T'Sec'C 27: 5 years ago

316 25 0
                                    

Izyle's POV

Yung bracelet na nasa bag ni Leah. Kilala ko ang may-ari nun...

Dahil nakita kong suot niya iyon kagabi.

**flashback**

"Hi Izyle.."

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nung marinig ko 'yung boses niya. Tiningnan ko siya at kaagad na inirapan. Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko at tinalikuran na siya pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Galit ka ba sa akin, Izyle?" sabi niya. Nagsipagtindigan ang mga balahibo ko nang tumambad sa akin ang mapangahas niyang ngisi.

Shit! Ayaw na ayaw kong makita ang mga ngiti niyang nakakakilabot!

"Let go of my hand!" may halong pagbabanta kong sabi.

"Mag-usap tayo, Izyle. Total, tayong dalawa lang naman dito..." sabi niya.

Ang sarap niyang sapukin! Bakit ba siya ngiti ng ngiti?

"Ayokong makipag-usap sa isang mamamatay tao." sabi ko.

Napansin kong sumeryoso ang kanyang mukha. Halos matakpan ko na ang bibig ko ng mapagtanto ang aking sinabi... bakit ko ba nasabi iyon?

"Bakit, Izyle? Hindi ka rin ba mamamatay tao?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng paninigas. Bwesit! Hayop ka talaga, Junel!

"Tumigil ka na!"

Hinila ko 'yung kamay ko na hawak-hawak niya. Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo. Tapus, nanlilisik ang mga mata niya. Shitness!

"IZZZZZYYYYLLLEEE!"

Sabay kaming napalingon ni Junel sa sumigaw.

"Oh Leah? Nandyan ka pa pala!" sabi ko.

"Hinintay kasi kita, ano? Tara na?"

"Oh sige..."

"Ay, Teka lang pala. "

Nagulat ako nung biglang lumapit si Leah kay Junel. Bigla niyang hinawakan ang kamay ni Junel at itinaas ito.

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon