Tinatamad na akong mag-update dito. Haha! Mas marami pang nagkakagusto at active dun sa isang story ko na nilaro-laro ko lang 4 years ago kesa dito kay Lance na hinuhugutan at pinakaaayos ko. Pag hindi pa ako babalikan ng gana sa pagsusulat kasi pinipiga ko lang talaga yung utak ko mag-isip ng ita-type, magli-leave of absence na muna ulit ako rito sa watty hanggang bumalik yung gana ko kasi sobrang nai-stress ako lately sa kakapilit sa utak ko gumawa ng updates. Hinahampas ko na kasi yung ulo ko sa unan dahil sa frustration pero dumadaan talaga ako sa matinding writer's block at feeling ko super walang kwenta yung mga nata-type ko. Nakaka-down din kasi sa pakiramdam na iniwan na ito ng ibang dati nitong readers at tinigilan na nila basahin. So if you have criticisms regarding this story, please feel free to tell me para malaman ko kung ano ang reasons kaya ayaw na itong basahin ng iba.
Sana magustuhan n'yo pa rin itong chapter na ito. At sana maintindihan n'yo ako. Maraming salamat po.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
"Tulungan na nga kita. Ako na magdadala niyang pitsel," sabi ni Ate Dolores. Binitbit niya yung pitsel na may laman ng ginawa kong fresh lemon juice.
Dala ko naman sa tray yung mga baso at isang pinggan na puno ng walnut cookies. Nagpunta kami sa garden set sa gilid ng pool kung saan tunuturuan mag-swimming ni Lance yung mga bata. Kahapon lang ay galing kami sa Enchanted Kingdom para tuparin yung promise niya sa mga bata. After lunch ay nandoon na kami at gabi na kami nakauwi dahil sobrang nag-enjoy yung dalawang bata sa pamamasyal at pagsakay sa rides. Ang dami naming mga naiuwing mga stuffed toys na napanalunan ni Lance sa mga game booths kaya tuwang-tuwa yung magkapatid. Ngayon naman, dahil Sunday at wala pa rin pasok ay kinulit na naman siya ng mga bata para turuan silang lumangoy.
Inilapag namin ni Ate Dolores yung mga bitbit namin sa table bago siya bumalik sa kusina. "Ahon muna. Kain muna kayo," sabi ko sa kanila.
"Mommy, Katie and I can swim already!" sabi ni Jeremy bago umakyat sa hagdan ng pool at lumapit sa akin.
"Langoy aso naman," nang-aasar na sabi ni Lance habang tumatawa.
"Daddy! You're mean!" sabi ni Katie habang nakaupo dun sa hagdan at nakalabi habang nakatingin ng masama sa Daddy Lance niya.
Inabot ko yung towel at ibinalabal kay Jeremy. Inabutan ko siya ng cookie bago ipinagsalin ng juice sa baso. "Gagaling din kayong lumangoy pag lagi kayong magpa-practice. Katie, come here. Kain muna kayo ni Daddy mo."
"Huy, wag kang nguso nang nguso. Gusto mong pumanget?" sabi ni Lance paglapit kay Katie.
She smiled at him. "Ayaw po! Daddy, gusto ko rin po maging magaling mag-swim like you."
"Like what Mommy Zanny said, you should practice often para maging magaling kang swimmer. Let's go, kain muna tayo para lumaki ka. Ang liit-liit mo eh. You look like a midget."
"Daddy naman eh!"
Natawa si Lance bago siya kinarga saka umahon mula sa pool.
Nanlaki yung mga mata ko saka mabilis na tumalikod. Santa banana! Last Tuesday half näked lang. Ngayon almost näked na! Parang gusto kong magpaypay o kaya tumalon na lang kaya ako sa pool. Ang init tingnan eh. The biceps and the abs plus the bulge in front of his swimming trunks. Shuuuucks!
Mabilis akong nagsalin ng juice sa isang baso. Muntik pang matapon dahil nanginginig yung mga kamay ko. Mabilis kong tinungga yung juice pero lalo pa yatang uminit nung maramdaman kong nasa likuran ko lang si Lance.
"Here's your cookie, Katie. Baba ka muna. Let's put a towel on you para di ka ginawin," narinig kong sabi niya.
Napaigtad pa ako nang hawakan niya yung kamay ko. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. "Pahingi ha?" He took the pitcher and the glass from my hands and pour some juice inside the glass before he put the pitcher on the table and drank the content of his glass. "Hey, what's wrong with you?" tanong niya pagkatapos uminom.
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
Fiksi UmumI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...
