Chapter 21

12.1K 374 138
                                        

Note: This chapter is dedicated to iamdinah2426. Thank you so much sa paghihinatay ng update. Eto na yung hinihintay mong sagot sa mga tanong mo sa akin. Hehe! 

Dear readers, ito na yung sagot kung bakit nagkahiwalay sina Lance at Zanny noon. Plus yung much awaited scene n'yo ay nandun sa dulo. Hehe! RetzSelTorres, malapit na ba sa hinihintay mong highlights? Haha!

Please vote and post your comments regarding the update. Thank you!

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Pinasadahan ko ng tingin si Zanary mula ulo hanggang paa. "Why are you wearing a dress?"

"S-sabi mo kasi magsuot ako ng semi-formal. Hindi mo naman sinabi na motorsiklo pala yung dadalhin mo. Sandali lang, magpapalit na lang ako nang pants."

"Never mind. That would do." I put the helmet on her head.

"Lance, mahihirapan akong sumakay diyan. Magpapalit na lang ako."

"We're gonna be late." Inalalayan ko siyang makasakay sa bike ko bago ako sumakay sa harapan niya. "Humawak ka nang mahigpit."

I felt her arms wrapped around my body before I drove speedily going to Bulacan where we were holding illegal drag racings. Marami nang mga tao pagdating namin. Inalalayan ko ulit makababa si Zanary mula sa bike ko saka ko inalis yung suot niyang helmet.

 Inalalayan ko ulit makababa si Zanary mula sa bike ko saka ko inalis yung suot niyang helmet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Iginala agad niya yung paningin niya sa buong lugar. "Lance, anong meron dito?"

"Racing."

I saw her forehead frowned. "Racing? Manonood tayo ng karera?"

Hindi ko siya sinagot. I took my phone from the pocket of my jeans instead and called Nixon. "We're already here. Puntahan mo kami rito."

Ilang saglit pa at dumating na si Nixon. Napangisi siya nang mapatingin kay Zanary. "Girlfriend mo 'to, pare? Ngayon ka lang nagdala ng babae sa karera ah."

I ignored his question. I grabbed Zanary's hand and pulled her towards Nixon. "This is Zanary. Bantayan mo. Wag mong hahayaan na may mambastos dito. Pag may nangyari sa kanya, hindi ako magdadalawang-isip na lumpuhin ka."

Ngumiti siya. "Hanep ah! Possessive ka pala sa babae, p're! Opo, kamahalan. Ako na po bahala sa reyna n'yo. Magsisimula na yung laban kaya maghanda ka na."

Naguguluhang napatingin si Zanary sa akin. "Lance, teka, saan ka ba pupunta? Iiwan mo ko rito?"

"Stay with Nixon. Wag kang aalis sa tabi niya." I removed my jacket and gave it to her before I wore my helmet again and rode my bike. I drove to the road beside my opponent.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon