Chapter 8

11.4K 338 51
                                    

Note: Nag-enjoy ako i-type yung chapter na 'to kaya sana magustuhan n'yo.

Maraming salamat sa mga bumoto dun sa last update ko. Kaka-start pa lang ng TMHTL pero may mga nagkakagusto na. You're really making me happy.

Pero ini-encourage ko kayo na mag-comment para naman may mapagbigyan ako ng dedication sa next chapters. Hehe! Just let me know what you think about the update. Para na rin ginaganahan ako mag-type kasi sa totoo lang for the past couple of weeks eh di ako makapag-isip ng ita-type. Ngayon lang ako tinamaan ng bonggang writer's block. I need bonggang inspiration kaya sana naman kayo magbigay nun sa 'kin. Hindi naman po ako nangangain ng tao. Mabait ako, promise. Maldita lang madalas. Haha! Yun lang po. Thank you very much!

This chapter is dedicated to zaidram. Thank you for your comment sa last update. Thanks for reading TMHTL!

AaliyahLeeXXI ( ^ . −) ~~♥

~❁✲❁**♥**❁✲❁~

I was laughing crazily when I got inside my car while thinking about Zanary's horrified facial expression when I called her wife and kissed her on the cheek.

Parang gusto kong kilabutan sa mga kakornihang pinaggagawa ko na nakikita ko lang na ginagawa ng mga pinsan ko sa mga asawa nila.

Pero nacha-challenge talaga ako sa teacher na 'yun. Kahit anong pang-aakit kasi 'yung gawin ko sa kanya ay sobrang lakas pa rin ng self-control niya. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ang itatagal niya bago bumigay sa akin. Like what I told her, I'm going to make it my goal to make her fall for me. At seryoso ako doon. I'm not gonna let this chance pass and I'm going to win for sure.

Napangisi ko bago binuhay 'yung makina ng kotse ko at lumabas ng bakuran.

~❁❁**✲**❁❁~

"Children, I'm already finished cooking. Eat na kayo. Let's go." Nakatitig lang ako sa kanila na nakaupo sa couch habang sobrang busy sa paglalaro sa mga iPad nila. "Jeremy. Katie," tawag ko ulit sa kanila pero parang mga walang narinig. Patuloy pa rin sila sa kapipindot. "Children—"

"You're very noisy, nanny! Can't you see we're still playing? Later na kami mag-eat ni Katie," sabi ni Jeremy sa akin.

Napahinga na lang ako nang malalim bago nagpasyang lumabas ng bahay. Napatingin ako sa gate. "Anong oras kaya uuwi si Monteverde? Kailangan ko na talaga siyang makausap regarding Jeremy's schooling."

"Zaryry!"

Napasinghap ako at napaigtad nang isigaw ni Katie 'yung pangalan ko mula sa may front door. Lumapit siya sa akin.

"I'm already hungry. I want to eat now."

"Si kuya mo di pa rin kakain?"

"I don't know. He's still playing on his iPad." She pouted and stared up at me. "Are you angry with me and Jemie?"

"Ha?" Umupo ako sa harap niya. "Why would I get angry with you and Jeremy?"

"Kasi di kami nagli-listen sa 'yo. Daddy said dapat magli-listen daw kami sa older people."

"Tama naman si Daddy. But, Katie, hindi lahat ng mga bagay na sinasabi ng older people ay dapat pinapakinggan at ginagaya ng mga batang tulad n'yo. 'Yung good things lang dapat ang gagayahin at papakinggan n'yo. And 'yung bad things, hindi dapat gagayahin."

She smiled at me. "Mommy said dapat magso-sorry daw kami pag may bad things kami ginawa and pag naughty kami ni Jemie. Sorry, Zaryry."

Napangti ako at hindi ko alam kung bakit tumulo na lang bigla 'yung mga luha ko. Masaya ako eh. Parang biglang lumobo 'yung puso ko at sasabog dahil sa sobrang saya.

Teach Me How to Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon