Warning:
You might notice a lot of typos and grammatical errors. This is not entirely edited.
----
Lovely's POV
"BOOOOMBBAAAYYYAAAHH!" sigaw ng ilan sa mga kaklase ko.Nagsasasayaw sila sa gitna ngayon. Wala kasing pumapasok na guro namin. Pinangungunahan iyon ng bakla kong kaklase na si Julius.
Makalat ang buong klase. May kanya-kanyang trabaho ang bawat isa. Nagtatawanan sa kaharapan ang iba kong kaklase dahil dini-demonstrate nina Jessmar, Grace, Cyril, Justine, Rose at nang iba pa ang mga zombie sa Korean movie na 'Train to Busan'. Pinangungunahan ito ng barambado kong kaklase na si Eliezer.
Kapag nagtatawanan sila at kitang-kita ko ang saya ng lahat, sumasaya rin ako.
Nilingon ko ang mga Miraculous Cute Girls na nakaharap sa life-sized mirror at nagpapaganda. Lima sila sa MCG, ang kanilang pangkat. Si Andrea, Charity, Trisha, Krza at si Sugar. Lahat sila ay pawang magaganda.
Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid. Lahat sila ay nagtatawanan, nagkukwentuhan, nagkakantahan at higit sa lahat, nagkakasundo.
'Hanggang kailan pa kaya magiging ganito kasigla ang silid na ito?'
"Guys! Pinost na sa billboard ang ranking natin!" sigaw ni Izyle na kapapasok lang sa room. Siya ang Class Mayor namin.
"Talaga?"
"Oh my gee! Pang-ilan kaya ako?"
"Tara! Puntahan natin!"
Nagsilabasan ang lahat ng mga classmates ko para puntahan ang kinaroroonan ng billboard kung saan nakapost ang ranking namin. Ranking ito sa paggawa ng mga librong kami mismo ang sumulat.
Ilang sandali pa'y lumabas na rin ako sa room. Bago pa man ako tuluyang makaalis ay naaninag ko si Dianne.
Isa siya sa napakasilent type kong kaklase. Nag-iisa lang siya sa upuan niya, malalim ang iniisip.
Bumuntong hininga ako. Nilapitan ko siya at kinausap. "Hindi mo ba titingnan ang rank mo? Sayang naman, Dianne. Baka nakuha ka sa Top 15! " aliw kong usal sa kanya.
Hindi siya kumibo. Nanatili siyang tajimik. Mukhang wala talaga siyang balak na sagutin ako.
"Sabay na tayo, gusto mo?" nakangiti kong yaya sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niya akong nilingon. Hindi ko alam kung bakit nakita kong nanlilisik ang kanyang mga mata sa akin. Kakaiba ang nakita kong aura niya kaya kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko. Napaatras agad ako.
Hindi ko maaaninag kung anong meron sa kanya. Dahil ang alam ko lang, kapag ganito siya... nakakakilabot talaga.
"Dito lang ako." malamig niyang sagot at nag-iwas ng tingin sa akin.
Nanindig ang balahibo ko.
"B-Bakit? May problema ba?" Kahit ang weird ng pakiramdam ko ay nagawa ko pa rin namang itanong iyon sa kanya.
"Tatanungin kita, Lovely..."
Tumindig ang balahibo ko kanyang sinabi. Napalunok ako. Parang may kung ano sa kanya na hindi ko dapat malaman kung gusto ko pang mabuhay. Ngayon ko lang napagtantong masyado siyang misteryoso.
"A-Ano 'yun?" nanginig ang aking boses.
Matagal bago siya nakasagot. "Kapag ba namatay ako, iiyak kayo sa akin?"
BINABASA MO ANG
The Section's Code (COMPLETED)
Misterio / SuspensoHindi mo siya matatakbuhan. Hahatakin ka pabalik ni kamatayan. Isang section kung saan matatalino ang nakapabilang. Paano nga ba nila haharapin ang problemang hindi nila alam ang kasagutan? Words are mystery. Enemy is unidentified. The section's cod...