T'Sec'C 29: Letter "F"

294 20 0
                                    


Lovely's POV

"Umayos kayo, WC! Hold yourself! Marami-rami na sa inyo ang nabawas kaya magpakatatag kayo!" sumbat ni Ma'am Floressa sa amin.

Kahapon lang namatay si Desyrie pero hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin kami. Kumakalat na ang issue sa buong school. Hindi ko nga lang alam kung pati ba sa labas ay nakakalat na rin ang tungkol sa section namin.

Nakakakilabot. Everyone's not normal anymore. Halos lahat sa amin ay nakatulala na at wala na sa sarili. Sunod-sunod ang nangyayaring patayan, sino ang hindi mababahala sa lagay na ito? Lalo na ngayong may nabawas pang lima dahil nagsipaglipat.

Nakakainis! Iniwan na lang nila kami ditong baliw na baliw na sa kaiisip kung paano namin masulusyonan ang problemang ito.

"Magsisimula na ang writing schedule natin probably this week pero dahil hindi niyo pa naisaayos 'yang sarili niyo ay ire-remove ang schedule. By next week tayo magsisimula. Since you will be given free-one month on writing, aabutin tayo ng sembreak. Okay lang ba 'yun sa inyo?" paliwananag ni Ma'am.

Walang sumagot sa amin bagkus ay sabay-sabay lang kaming lahat na tumango.

"Class, hindi rin naman kayo ang naapektuhan dito. Ako rin bilang guro ninyo. Pero alam niyong rin naman tayo pwedeng huminto na lang dito. Hindi naman pwedeng ganyan lang kayo palagi." sabi ni Ma'am.

Naiintindihan ko si Ma'am. Hindi nga lang din niya kami masisisi kung naging ganito kami. Labin-isa na ang nawala sa amin! Ni walang nakakaalam sa amin kung ilan pa ang isusunod at isasabay.

"Anyway, sinong absent? Monitor?" tanong ni Ma'am sa aming class monitor na si Prime. Nilibot ko ang aking paningin.

Bahagyang naningkit ang mga mata ko nang mapadako ang aking mga mata sa mga bakanteng upuan. Wala sila...

"Si Khryzzia, Junel, Izyle, Dianne at Ben J po, Ma'am." sagot ni Prime.

Bakit wala silang lima? Wala rin si Ben J. Pati si Junel. 'Yung mga taong gumugulo sa isip ko ang wala ngayon. Nakaramdam ako ng pangingilabot.

"Bakit sila wala?" tanong ni Ma'am.

Nagkibit-balikat si Prime, wala ring ideya. Ilang sandali pa'y bigla kaming napatingin sa may pinto.

"I'm sorry for being late, Ma'am." sabi ni Junel. Seryoso ang mukha. Nang tumango si Ma'am ay dire-diretso lang siya sa kanyang upuan.

"Bakit ka late?"

"May tinapos lang po ako..." sagot niya.

Anong tinapos?

"Good morning Ma'am. Good morning, classmates."

Kumalabog ang dibdib ko nang marinig ko ang mga boses nilang kasinlamig yata ng yelo. Napalingon kaming lahat sa may pinto.

"Saan ba kayo galing at bakit sabay pa kayong na late dalawa?" tanong ni Ma'am kina Ben at Dianne.

"Wala po," maikling sagot ni Dianne. Si Ben naman ay tahimik lamang na tinutungo ang kanyang upuan.

Hindi ko alam pero mas nakakaramdam ako ng pangingilabot sa kanilang dalawa. Alam kong hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Hindi ko dapat sila pinaghihinalaan dahil wala naman akong pruweba pero... paano? Umpisa pa lang, masama na ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.

"Nasaan si Mayor? Izyle?" tanong ni Ma'am. Walang sumagot sa amin dahil walang nakakaalam.

Nagulat kami nang biglang itinuro ni Junel ang pinto. "Nagkasalubong po kami kanina, Ma'am. Baka nahuli lang." sagot niya.

The Section's Code (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon