T'Sec'C 31: Detective

271 21 1
                                    


Ana's POV

Ngayon ay unti-unti nang lumilinaw sa akin ang lahat.

"Meamor... " napaiyak si Charise habang tinitingala ang nakabigting si Meamor sa bubong ng banyo.

Sa kasamaang palad, katawan ng nakabigting si Meamor ang natagpuan ko. Iyon ang dahilan ng aking pagsigaw kanina.

Hindi ko alam kung ano ang totoo. Nagbigti siya o sinadyang bigtiin? Malinaw na lumabas kanina si Dianne mula dito sa loob ng banyo tapos duguan pa ito. Siya ba ang pumaslang kay Meamor?

"Bakit mo ako iniwan, Meamor? BAKIT?!!" Napahagulhol si Charise.

Ikinuyom ko ang aking panga. Nakakagalit na ang lahat ng ito! Andami nang nawala sa amin.

Lumipas ang ilang sandali ay nasidatingan na ang mga magagaling na pulis. Isa pa tong mga bwesit na to. Wala man lang ba silang sasabihin sa possibleng dahilan ng mga pangyayari sa section namin? Wala man lang bang kahit isang mapagkakatiwalaang tao sa team nila ang pwedeng tumulong sa amin? Oh well, meron ba? Wala naman talagang taong mapagkakatiwalaan sa kanila. Kasi kung mayroon man, matagal ng naaksyunan ang lahat ng ito.

"Hindi na tama ang mga nangyayari. Kailangan ko ng kumilos." narinig kong bulong ni Lovely sa sarili.

Napangiwi ako. Anong kilos pjnagsasabi nito? Kaya niyang mag-isa? Walang kwenta.

"May motibo ba kayo kung bakit nagawang kitilin ng kaklase niyo ang sarili niyang buhay?" tanong ng isang pulis sa amin.

Halos bigwasan ko na siya sa narinig. Kitilin ang sariling buhay? So pati rin sila ay naniniwalang nagsuicide nga si Meamor? Shunga ba sila?

"Ang naalala ko lang ay namatay 'yung boyfriend niyang si Charlie. Isa si Charlie sa limang nagtransfer mula dito na namatay din last week..." sagot ni Charise.

Tumango-tango ang pulis. "Kaya nagpakamatay?"

Pinatay siya! Hindi siya nagpapakamatay! Ang bobo!

"Mukha naman pong hindi nagpakamatay si Meamor dahil lang doon, Sir. Kung tutuosin po ay nagkagalitan pa sila bago siya iniwan ng boyfriend niya." sagot ni Andrea.

"May pumatay?"

Ay malamang! Tsk.

"Hindi po namin iyan itatanggi, Sir. Alam naman po nating lahat na may mamamatay tao dito sa aming silid. Kaya possibleng-possible po iyan."

"Hindi pa rin tayo nakakasiguro. Marami ang possibleng sagot sa kasong ito. Sino ba sa inyo dito ang unang nakakita sa katawan ni Ms. Meamor Montano?" tanong niya.

"Si Dianne po." sagot ko.

"Saan ang batang iyan ngayon?"

"Umalis po siya. Tumakbo na lang po siya nung makita namin siyang naliligo ng dugo." sagot ni Grace.

"Ganun ba? Babalik na lang ako rito mamaya at sasabihin ko lang ito sa iba pang kasama. Just call the same number incase this happens again." sabi nito.

"Salamat po."

Ilang sandali pa'y nagsilabasan na ang mga pulis.

Sobrang tahimik sa buong silid. Iilang halinghing lamang ni Charise at ng iba pang nagdadalamhati sa pagkawala ni Meamor ang ingay na nag-uumapaw sa loob.

Ang daming nagbago sa amin. Bukod sa hindi na kami kagaya ng dati na kompletong nagkukulitan at nagkakatuwaan, hindi na rin kami ganun kaliksi kagaya noon. Nakakamiss din pala talaga. Parang ang bilis ng pagbabago. Ang bilis ng pagkakabawas. Paano nga ba nagsimula ang lahat ng ito? At paano nga ba namin ito tatapusin?

"Hi!"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Nasa may pintuan ito at walang pasabing pumasok na lang sa loob ng classroom. Nagtungo siya sa harapan at kaagad niya kaming hinarap.

Lalaki ito. Nakablack-cap siya at may nakapaskil na logo sa left chest niya na nagsasabing kasapi siya ng mga pulis. Nakapameywang itong humarap sa amin kaya kaagad kong naintindihan ang kanyang kasarian. Kapansin-pansin din ang medyo hindi nito katangkarang itsura, gayunpaman ay awtoritatibo ang dating.

Sino naman kaya itong taong ito?

"Hello, section WC. I'm Detective Jimuel Diva. Nice to meet you everyone." nakangiti niyang sabi. "And I will be your friend starting today. So whatever happens in this class must not be a secret, at least to me. I'll be the one to handle the case of this class."

"Hello po, Sir." bati namin.

"Sir Jim na lang para mas bongga," sabi ni Sir.

Parang kasing daldal din siya kagaya nina Julius at Jessmar.

"Bakit po kayo nandito, Sir Jim?" tanong ng kaklase kong si Byra.

Ngumiti si Sir. "I will be your detective starting today. Alam ko ang mga kaganapan dito sa inyong silid at makakaasa kayong maiilihim ko ito kung iyan ang inyong gusto. I'll try my best to help you with this one, even if it means, we'll find out the murderer." sabi ni Sir.

"Paano po, Sir? Paano niyo po kami matutulungan gayong napakakomplikado pong hanapin ang salarin sa lahat ng ito?" tanong ni Jacob.

"I just want you to inform na hindi ako nakarating sa ranggo na ito kung hindi ko nabibigyan ng hustiya ang mga kaso ko. Hindi ko kayo masisisi kung sinisiguro niyo rin ang kaya kong gawin. Nakikita ko sa mga mata ninyo na takot kayong mabigo. Pero class, kahit ngayon lang, ipagkatiwala niyo ito sa akin. Hindi ko kayang mag-isa ito. Kakailanganin ko ang kooperasyon ninyo. May mga taong katulad ko na mas gugustuhin pumasok sa kritikal na sitwasyon para matulungan ang mga taong kagaya niyong walang kasiguraduhan kong makakalabas nga ba sa binggit ng kamatayan. Kaya sana, ibalik ninyo iyon sa akin. Masyado pa kayong bata para maranasan ang mga ito. " marangyang sagot ni Sir.

Namangha ang iilan sa amin. Halos walang nakapagsalita.

"Hindi mo ba talaga kami bibiguin, Sir?" seryosong tanong ni Krza.

Ngumiti si Sir sa amin. Ngiting tunay at walang bahid na pagkukunwari. Ngiting nagbigay ng kampante sa aming lahat.


"Trust me. Let's trust each other. And I promise you, everything will fall into place."

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon