T'Sec'C 13: Outreach

366 26 2
                                    

Lovely's POV.

"Marami pa raw na mga kagamitan ang hindi napack!" pasigaw na sabi ni Justine, isa sa kaibigang babae ni Izyle na syempre ay kaklase din namin.

"Talaga? Sino ang gustong magvolunteer diyan?" sabi ni Dave.

"Tutulong ako!" protesta ni Grace.

"Ako rin!" sabi ni Elgane.

"Kasali ako!" sabi ni Arlyn.

"Tutulong din ako!" sabi ni Myme.

"Good. Bumalik kayo sa basement. Nandoon ang mga kagamitang kailangan pang ipacking. Lahat ng boys! Buhatin nyo ang lahat ng mga boxes na napacking na. Move." utos ni Dave.

Isang linggo na ang nakalipas. Isang linggo na rin na nanatiling lihim sa buong students ng school ang nangyari kay Sugar. Nakakagulat at nakakatakot... Pero, wala kaming magawa kundi tanggapin ang katotohanan.

At si Eliezer, patuloy pa rin siyang hinahanap. Wala na kaming balita sa kanya. Hindi na rin siya pumapasok.

Nasa labas kami ng school ngayon. Specifically, sa hall kung saan gaganapin ang outreach program for the less fortunate childrens. Dala-dala ng mga boys yung maraming boxes para sa mga bata. Mga foods, things, at mga school supplies ang laman doon. Sinalubong ko sila para matulungan.

"Akin na 'yung ibang boxes." sabi ko.

"Kami na. Masyadong mabigat ang mga boxes." sagot ni Angelo.

"Bakit naman mabigat iyan? School supplies lang naman ang marami dyan." sabi ko.

"May ibang kagamitan din kasi ang nakapacking dito. Kaya siguro mabigat.. " sagot ni Ejay.

"Ahh. Okay. Tapos na ba magpacking sina Grace?"

"Oo." sagot ni Raz. Napatitig ako sa kanya. Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Psh.

"Nasaan na 'yung mga kasama mo sa pagpapacking, Grace? Nasaan na sila Elgane?" tanong ni Prime kay Grace na kararating lang. Hawak-hawak ni Grace ang listahan sa lahat ng mga expenses namin. Siya na ngayon ang new elected treasurer namin since wala na si Sugar.

"Nahuli sila. Ang kukupad eh!" Napaismid si Grace, parang galit.

Bumalik kami sa stage para ayusin ang lahat. Ilang sandali pa ay naayos na rin namin ang program. Nangingibabaw ang ingay ng mga bata sa hall. Nagsasaya silang lahat.

Tumugtog ang music na Trumpet. Sinimulan na namin ang mga palaro sa kanila. Trip to Jerusalem, paper folding, pak ganern, at kung ano-ano pa. May mga prices din kaming ibinibigay. Lahat ay pawang nagsasaya.

Ngayon ay oras na para idistribute 'yung mga gift namin sa mga bata. Iyon ang mga boxes na pinacking kanina. Nagbuhat ako ng isang box. Mabigat nga ito. Mukhang maraming kagamitan ang nasa loob nito ah.

"Ito na yung mga gifts namin, kids. Enjoy!" sabi ko at inabot sa mga bata ang mga box. Nadistribute na namin sa lahat ng mga bata ang mga gifts. Ang lalapad ng mga ngiti ng mga bata. Halatang nasisiyahan sila!

"Ngayon kids ay sabay-sabay nating buksan ang mga box niyo!" masiglang sabi ni Khryzzia. Dali-daling pinunit ng mga bata ang mga wrappers na nakabalot sa box. Halatang excited na excited na sila.

Sabay-sabay nilang binuksan 'yung mga box ngunit sabay-sabay din naman nilang binitawan ito.

"WAAAAAAAHHHHHH!"

Nagkagulo kami nang biglang nagkagulo ang mga bata. Nagpatalon-talon sila sa kung saan. Nagsisigawan sila. Halatang takot na takot. Natataranta at mukha silang walang sa sarili.

Syet, anong nangyayari?

"WHAT THE HECK?!"

"SINO ANG NAGLAGAY NIYAN SA MGA BOX?!"

"SHIT! SHIT! SHIT!"

"AYOKO NAAA!"

"TULUNGAN NIYO KAMI!"

"KONTROLIN NIYO ANG MGA BATA, POTA!"

Nagsisigawan ang mga kaklase ko. Karamihan sa kanila ay nakatakip ang mga mukha sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Yung iba ay napatakip sa bibig. Yung iba naman, mangiyak-ngiyak na. Kinakabahan ako seeing them very rattled. Wala akong maintindihan sa nangyayari!

Dala ng kuryosidad ay dahan-dahan kong dinampot ang isang box sa sahig.

"Wag." may bilang pumigil sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Angelo. "Wag mong buksan, please."sabi nya.

Umiling-iling ako at hindi nakinig sa kanya.

Di na ako nagdadalawang isip na buksan yung hawak kong box. Nabitawan ko nang hindi oras yung box na nakita ko. Napaupo ako sa sahig dahil hindi ko na nakayanan ang panginginig ng mga tuhod ko. Napatulala ako. Kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib. Nagsimula na akong manginig.

"I told you, don't open it." sabi ni Angelo. Hindi ko sya magawang tingnan. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

"MAMA! UWI NA'KO!"

"MAY MOMO DITOOO!"

"MAMAAA! PAPAAAA!"

Nangingibabaw ang mga hagulhol ng mga bata sa hall. Kinokontrol sila ng ilang sa mga kaklase ko pero sa dinami-dami nila, hindi na nakayanan nung iba. Maingay sa loob ng hall, pero wala na yatang mas maingay pa sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

How can this be happening?

"TUMAWAG KAYO NG MGA PULIS, DALI!" utos ni Rupert, kaklase ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat. Yung box...

Nasa loob nun ang ulo ng classmate kong matagal na naming hinahanap. Ang ulo ni Eliezer. Parang gusto ng mandilim ng paningin ko.

"Sinong nakakita sa ulo ni Elgane? Sa ulo ni Arlyn? Sa ulo ni Myme? Ituro niyo sa akin kung saang box!" sigaw ni Izyle.

Napatayo ako sa narinig. Ang akala ko ay kay Eliezer lang. Pati rin pala sina Elgane, pinagtatadtad din! Kaya ba wala sila kanina sa event? Kaya ba si Grace lang yung nakarating sa kanila kanina?

Gusto ko ng maiyak.

Who the fucking hell did this?

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon