Chapter 56

12.8K 388 114
                                        

Hindi ako nambitin dun sa previous updates ko. Nabadtrip talaga ako nun kaya sinabi kong final update na yun dahil kahit halos di na ako natutulog sa sobrang dami ng mga trabaho ko eh sinisikap ko pa rin mag-update para may maipabasa ako sa inyo, pero nakakapanlumo na wala na halos akong mabasang comments kaya di ko malaman kung nagugustuhan n'yo pa ba yung mga nangyayari sa update. Nakakawala talaga ng gana yun kaya di ko trip-trip lang yung ginawa ko na yun.

Tulad ngayon, kanina pa naduduling at pumipikit yung mga mata ko sa sobrang antok at pagod dahil galing pa kaming Tarlac ng mga co-teachers ko pero pinipilit kong gisingin sarili ko para makapag-update ako.

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

"Zanny ko. Gising na. It's almost twelve already."

I was still disoriented when I woke up. Akala ko ay nananaginip lang ako pero nagulat ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko mula sa likuran.

"Lika na. Labas na tayo."

Napatingin ako doon sa kabilang panig ng kama kung saan ako nakaharap. Wala na yung dalawang bata doon. "Sina Jem?"

"Nasa labas na. Kanina ka pa namin ginigising pero sobrang lalim ng tulog mo. Let's go?"

Tumango ako. Inalalayan niya akong tumayo at sinuutan niya ako ng jacket bago hinalikan.

Napangiti ako. "Di na amoy alak."

Ngumiti siya sa akin. "Mouthwash na nilaklak ko at di na alak para di ka na mainis sa 'kin. Let's go." Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay.

Wala nang tao rito sa loob ng bahay. Maingay na sa labas dahil may naririnig na akong mga putukan. Nandoon na rin yung mga tao.

"Seven! Six! Five! Four! Three! Two! One! HAPPY NEW YEAR!!!" malakas na sigaw ng lahat.

Nakita kong hinalikan ng magpipinsan yung kanya-kanya nilang mga asawa. Ganoon din naman yung mga mas nakatatanda sa amin. Nagsimula na rin magyakapan ang lahat habang umiihip ng torotot yung mga bata.

Naramdaman kong pumulupot yung mga braso ni Lance sa akin mula sa likod ko at hinalikan yung pisngi ko. "Happy new year, Zanny ko. I love you," sabi niya habang nakapatong yung baba sa balikat ko.

Hinawakan ko yung mga braso niya bago lumingon at ngumiti sa kanya. "Happy new year, Daddy Lance. I love you, too."

Nagtatakbo palapit sa amin sina Jeremy at Katie. "Daddy, Mommy, happy new year!"

Yumuko ako at hinalikan sila. "Happy new year sa mga baby ko! We love you both."

Yumuko rin si Lance at hinalikan sila. "Happy new year!"

"Mommy, can we light luces already with our cousins?" Katie asked me again.

"Sure. But remember what I told you earlier okay? Wag ilalapit sa mukha ng ibang tao yung luces n'yo."

"Yes po! Thank you. Lika na, Kuya Jemie!"

Niyakap ulit ako ni Lance sa likod habang itinuturo yung naggagandahang mga fireworks sa langit. We watched them with smiles in our faces.

"Zanny, thank you for everything. Lalo na sa pagtitiyaga at pag-intindi mo sa akin no matter how difficult I am at times. Wag kang magsasawang mahalin ako this year at sa lahat ng mga years na pagdadaanan pa natin sa buhay natin. Ikaw at yung mga bata ang pinakamagandang regalong natanggap ko noong nakaraang taon. This year, we're going to build our own family together already so let's stick stronger together and always support each other."

Humarap ako sa kanya. "Alam mo, mula noon hanggang ngayon, wala naman akong ibang lalaki na nagustuhan kundi ikaw lang. Nagkahiwalay man tayo noon, I know destiny still brought us back together because we're the one's destined for each other. Hanggang forever na ba ito, Lance?"

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon