May nag-comment rito sa story na mukha raw sanggano si Lance dahil mura nang mura. No offense meant sa nagsabi nun kung mabasa man niya ito. Pero tulad nga ng sabi ko dati sa author's note ko, Lance is not Lance kung hindi bulgar yung bibig niya. Yes, rebelde siya at kahit mayaman ay natutong makisama sa ordinaryong mga tao dahil nga sa kanila siya nakakita ng companionship during the time na naghahanap siya ng mga tao na tanggap siya sa kung sino at ano siya. Kaya nga problema ni Zanny yung ugali at personality ni Lance ay dahil sa kakasama niya sa maling mga barkada na bad ang influence sa kanya.
Sabi nga ng prof namin dati, cursing nowadays is just a self-expression na lang. Madalas nga lalabas na lang sa bibig natin yun kapag nabibigla tayo or something unfortunate happened to us. Not that I'm saying that cursing is right. Mali pa rin yun. Pero ito na kasi ang panahon natin ngayon. You have to live with it kaysa kunsumihin mo ang sarili mo sa mga taong nagmumura sa paligid mo. Kung maka-medieval age pa rin kayo at ayaw nakakarinig o nakakabasa ng mga curses or mura, problema n'yo na yan. Haha!
This chapter is dedicated to yzeka16.
~❁✲❁**♥**❁✲❁~
I woke up the next morning when I heard someone talking near my bed. And when I opened my eyes, I found Lance lying on his stomach beside me and his head was again inside my shirt.
"And I'll prepare your room soon. What design do you want? Gusto mo yung may mga Marvel superheroes or yung cartoon characters? Si Ben 10! Do you want Ben 10? Kuya Jem likes Ben 10, you know?"
Napangiti ako. It really touched my heart knowing that he was already showing concern to our baby even this early.
"Tapos pupunuin namin ni Mommy Zanny ng toys yung buong room mo. Gusto mo ba ng toy cars? You know Daddy love cars. When you grow up bibilhan kita yung pinakamahal at pinakaastig na kotse para sikat ka lagi sa mga girls! Malakas maka-pogi points yun sa girls eh."
Napakunot yung noo ko. Ano ba'ng pinagsasabi nito? Pati pambababae yata eh ituturo pa sa anak namin!
"Pero magpapapogi ka lang, okay? Nakaka-boost kasi ng ego pag hinahabol ng maraming girls. Pero wag mong gagayahin si Daddy. Wag mong paglalaruan yung mga girls kasi nakakahiya pag na-meet mo na yung the one mo. Parang wala ka nang mukha na ihaharap sa kanya kasi tainted ka na dahil kung sinu-sino na yung girls na dumaan sa 'yo. Wag kang magpapaasa ng girls kasi di pala maganda yun. I tell you, babalikan ka ng karma. That's for sure because it already happened to me. Nagkagulo-gulo tuloy yung relationship namin ni Mommy mo dahil sa mga kalokohan ko noon. Don't imitate Daddy okay? Bad si Daddy noon, but I'll make this clear to you na di na ko nambababae ngayon, okay? Si Mommy Zanny mo na lang ang one and only woman sa life ko ngayon."
Hindi ko napigilang mapangiti at mangilid yung mga luha ko dahil sa mga sinasabi niya. I held his head against my shirt kaya inilabas niya yung ulo niya dun.
"Hi!" He flashed his most attractive smile again and reached to kiss my lips. "Gising na pala ang very lovely mommy ng baby boy ko. Good morning, Mommy Zanny!"
"Kung anu-ano'ng mga sinasabi mo, di ka pa naman naririnig ni baby."
"Bakit si Gab at yung mga pinsan ko kinakausap nila yung mga baby nila kahit nasa loob pa lang ng tiyan ng mga asawa nila?"
"Ayos lang naman yun pero di ka pa niya maririnig kasi by five months pa bago ma-develop yung pandinig niya."
"Bakit ganun? Bakit sobrang tagal naman?"
"Because humans are created that way?"
He pouted his lips like a child. "Tsssss! De ang tagal pa pala bago marinig ni baby boy yung boses kong kinabaliwan ng mommy niya nung college at kinababaliwan pa rin hanggang ngayon."
BINABASA MO ANG
Teach Me How to Love (Complete)
General FictionI was a man who had a fúcking past. I totally hate responsibilities. I love being with the company of women but I loathed being in a relationship. I once tried to enter it but was immediately dumped and burned before I even fell so I despised it in...