Lovely's POV
"Hinahanap ng ilan ang susunod na istoryang isusulat ni Eliezer. Marami na syang tagahangang nag-aabang sa susunod nyang isusulat. Wala pang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanya. Pinalabas na lamang muna namin na nagleave sya ng ilang buwan at lumipad sya palabas ng bansa." Paliwanag sa amin ni Ma'am.
Tahimik lang kami na nakikinig sa kanya. Kinikilabutan pa rin kami kapag naalala namin ang nangyari.
"Sa tingin ko, mukhang mapapaaga uli ang 2 months schedule natin for writing your stories." sabi ni Ma'am.
Kapag writing schedule kasi namin ay bibigyan kami ng dalawang buwan para makatapos ng isang manuscript sa nagawa naming estorya. After 1 month, saka pa ipopost muli ang bago naming ranking dahil maisasailalim pa ang mga iyon sa amount of readers and the last judging, which is ang mga staff ng school namin dito. Sila ang huling huhusga sa aming kwentong naisulat.
"Dumadami daw ang ratings sa bookselling ng libro niyang The Mystery Faith ayon sa sales department ng iba't ibang bookstore. Inaabangan ngayon ng ilang mangbabasa ang next story na isusulat nya. Alam naman nating lahat na hindi na makakapagsulat si Elly because, he's gone. So for now, ang tanging paraan na lamang dito ay magrarank uli tayo ng panibagong ranking. By that, kapag napublished na ang book ng kung sino mang susunod na Rank 1 sa inyo, iyan na ang pagtutuuan nila ng pansin. Mawawala na sa isipan nila ang author na su Eliezer." Sabi ni Ma'am.
"Hanggang kailan po ba natin ililihim ito Ma'am?" tanong ni Cyril.
Dalawang linggo na ang nakaraan simula nung nangyari ang mga karumal-dumal na murder sa hall kung saan namin ginanap ang outreach program. Wala pa ring nakakaalam sa mga nangyayaring murder under writers club. Wala pang nakakaalam na nanganganib kami.
Nakakatakot. Kating-kati na ang bibig kong ipagsabi ang maga kaganapang ito sa amin para kapag nagkagipitan ay may matatakbuhan kami! Pero, sa ngayon ay kailangan ko munang sumunod sa napag-usapan. Kailangan ko munang magdahan-dahan.
"Kung pwedeng ilihim natin ito ng panghabangbuhay ay gawin natin. Para rin naman ito sa kabutihan nyo." sagot ni Maam.
"Pero paano kung may mamatay uli? Paano namin masosulusyunan ang suliraning ito kung wala kaming pagsasabihan? Kung walang makakatulong sa amin?" Matapang na sabi ni Andrea, isa sa myembro ng MCG.
I feel Andrea's place. Pareho lang kaming lahat na takot sa susunod na mangyayari.
"I already told you na karamay niyo ang mga pulis sa pagkakataong ito. Inatasan naming manilbihan sila sa inyo kung sakaling may problema. Kung may masamang mangyari, sa mga pulis kayo tumakbo. Sila lang ang makakatulong sa inyo."
Natahimik na lamang kami sa sinabi ni Ma'am. Sana nga, matatakbuhan at mapagkakatiwalaan namin ang mga pulis.
"Anyway, I have a good news. " sabi ni ma'am. Hindi sya magiliw na nagsalita kaya nakakawalang ganang pakinggan ang good news na pinagsasabi niya. "Nawalan ng limang students dito sa section niyo. We decided na hindi na muna kami mag-eevict ng students dito sa Writers Club dahil nabawasan na rin naman kayo." dagdag pa nya na halos ikinatalon ko na sa tuwa.
Halos gusto ko ng sunggaban ng yakap sina Julius sa tuwa pero naisip ko ang mga namatay naming kaklase. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero totoong masaya ako na walang mada-drop sa section namin.
Niyakap namin sina Jessmar at Julius nang makaalis na si Ma'am sa room na halos sakalin na rin kami sa tuwa.
"Did you see that? I told you na may chance pang magbago ang isip ni Ma'am." Sabi ko sa kanila.
Sobrang lapad ng mga ngiti nila. Alam kong masayang-masaya sila. Sino ba namang hindi?
"Ganyan talaga kaming magaganda!" sabi ni Julia bakla sabay sagway pa ng buhok niya. Abnormal din.
"Maganda na lang,"
Niyakap ko rin ng mahigpit si Jessmar. Nakakagaan sa loob ang dalawang ito.
Tama nga si Dianne. Hindi nga naalis ang dalawang ito sa section. Paano niya kaya nasabi 'yon noon? May ginawa kaya siya?
Napatingin ako sa direksyon niya. Bigla uli akong kinilabutan nang makita kong nakangiti siya ng nakakagago. Hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga mata niya.
Masaya ba siya sa nangyayari o baka may iba pang dahilan ang kanyang pagngiti?
-
Someone's POV
I'm glad to know na kailangan lang pala na may mamamatay para walang maalis sa section. Muntik pa akong mahirapan! Ayoko pa namang may maalis sa section ng writers club.
Dahil gusto ko..
Na ako mismo ang mag-aalis sa kanila.
SA MUNDONG ITO!
Ipapatikim ko sa kanila ang lahat ng sakit at sakripisyong naranasan ko.
Humanda silang lahat!
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...