang nakahawak!"
"Ako ang nauna!"
"Ako kaya!"
"Sabi nang ako eh!"
"Ano ba! Sa akin na nga to sabi eh!"
"Manahimik ka! Akin to!" sigaw nya.
*Black-out*
Napahinto kami sa pagsisigawan nang biglang nawalan ng ilaw ang buong silid.
"AAAAAAAAAAAHH!"
"Shit! Ang dilim!"
"GUYS? NASAAN KAYO?!"
Nagsisigawan ang mga classmates ko sa loob. Ramdam ko ang takot at pagkataranta. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pagkakahawak ni Ana sa mga kamay ko.
Nakahinga ng malalim ang mga classmates ko nang bumukas ang mga ilaw. Kamuntik na talaga akong kabahan doon. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may mapansin ako. Shit!
"WAAAAAAAAAAHHHHH!!"
Muli silang napasigaw habang tinuturo si Khyla. Humigpit ang pagkakahawak ko sa librong nakuha ko dahil sa nasaksihan!
Shit!
Si Khyla.
"KHYLAAAAAAAAAA!"
"OH MY GOD!"
"NAKAKAKILABOT!"
Nagkagulo ang lahat. Pati ako ay nakaramdam na rin ng takot. Napamura na lang ako.
"Bakit? Anong meron?" malakas na tanong ni Khyla.
Nagkatinginan kami at halos sabay na nanginig ang mga girls. Matagal bago kami nakasagot sa kanyang tanong.
"Khyla...
MAY IPIS SA LIKOD MOO!"
"WAAAAAAAHHHHHH!"
"HAHAHAHAHA!"
Nagsitakbuhan at nagsitawanan kami sa buong library. Pinapagalitan pa nga kami ng mga librarians dahil sobrang napakagulo naming tingnan pero dahil sa mababait kami, hindi kami nakinig. Of course! Iniiwasan namin yung ipis sa likod ni Khyla. Nakakatakot kaya 'yon!
"Waaaaah! Kunin niyo sa likod ko yung ipis, please!" nagpatalon-talon na sigaw ni Khyla.
Imbis na tulungan siya'y mas lalong natawa ang lahat.
"Sisihin mo si Izyle, Khyla!"
"Siya ang nag-off sa ilaw para ilagay ang ipis sa likod mo!"
"Si Izyle yun! Si Izyle!" sigawan nila.
Nagtawanan na naman kaming lahat. Tawa lang din ng tawa si Izyle na nakahawak pa sa kanyang tiyan. Halatang sumasakit na iyon sa katatawa niya. Para kaming baliw na nagtatawanan sa loob ng library. Nakakatuwa talaga 'tong mga classmates ko!
Ang kukulit!
Maya-maya pa'y nagpaalam na ang iba sa mga kaklase ko. Konti na lang kami na naiwan sa library.
"Mauna na ako sa inyo. May kelangan pa kasi akong puntahan." pagpapaalam ni Eliezer sa amin. Siya ang nangunguna sa ranking kung di nyo naalala.
"Ako rin." seryoso at malamig na sabi ni Dianne.
Natigilan ako.
"Okay sige, ingat kayo sa daan!" pagpapaalam ni Izyle.
Lumabas na yung dalawa sa library. Sinundan ko sila ng tingin habang papalabas sila sa pintuan.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan sa kanilang dalawa. Lalo na kay Dianne.
'Sana naman ay mali itong kutob ko sa kanila...'
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...