T'Sec'C 23: Secret Lyrics

317 22 1
                                    

Lovely's POV

"GUYS!"

Napatingin kaming lahat kay Julius na nagsisigaw sa harap. Tawa lang siya ng tawa habang hawak-hawak ang isang papel. Maya-maya pa'y biglang pumasok si Jossel, isa sa mga kaklase ko, at pilit na inaagaw ang papel kay Julius. Halatang nagkakatuwaan.

"Langya kang bakla ka, akin na nga 'yan!" Tumawa na rin si Jossel.

"Guys, hindi lang pala mga writers ang nandito, pati rin pala composer!" Tumawa na naman si Julius habang tinitingnan ang papel na hawak niya.

"Bakit? Ano bang meron diyan?" tanong ni Leah habang lumalapit ito sa kinaroroonan nila. Ngumiti siya pagkatapos makita 'yung papel. "Ang baliw naman niyan!"

"Guys, pakinggan niyo ang composition ni Jossel. Ahem." sabi ni Julius.

Tumawa muna siya bago nagsimula.

"This is a secret lyrics by Jossel Cupay. Revision niya 'to sa secret love song. Pakinggan niyo."

"Why can't you hold me in the street, I never reach you on the dance floor.. I wish that I could be like that, be like that, Coz I'm yours.... Tonight."


Sandaling natahimik ang lahat pagkatapos kantahin ni Julius ang lyrics.

Nagtawanan kaming lahat pagkatapos. Parang shunga naman nung lyrics. Nakakatawa na nga dahil parang shunga ang revision, dumagdag pa ang boses niyang parang si Damulag sa Doraemon.

"Ayos na lyrics 'yun ah!"

"Bagay sa boses mo, Julia!"

"Pwede na kayong maging singer at composer dalawa!"

"Dancerist naman pala!"

Nagtawanan uli kaming lahat. Umabot na yata sa sukdulan ang kakulitan namin. Hindi talaga mawala-wala ang kalukuhan ng mga kaklase ko. Nakakabawas ng stress.

"Sige guys, gandang lyrics niyan ah! Kantahin nga natin ng sabay-sabay!" sabi ni Khryzzia.

"Sige," narinig kong sang-ayon ni Junel.

Sandali ako sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwalang may gusto pa pa lang lumipat sa classroom namin sa kabila ng mga nangyari. Siguro nga ay baka walang alam si Junel sa mga karumal-dumal na pangyayari dito sa section namin. Kasi kung may alam man siya, siguro naman ay hindi niya pipiliing maging bahagi ng aming silid. Pero possible rin namang may alam siya. Impossible kasing hindi kumalat ang balita tungkol sa section namin pero mas pinili nya pa rin dito. Hay. Wala pa rin akong alam sa dahilan niya kung bakit niya piniling dito pumasok.

"Okay guys, in one, two, three. Ready sing!" sigaw ni Webbie.

Nagsikantahan kaming lahat sa secret lyrics ni Jossel. Pati 'yung mga boys, nakikikanta na rin. Nakikisabay ang lahat sa bawat kalukuhan namin. Isa iyan sa mga bagay na nagustuhan ko sa silid na ito. Kaya hindi ko halos maisip na sa kabila ng kanilang mga ngiti, may nakakubling sakit at poot para gawin sa amin ang patayan. Alam kung paghihiganti ang isa sa mga dahilan ng mamamatay tao sa amin.

Tumingin kaming lahat kay Jossel. Nakahawak siya sa tiyan niya dahil sa katatawa. Alam talaga niya kung kailan kami nagkakatuwaan at kung kailan kami nagseseryoso. Sa madaling salita, marunong makisabay ang bawat isa sa amin.

~•~

Hapon na at katatapos lang namin sa Math class. Wala 'yung next teacher namin and since bawal pa namang lumabas ng school ay nagkulitan na naman kami. Kinakanta pa rin nila ang secret lyrics ni Jossel. Tss. Talagang hindi sila makamove-on.

"Sus! Wala kayo sa akin!"

Biglang pumunta sa harap si Jessmar. Nagpakembot-kembot siyang naglakad at humarap sa amin na nakapameywang pa.

Wala pa man nagtawanan na kami. Parang walang nangyaring patayan noong nakaraan, ah? Siguro nagsasaya lang talaga kami. Nakakabahala rin kasing isipin na baka... baka hindi na ito maulit.

"Pakinggan niyo ako!" Pilit na kinukuha ni Jessmar ang atensyon namin na nakuha naman niya agad. Tapus, nag-clear throat pa siya.

"Narito akew.... Na laaaaaaaaaaaaaageh kang .. Nakatingeeeeeeeeen." awit niya.

Marami sa amin ang nagtakip agad ng kanya-kanyang tenga. Marami kami na nagtatawanan at sinisigawan siya sa gitna. Tinalo niya pa yata si Julius eh! Damulag vs. Chipmunk na sinasakal. Kapag sila, nagsanib pwersa, wala na. Sabog na yata classroom namin.

"Para ka namang pinipilit na daga! Duet nga kayo ni Julia!" sigaw ni Charisse.

Maya-maya pa'y biglang umihip ang malakas na hangin mula sa labas. Napasinghap ako. Lumalakas ang ulan.

"Tingnan niyo, sa ganda ng boses ko, e di ayan, umulan! Nag-agree ang heaven!" sabi ni Jessmar at kumanta ulit.

Pinagbabato siya ng mga classmates ko ng mga magagaan na bagay lang naman.

"Tumigil ka nga! Kita ng umulan, kumakanta ka pa! Huwag mo ng pabagyuhin!" sabi ni Ben J.

Napatingin kami sa kanya na kaagad din namang nawala nang marinig ang nakakabinging kalampag na nagmumula sa pinto ng c.r namin.

Sumirado pala ng pagkalakas-lakas ang pinto ng c.r.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Tingnan mo, pati 'yung pinto ng C.R, may galit sa boses mo!" sabi ni Byra.

"Hangin lang yata 'yon." tugon ni Arriane.

Nagulantang kaming lahat nang makitang napaupo si Julius sa sahig pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto ng c.r.







"SHIT! WAAAAAAAHHHHHH!"

Nataranta kaming lahat nung bigla siyang sumigaw. Mangiyak-ngiyak at nanginginig siya na nakatitig lang sa pinto. Fuck! Ano na naman bang nangyari?

Nagsilapit kami sa pintuan ng c.r. Hindi ko alam pero halos gusto ko ng mapaiyak sa nasaksihan.

Lumingon ako sa may pintuan ng aming silid para sana humingi ng tulong nang makita kong pumasok si Junel. Seryoso siyang umupo sa kanyang upuan na parang walang nangyari.

Napakaseryoso niya...

Hindi man lang ba siya nababahala sa nangyayari? Hindi man lang ba siya natatakot?

At saka, kailan pa siya lumabas ng classroom? Hindi ba nasa silid siya kanina? Anong ginagawa niya bigla sa labas? Nandito naman ang C.R? May binili? Eh, ang lakas nga ng ulan?

At parang balewala sa kanya ang pagkakagulo.

Bakit wala siyang pakialam?

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon