Note: Hello, JeDylz! This chapter is for you dahil na-miss ko mabasa yung makukulit na comments mo at inulan mo na naman ng nakakaaliw na comments itong TMHTL nung last time na nag-update ako. Thank you very much!
-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
Kahit pagod kahapon ay maaga pa rin akong nagising tulad ng nakasanayan ko. Dumiretso na agad ako sa kitchen para maghanap ng pwedeng mailutong pagkain. Kailangan kong sabihan ang hari ng lahat ng mga malditong bakulaw dito sa mundo na kailangan nang mamili ng mga pagkain at stocks dito sa bahay. Puro kasi frozen foods ang nasa freezer nila at ilang beers in can pa ang nasa loob ng ref. Hindi talaga good example 'yung kulot na 'yun sa mga bata. Saka ano'ng nutrition naman ang makukuha ng mga bata kung puro frozen foods ang mga makakain nila?
Pero dahil wala pa akong choices, nakakita ako ng boxes ng cereals sa cabinets at inilabas ko ang mga iyon. May fresh milk naman kaya iyon na lang ang ipapakain ko sa mga bata kapag nagising na sila.
"Excuse me, Miss?"
Impit akong napatili nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang isang maganda at mestisang babae na matangos ang ilong at napakasosyal ng itsura at sa isang tingin ko pa lang ay masasabi ko na agad na may sinasabi sa lipunan.
Kinabahan ako agad nang makilala kong siya 'yung mommy ni Lance na si Atty. Isabella Monteverde. Bukod sa nakita ko siya noon doon sa lamay ay ilang beses ko na rin siyang napananood sa ilang interviews sa TV dahil sa malalaking mga sensational cases na naipapanalo nito sa korte. Naging headline din sa mga pahayagan at TV yung nangyari sa anak nila na si Atty. Justine kaya madalas ko silang nakikita ng asawa niya sa mga news reports.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pakiramdam ko ay nanliit ako bigla. Ang isang napakagaling, tinitingala, at kagalang-galang na abogada dito sa Pilipinas na asawa ng isang well-respected judge ay nasa harap ko bigla. Parang gustong manginig ng mga tuhod ko.
"I am assuming that you are one of my son's flings. But I'm also wondering why you look very different from his former ones..."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Parang gusto kong masuka at tumindig ng mga balahibo ko dahil napagkamalan pa akong isa sa mga babae ng anak niya! Ako? Ako pa talaga?!
"Because you somehow look..." pinasadahan ulit niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "... decent. Did my son already change his preference regarding his flings? Anyway, may I know your name, Miss..?"
"Ah..." Umiling ako. "N-naku, Attorney, hindi po ako isa sa mga babae ng anak n'yo. Ako po 'yung ipinadalang tutor ni Teacher Misty para sa mga apo n'yo."
Bumagsak yung panga niya at nanlaki ang mga mata habang namumula ang buong mukha. "Oh goodness! I'm so sorry, hija! Forgive me for quickly judging you. Kaya naman pala nanibago ako sa itsura mo," sabi niya habang lumalapit siya sa akin.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang po. Ako po pala si Zanary Faye Sarmiento, Attorney." Inilahad ko yung kamay ko sa kanya pero nagulat ako dahil imbes na tanggapin niya iyon ay bigla niya na lang akong niyakap.
Lumayo siya nang bahagya bago ako tiningnan ulit. "Naku, wag mo na 'kong tawaging attorney. Napaka pormal mo, hija. Tita Bella na lang din ang itawag mo sa akin since dito ka na rin naman magtatrabaho at titira pansamantala habang di pa natatauhan 'yung anak ko na ipasok sa school 'yung mga pamangkin niya."
"Nakakahiya naman po. Kilalang-kilalang tao kayo sa lipunan at nirerespeto tapos tita lang ang itatawag ko sa inyo."
"Ay naku, wala naman sa akin 'yun. Abogada ako at sa isang tingin ko pa lang sa isang tao ay may kutob na ako agad kung mabuti o hindi ang isang tao. And just by looking at you, I already know that you are a good person. Ayokong mailang ka sa akin kaya tita na lang ang itawag mo sa akin."
![](https://img.wattpad.com/cover/94244480-288-k716188.jpg)
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...