Note: This chapter is dedicated to Ice_Quee. Thank you very much for reading TMHTL!
Enjoy this chapter, everyone! Please VOTE, POST A COMMENT. Thank you very much!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"OOOOUCH!!!" I screamed after I slipped and my būtt landed first on the tiled floor. Napagil ko yung paghinga ko habang nakahiga nang maramdaman kong kumirot yung balakang ko. "Araaaay..." daing ko dahil masakit talaga. Feeling ko nabugbog din pati yung puwitan ko.
"Zanary! AAAAAAH!!! FŪCK!!!" narinig ko pang mura ni Lance bago ko namalayan na nasa ibabaw ko na siya. "Shīt, Zanny, ano ka ba naman?! Dahil tuloy diyan sa pag-iinarte mo, nadulas ka tuloy. Gusto mo bang pati ikaw magaya sa akin at mabalian ng buto?" sermon niya sa akin.
Napapikit ako nang mariin bago napahawak sa balakang ko. "Ang sakit," nakangiwing daing ko.
"Pucha, paano kita tutulungang tumayo kung baldado rin ako?"
Santa Banana! Oo nga pala! Napadilat ako at nanlaki yung mga mata ko nang ma-realize ko kung ano yung posisyon namin. My eyes went down unconsciously and my mouth gaped open when I saw his dangling— "Shīt!" Napapikit ako ulit. "Aaaaaaah! Aaaaaaaaah! Lumayo ka nga sa 'kin! Get off! Get off me!" sigaw ko habang itinutulak yung dibdib niya palayo. Tinakpan ko ulit ng kamay yung mukha ko, hoping na mawala sa isip ko yung nakita ko.
Tinakpan naman niya yung bibig ko. "Dāmn! What the fūck are you doing? Do you want Jeremy and Katie to hear us and go down here and see us like this?"
Kinapa ko yung towel na dala ko kanina at inabot sa kanya. "Magtakip ka nga!"
Naramdaman kong umangat siya mula sa akin at kinuha sa kamay ko yung towel. "You can open your eyes now, Miss Conservative. I'm already decent."
Dumilat na ako at dahan-dahang umupo. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ko at nanlaki yung mga mata ko nang makita kong nakalapat sa basang tiles yung binti niya na naka-cast. "Santa banana! Nabasa yung cast mo, Monteverde! Bakit ka ba kasi bumaba ng upuan?"
"I saw how you slipped on the floor and the first thing that came into my mind was you might hit your head on the floor. Ano'ng ini-expect mo? Mauupo lang ako dun habang namimilipit ka sa sakit dito?" Sumandal siya sa tiled wall bago pumikit at napansin kong napangiwi siya habang nakakuyom yung mga palad niya.
Napatingin ako doon sa binti niya at mabilis na napalapit sa kanya. "Lance." I held his both cheeks in panic when I remembered how he screamed loudly before he went down to attend to me. "Lance, naitapak mo ba yung paa mo nung nilapitan mo 'ko kanina?"
Dumilat siya at ngumiti sa akin kahit mababakas sa mukha niya yung sakit na iniinda niya. "Sorry, I forgot that I myself was helpless also. Feeling Superman kaso palpak naman."
Biglang nanikip yung dibdib ko at pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil sa ginawa niya. "Lance naman eh."
He pouted his lips. "Kiss mo na lang ako. Sabi ni Katie nakakawala raw ng sakit yun."
Pinagdikit ko yung mga daliri ko sa kanang kamay saka inilapat nang mariin sa mga labi niya. "Ayan kiss mo."
Sumimangot siya. "Ang sungit mo talaga sa 'kin, Zanny," sabi niya sa akin habang seryosong nakatitig sa mga mata ko.
I sighed deeply before I moved my face close to him and placed a soft kiss on his nose. "Thank you for your attempt to save me, Superman."
"Fūck!" bulong niya. "Pwedeng isa pa? Ibaba mo ng konti yung halik mo para malaman natin kung compatible yung lips natin."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...