Chapter 5

11.1K 313 55
                                        

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

I smiled while sitting here in front of the bar counter, waiting for the drinks I ordered from the bartender. I don't usually drink in the bars anymore mula nang magsipag-asawa na 'yung mga pinsan ko at si Toffer, but today was an exemption. Pwede ko nang gawin ulit ang lahat ng mga bagay na gusto kong gawin dahil may magbabantay na sa mga bubuwit na anak ni Justine sa bahay.

"Dude, marami ka nang naiinom ah. Naglalasing ba tayo?" tanong ni Nixon sa akin.

"I'm celebrating, Nix! Celebrating my freedom!" sigaw ko habang itinataas 'yung shot glass na inabot ng bartender sa akin.

Uminom lang ako nang uminom hanggang sa maramdaman kong nahihilo na ako. Pinigilan na ako ni Nixon dahil magmamaneho pa raw ako pauwi at baka mabangga ako.

But instead of going home, I found myself driving towards the memorial park. I parked my car and headed to the Montreal Mausoleum. Binuksan ko 'yung pinto at pumasok sa loob. Dumiretso ako at umupo sa harap ng tomb ni Justine.

"Alam mo, 'Tol, ang GAGO mo talaga eh 'no?! Buong buhay natin ang unfair mo na sa akin. Lahat ng atensiyon kinukuha mo. Lahat ng papuri palaging nasa 'yo. Ikaw 'yung matalino. Ikaw 'yung palaging magaling. Ikaw 'yung mabait at masunurin na anak. Ikaw 'yung responsable. Mabuting tao. Mabait na asawa at ama. Habang ako, ako 'yung gago! Ako 'yung palaging sinasabihan na luko-luko at walang direksiyon sa buhay, at walang magandang kinabukasan. Nasa 'yo na lahat eh, 'no? Tapos nung umalis ka, biglang iniwanan mo 'ko ng sangkaterbang mga problema! Grabe ka! Wala kang puso." Hindi ko na napigilan ang mapaiyak sa harap ng puntod niya. Kailangan kong ilabas lahat ng mga sama ng loob na naipon sa loob ko para sa kanya.

"Tangna! Sinabi kong lumaban ka di ba? Pero ano'ng ginawa mo? Umalis ka pa rin. Iniwan mo 'yung mga anak mo. Tapos sa akin mo pa binigay! Pucha, gago ka ba? Oo nga pala, sinabi ko na kanina na gago ka. Kahit ikaw ang pinakamabuting tao sa paningin ng iba, at least kahit sa paningin ko man lang eh maging gago ka! Gusto mo bang matulad sa 'kin 'yung buhay ng mga anak mo? 'Yung puro laro lang at kalokohan ang alam? 'Yung walang direksiyon? Ganun ba gusto mong mangyari? Pwes, bahala ka sa buhay mo! Putangna! Ano ba'ng bahala ka sa buhay mo ang pinagsasasabi ko eh wala ka na ngang buhay! I'm not making any sense, right?

"Ang gago mo lang kasi talaga! Iniwan mo kami nang basta-basta na lang! Paano pa kita masusumbatan nang harapan eh wala ka na nga! Kaya wag mo 'kong sisisihin kung lumaking gago rin si Jeremy at si Katie. Tangina eh! 'Yung trabaho mo sa mga anak mo eh sa 'kin mo ipinasa! Leche, wala ka na ngang kwentang kuya, wala ka pang kwentang ama."

Humiga ako sa semento at saka mukhang tangang humagulgol nang iyak. "Ang gago mo. Sobrang gago mo. Hindi pa nga tayo nagkakaayos nang maiigi. Hindi pa nga tayo nagkakasama ulit. Pero iniwan mo agad ako. Paano ka pa babawi sa 'kin niyan? Kuya kita di ba? Ikaw 'yung mas matanda sa 'kin. Ikaw 'yung dapat na gumabay sa 'kin mula nung bata pa tayo. Kaso ganyan ka parati eh. Mula noon hanggang ngayon nang-iiwan ka sa ere. Puta! Ano'ng gagawin ko ngayon sa mga anak mo ha?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon