T'Sec'C 46: Trapped

216 17 2
                                    


Izyle's Point Of View

"Izyle..."

Naglalakad ako sa daan nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

Nabitawan ko ang hawak kong libro nang makita ang nakakakilabot na itsura ni Pauline. Duguan ang buo niyang katawan.

Fuck... Bakit siya nagpapakita sa akin?

"Tulungan mo kami..."

Napalingon ulit ako nang may nagsalita.

Nanginig ang buong katawa ko nang makita si Khyla. Tirik na tirik ang kanyang mga mata.

"Papatayin niya tayong lahat, Izyle..."

Napatingin ako sa kanan. Naglalakad papalapit sa akin sina Bengle at Ricci. Sabog ang kanilang mga buhok at naliligo sila ng dugo.

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa kilabot.

Bakit nandito silang lahat sa harapan ko? Patay na sila, di ba?

"Masamang tao siya, Izyle... Napakasamang tao niya."

Napatingin ako sa kaliwa. Parang estatuwang lumalapit sa kinaroroonan ko na sina Sugar at Eliezer. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko.

"Tapusin mo na siya, Izyle..."

Napalingon ako sa likuran. Parang nabingi ang tenga ko sa mga boses nina Elgane, Myme at Arlyn.

"Papatayin niya kayong lahat, Izyle. Kayong lahat.."

Hindi ko mapakalma ang sistema ko sa napakalamig na boses nina Cyril, Rupert at Paul nang banggitin ng mga ito ang pangalan ko.

Nanginginig ako.. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin!

"Bigyan mo ng hustisya ang lahat, Izyle."

Lumalapit sa gawi ko sina Meamor at Desyrie!

"Pakiusap. Patayin mo na siya, Izyle."

Parang zombie na nilalapitan ako nina Jossel, Trisha, Gleia, Jessa, Kris Anne, Charlie at ng iba pa.

Mas lalong nagwala ang buong sistema ko nang palibutan nila ako. I'm trapped.

At lahat sila ay duguan!

Putang ina. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?

"BAKIT KAYO NAGPAPAKITA SA AKIN?! PATAY NA KAYO, HINDI BA?! LAYUAN NIYO NA AKOO!" sigaw ko.

"Patayin mo siya, Izyle. Patayin mo siya."

'Patayin mo siya..'

'Patayin mo siya..'

The Section's Code [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon