Chapter 12

11.4K 309 34
                                    

Note: Hello, Bhebz0689! Eto na yung chapter na hinihintay mo kaya dedicated 'to sa 'yo.

Enjoy reading, everyone! Salamat po sa paghihintay n'yo. Flashback itong chapter na 'to.

-AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Talagang nagtu-tutor ka pa pagkatapos ng mga klase n'yo sa hapon at tuwing weekends?"

Naputol 'yung pag-iisip ko nang magsalita itong katabi ko rito sa loob ng kotse. Wala akong choice kundi lingunin siya. "Oo," sagot ko naman bago siya huminto dahil naka-red 'yung traffic light sa harap namin.

Nilingon niya ako. "Aral tapos trabaho pa rin pagkatapos. Hindi ka ba napapagod?"

"Hindi."

"Ganyan ka ba talaga makipag-usap? Teachers are supposed to be talkative and conversationalist like my cousin, right? 'Yung parang di nauubusan ng mga sasabihin. Pero ikaw napakatahimik mo."

"Hindi ako tahimik. Sadyang di lang ako komportableng makipag-usap sa mga taong di ko kilala."

Tumaas 'yung gilid ng mga labi niya. "Oh, is that so, Teacher? Then why don't you go with me and let's get to know each other better?"

Tinitigan ko siya nang matiim. Hindi ko pa nasubukang pumasok sa kahit anong relasyon pero hindi rin ako inosente para di malaman kung ano 'yung gusto niyang palabasin sa sinabi niya. Iba't-ibang mga tao ang palagi kong nakakasalamuha araw-araw kaya alam kong bumasa ng tao base sa itsura, kilos, at mga sinasabi nila. At itong si Lance Monteverde ay alam kong iyong tipo ng tao na hindi seryoso sa buhay. Siya 'yung tipo ng mga rich kids na nabubuhay sa pera ng mga magulang nila. Isang tipikal na spoiled brat. At base pa sa mga sinabi ni Misty kanina ay isa siyang babaero na hindi nagseseryoso sa isang babae at sa isang relasyon.

Halata naman yun sa itsura niya. Aminado naman ako na gwapo siya dahil hindi naman ako bulag. Attractive yung physical features niya. Matangkad, medyo moreno, maganda ang pangangatawan, alon-alon yung buhok, matangos ang ilong, manipis ang mga labi, at higit sa lahat kakaiba yung mga mata niya na kapag tumitig ka ay para bang nang-aakit at mapapasunod ka sa bawat gusto niya. Masyadong powerful yung mga mata niya at iyon agad ang napansin ko nang una ko siyang nakita. Actually masyado nga siyang gwapo sa paningin ko kaya alam kong ang isang ito ay yung tipo ng lalaki na proud na proud sa itsura niya at gagamitin na advantage iyon para palaging makuha yung mga babaeng nagugustuhan niya. Mayabang dahil may ipagbabayabang. Pero hindi yung mga tulad niya ang tipo ko sa lalaki.

Itinaas niya yung mga kamay niya. "Hey, don't get me wrong. What I meant was, I want to know you better. Let's go out on a dinner. My treat."

"Wag mo 'kong bolahin dahil alam kong pinagti-tripan mo lang ako. Di ba sinabi mo nga kay Misty kanina na pangit ako at boring manamit."

"Hey! I didn't tell her that you're ugly. Ang sabi ko, parang hindi ka yata nag-aayos ng sarili mo sa harap ng salamin. You're very plain—"

"And boring. Kaya di ako 'yung tipo ng babae na papansinin mo at pag-aaksayahan mo ng oras."

Nakarinig kami ng pagbusina sa likod namin kaya napatingin siya sa mga umaandar nang sasakyan sa magkabilang gilid namin bago pinaandar ulit itong kotse niya. "But you're pretty kaya nga napansin kita agad kanina. Come on, it's just a simple dinner. I never treated a girl on a dinner before."

Tumaas 'yung kilay ko. "At kailangan ko bang ma-flatter dahil diyan sa sinabi mo? Pwede mong lokohin lahat ng mga babae sa smooth talk mo pero hindi ako. Isa pa, hindi mo kailangang aksayahin sa akin 'yung pera na ginagastos sa 'yo ng mga magulang mo."

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon