Chapter 30

12.5K 308 82
                                        

Lumuwas kami ni Mama sa QC kaninang umaga kaya now lang nakapag-update. Saka may in-insert pa akong scene ngayon lang.

This chapter is dedicated to LeyRivalliego kasi tawa ako nang tawa sa comments mo sa chapter 29. Thank you!

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

Inilapag ko sa table ni Teacher Misty yung mga records na natapos ko nang i-evaluate habang may kausap naman siya sa phone.

"Okay, thank you for the information," sabi niya bago bumaling sa akin. "Nagtaas na naman daw ng signal warning ang PAG-ASA. Signal number one dito sa Metro Manila."

"Kakaiba na talaga panahon ngayon. It's almost the end of September already pero palagi pa rin tayong binabagyo."

"Kaya nga eh. We need to inform all the pre-school teachers for the cancellation of classes. Umuwi na rin kayo agad ni Jeremy. Nagsisimula nang sumama yung panahon eh."

"Natapos ko na nga palang i-evaluate yung records ng lahat ng junior high school students."

"Yieee! Naku, Zarry, ang laki mo talagang tulong dito sa office ko. Sobrang salamat sa pag-volunteer mo ng time mo na tumulong dito tuwing naghihintay ka ng oras ng paglabas ni Jeremy. Don't worry, pagbalik mo sa pagtuturo, ire-raise ko talaga ulit yung salary mo."

Ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba? Hindi naman kailangan yun. Willing naman ako gawin to kahit walang kapalit."

"Alam mo, sobrang busilak talaga ng puso mo. Sana makapag-asawa ka ng mayaman. Yung kering-keri ka rin patayuan ng school tulad nito kasi sobrang deserved mo yun eh. Besides, kabisadong-kabisado mo na rin ang pagma-manage ng school dahil sa palagi mong pagtulong sa akin dito."

Napaawang yung bibig ko. Biglang pumasok sa isip ko si Lance but I immediately dismissed the thought. Asawa? Hindi ko nga alam kung hanggang kailan lang aabot yung relasyon namin eh. Pwedeng nag-e-enjoy lang kami sa company ng isa't-isa sa ngayon. Pero paano na kapag nagkasawaan na kami? It could happen, right? Pero bakit parang tumututol yung puso ko sa naisip ko na yun?

"Halika na. Susunduin ko rin si Yesang sa room nila. Umaambon na eh," sabi ni Teacher Misty pagkatayo mula sa swivel chair niya. She took out her umbrella from her bag.

"Tita!" sigaw ni Katie pagpasok sa pinto ng private office ng tita niya. "Look at my drawing!" Nasa lobby kasi siya. Doon siya palaging naglalaro at nagsusulat o nagdo-drawing kapag hinihintay namin matapos yung klase ng kuya niya.

Teacher Misty took the paper from her hand. "Wow! Improving na yung drawing mo, baby ah. Feeling ko sa 'kin ka talaga nagmana ng talent sa pagdo-drawing sa ating mga Montreals."

"Nope! Mana po ako kay Daddy Lance because when I grow up, magdo-drawing din po ako ng houses and tall buildings. I want to be an arti...arti." She grinned before she looked at me. "Ano nga po ulit si Daddy Lance, Mommy Zanny?"

"Ar-chi-tect," sagot ko.

"Ar-chi-tect. Yes! Artitek! I want to become an artitek someday like Daddy Lance, Tita!"

Tawa nang tawa si Teacher Misty. Hindi talaga ma-pronounce nang tama ni Katie yung architect kapag mabilis.

"Aba! That would be nice. Architect Katheryne Candice Monteverde. Bagay!" Nakipag-high five pa si Teacher Misty sa kanya bago ibinalik sa kanya yung drawing niya. "Pero mas okay sana kung napo-pronounce mo nang tama yung word na architect eh."

"Ang hirap po kasi. Nakakabulol po."

Teacher Misty smiled before she rumpled Katie's hair. "Don't worry. Mapo-pronounce mo rin nang tama yun. Bata ka pa kasi eh. Anyway, Arch. Katie, let's go and fetch your Kuya Jemie and Ate Yesha already."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon